Matapos ang pag-uusap nilang dalawa at nakaalis ang grupo na kasama ni Zen, ay maingat na iniwan nina Dane at Nitch ang mga bata sa lugar kung saan makikita kaagad ang mga ito. Hindi sila umalis hanggang sa kusa iyong nakita ng mga tagapagpatupad ng batas sa back entrance ng third city. At tulad nga ng sabi ni Zen ay napunta ang mga ito sa pangangalaga ng butihin nilang Tiyo. Sa tulong na rin ni Zen ay inalis ang masamang ala-ala ng mga bata, lalo na ang parte kung saan nagkakilala sila. Matapos iyon ay naghintay muna sila ng ilang oras dahil nais niyang makausap si Zen. Ngunit umalis na lang ang ibang mga nag-imbestiga at gumabing muli ay ni anino ni Zen ay ’di nila nakita. Hindi niya mawari kung nasa delikado ba itong posisyon ngayon o wala. Basta ang nais niya ay yakapin ito at pasalama

