“Karn! Si Chimi!” sigaw ni Jeremy. Dahil dito ay nawala sa focus si Karn at wala sa sariling sumugod malapit sa nagwawala na mga red fangs. Ang ginawang pagtakbo ng dalawang grupo sa gawi nila ay naghatid din sa grupo ng mga monsters sa kanilang kinalalagyan. “Wala na tayong magagawa. We can't run,” aniya at naghanda upang makipaglaban. “Weee!” Isang malakas na tunog ang umalingawngaw sa paligid. Kakaiba ang tunog nito at hawig ang alulong na nilalabas ng mga red fangs. Ito ang naging dahilan kung bakit unti-unting nagtatakbuhan paalis sa kinalalagyan nila ang mga ito, at nagtungo sa pinagmumulan ng tunog. Sa pangyayaring ito ay mabilis silang kumilos. Kinarga ni Karn si Van habang kinarga naman ni Jeremy si Chimi. Wala pa rin itong malay habang si Van naman ay bahagyang nahihilo. Siya a

