Chapter 1 Prologue
PENELOPE
Nakarating ako sa simbahan ng alas-siyete ng gabi, ang itinakdang oras kung kailan idaraos ang isang mahalagang araw para sa dalawang taong nagnanais makasama ang isa’t-isa habang buhay. Lumabas ako sa aking sasakyan, puting Rolls-Royce at nagsimulang maglakad gamit ang aking golden Jimmy Choo heels at may pulang Chanel lipstick sa aking mga labi. Dahil sa aking kaelegantehan, napako sa akin ang atensiyon ng lahat.
Lahat ng mga mata ay nakatutok sa akin habang ako'y papalapit sa altar suot ang aking fitted red dress na humuhulma sa aking perpektong kurba ng katawan na mas lalong nagpadagdag ng aking pagkaelegante na labis kong nagugustuhan.
At naroon siya, suot ang pinakamagara niyang damit, kasing guwapo at perpekto tulad ng pagkakaalala ko sa kanya. Ngunit agad siyang namulta nang lumingon at nakita ako sa unang pagkakataon matapos ang napakatagal na panahon.
Nginitian ko siya dahil sa pagkakita niya sa akin na parang ng isang multo.
"Sino siya?" tanong ng babae sa kanyang tabi na nakasuot ng damit pangkasal at handa nang magbigay ng pangako ng walang hanggang pagmamahal.
Halos walang humihinga sa amin. Ilang taon na ang lumipas mula nang huli ko siyang makita, mga taon na ako'y nababaliw pa sa pagmamahal sa kanya, bago niya ako iniwan, bago ang kanyang pagtataksil.
"Siya si Penelope, my wife," sabi niya, na halos hindi marinig ang boses.