Sa hindi inaasahan ay umabot ng halos isang linggo bago ang kanilang Third and final training. Dito makikita kung papasa na ba silang mga hunters at maaari ng sumabak sa mga wilderness mission. ’Liban sa mga redfangs ay marami pang dapat na puksain ang mga hunters. Changeling monster, Serenny, at iba pang mga laman lupa na sumisira sa balanse ng mundo nila at mundo ng mga tao. “Handa na ba kayong lahat?”tanong ni Karn na ngayon ay bahagyang kinakabahan. Tulad nito ay gano’n din ang nararamdaman ng iba pa nilang mga kasamahan. Ito na ang pinakahihintay nilang pagkakataon. At alam niyang hindi ito sasayangin ng mga ito. “Hindi ito magiging madali, lalo’t walang nakakaalam kung may kainaman sa ’tin ang sitwasyon o wala,” ani Chimi sabay upo pabalik sa kama nito. “I already asked dad. Ngun

