Penelope
Buong akala ko, napangasawa ko ang pinaka-best na lalaki sa buong mundo pero hindi pala ganoon iyon. Mula sa pagiging mabait, attentive, mapagmahal at maalaga sa akin ay naging isang malupit at walang-pusong tao ito na aking nakilala sa buong buhay ko. Hulin a ‘ika nga, ang nakikita ng mga mata ay salungat sa nakikita ng puso.
Halos ginawa ko na ang lahat ng gusto niya para lamang makuha ang atensiyon niya ngunit lahat ng mga iyon ay balewala. Animo’y isa lamang akong bagay na dekorasyon sa kaniyang bahay. Isang taong may asawa ngunit laging nag-iisa. Sa katunayan, walang love at first sight.
Nagsimula iyon noong pumunta ako sa isang birthday party ng isa sa aking mga kaibigan. Sobrang saya ko dahil wala akong kasama at ipinapapasalamat ko iyon dahil kadalasan sa tuwing kasama ko ang aking kapatid o ibang kasama ay madalas nasisira ang aking araw dahil na rin sa kakapuna nila sa aking konserbatibong damit na madalas nilang ikinukompara sa damit ng mga lola.
Dumating ako sa party ng aking aking kaibigan at “Las Vegas Night”ang tema niyon. Nagtataka tuloy ako kung magkano ang nagastos nito para sa party na iyon.
Bitbit ang aking regalo ay hinanap ko siya upang batiin bago ko tinungo ang ilang slot machines na naroroon.
Puno ng ingay ang paligid mula na rin sa mga taong naroroon upang magsugal suot-suot ang mga eleganteng suits at dresses. Hawak ang mga kopita ng alak, naging mas maingay at masaya ang usapan habang papalalim pa ang gabi.
Batid kong wala akong kaarte-arte sa katawan. Madalas kong marinig ang mga sinasabi ng iba tungkol sa akong makapal na glasses na nagpapalaki sa aking normal na mga mata, ang pagsusuot ko ng make-up na palaging palpak at ang taste ko sa damit na madalas ay wala sa uso. Mula noon ay natuto akong laruin at pasayahin ang aking sarili dahil wala namang may gustong makipagkaibigan sa isang katulad ko na naiiba.
Matapos makakuha ng sapat na pera sa slot machines ay nagpasya akong maglaro ng bingo. Naupo ako sa bakanteng mesa at bumili ng ilang pirasong ticket upang maglaro. Gamay na gamay ko ang larong ito.
Halos magsisimula na ang laro nang may tumabing guwapong lalaki sa akin. Iyong tipo na magkakasala ang sinuman dahil sa angking kaguwapuhan at pagpapantasya ng halos lahat ng kababaihan tingin pa lamang nito.
“Can I sit here?” tanong nito at binigyan ako ng masuyong ngiti.
“Go ahead,” nahihiyang itinuro ko ang bakanteng upuan sa harapan ko--- “magsisimula na ang laro.”
“Good luck,” wika nito sa akin.
“Likewise,” sagot ko naman.
Nagsimula nang mag-announce ng numero ang announcer na naroroon at pilit kong itinutuon ang aking konsentrasyon sa laro kahit pa ramdam na ramdam ko ang mga titig ng estranghero sa akin na naghahatid ng kaba sa dibdib ko. Marami akong numerong hindi naintindihan dahil sa lalaking nasa harapan ko. Kung bakit ba naman sa harapan ko pa siya umupo gayong marami naman ang bakanteng lamesa na naroroon.
Nang matapos ang laro at mag-anunsiyo ng nanalo, na-realize kong panalo sana ako sa isang round kung hindi lamang ako na-distract. Nang umangat ang tingin ko ay napansin kong walang ni anumang numero ang namarkahan sa ticket ng lalaki.
“You haven’t played anything,” sopresang sabi ko.
“Mahirap makapag-concentrate kung may kasingganda mo sa nasa harapan ko.” Ngumiti ito. Bahagya akong kinilig sa naging pahayag nito sa akin. “Can I buy you a drink?”
Pag-iimbita nito sa akin. Kahit may kaunting kaba akong nararamdaman ay malugod kong pinaunlakan ang kaniyang imbitasyon. After all, mag-isa naman ako sa gabing iyon at wala naman sigurong masama kung pagbigyan ko siya sa imbitasyon niya. Isa pa ay wala rin naman sigurong mangyayari masama sa kaniya sa party na iyon. Iyon ang nararamdaman niya. Isang bagay rin ang kailangan niya ngayon at iyon ay ang may makasama sa kaniyang pag-iinom. Kinuha rin ni Ulises ang aking number at mula noon ay madalas na kaming magkita.
Pakiramdam ko, sa wakas ay siya na ang tamang lalaking dumating sa aking buhay. Sa kaniya ko lang naramdaman ang mainit na pagtanggap dahil halos walang may gustong makasama ako dahil na rin sa pang-manang kong postura.
Nag-umpisa kaming mag-date ng tatlong araw, at pagkatapos niyon ay naging kami na. Hanggang isang araw, pagpasok na pagpasok ko sa kaniyang sasakyan pagkatapos naming kumain sa isang restaurant ay may hinugot siya mula sa kaniyang bulsa.
“Ano ito?” tanong ko sa kaniya.
“We’re getting married,” wika niya na may malapad na ngiti sa mga labi sabay pakita sa diamond ring.
Bumilis ang t***k ng puso ko nang ilabas nito ang engagement ring sa harapan ko. Totoo bang pakakasalan ako ng lalaking ito? Lagi kong pinapangarap ang pagkakataong ito at ngayon ay nandito na mismo sa aking harapan.
“Really? Are you serious?” nahihiyang tanong ko sa kaniya.
“Yes, seryoso ako. Be my wife, Penelope,” wika nito at hinugot ang singsing mula sa box at hinawakan ang aking kaliwang kamay. “Seryosong-seryoso ako.”
Napuno ako ng excitement dahil magiging asawa ako ni Ulises.
“Yes, I do want to be your wife.” Tumingkayad ako at binigyan siya ng halik.
Isinuot nito ang singsing sa aking kaliwang ring finger at iyon na ang simula ng lahat sa aming dalawa.
“We’re getting married today,” excited na wika nito.
“Ano? Ngayong araw? Pero saan?” tanong ko sa kaniya.
“Sa Manila. Sumama ka sa akin, Penelope, at pumunta tayo sa Tagaytay ngayong gabi."
Ito na yata ang pinakamatamis at pinaka-wild na bagay na nangyari sa buhay ko. Paano ko siya tatanggihan kung handa niya akong dalhin sa Tagaytay sa gabing iyon para magpakasal? At tinanggap ko iyon. Isang kabaliwan dahil tatlong araw pa lang kami magkakilala at magiging asawa na ako niya.
Noong gabing iyon, pagkababa namin sa eroplano ay nagpakasal kami. Ngayon, ako na si Mrs. Asker. Inupahan ni Ulises ang pinakamalaki at pinakamagardong suite sa isa sa mga pinakamahal na hotel sa Tagaytay.
Nang gabi ding iyon, pinagsaluhan namin ang isa’t isa sa inihandang kama na pinalamutian ng rose petals kasama ang pinakamahal na champagne.
"Handa ka na bang maging akin ng buong-buo?" malumanay niyang tanong akin habang unti-unting binubuksan ang aking damit.
Naramdaman ko ang kaba, sobrang kaba sa kung ano ang mangyayari sa aming dalawa.
“Is this your first time?” banayad niyang tanong kasabay ng pagkahulog ng aking bra sa sahig.
“Yes,” kinakabahang sagot ko.
“Relax, you’re going to enjoy it,” wika nito bago hinuli ang aking mga labi at tuluyan nang ibinaba ang aking panty.
Hindi iyon masakit bagkus ay naging kaaya-aya iyon sa kaniyang piling. Sa paraan ng kaniyang paghagod sa aking katawan habang baliw na baliw ito sa pagbayo at paghagod sa aking dibdib, narating ko ang rurok ng kaluwalhatian ng ilang ulit hanggang sa maabot na rin nito iyon.
“You’re officially Mrs. Asker now.” Ngumiti ito at binigyan ako ng halik saka tumalikod at natulog. Napakahimbing ng tulog ko ng gabing iyon. Sobrang saya ko dahil sa nangyayari kahit na sa maikling panahon lamang. Sa unang pagkakataon, naging buo ako.
Iba-iba ang ginagawa namin araw-araw ngunit lahat ng iyon ay nauuwi lamang sa pag-celebrate sa aming honeymoon. Pagpasok pa lamang sa kwarto ay agad na nauuwi iyon sa pagtatanggal ng aming mga damit at pagniniig na parang wala ng bukas. Ni wala itong kapaguran. Hindi ito nagsasawa lalo na sa gabi.
“Hindi mo pa ako ipinapakilala sa mga magulang mo. Alam ba nilang kasal ka na?” tanong ko pagkagaling ko sa bingo. Nanggaling ako sa isang casino para magsugal at magsaya na rin.
“Hindi. I don’t get along with them very well. Huwag kang mag-alala dahil hindi naman sila kailangan para mahalin kita,” nakangiting wika nito sabay kuha sa aking kamay. At nauwi na naman kaming dalawa sa pagpapaligaya sa bawat isa bilang tanda ng aming pagmamahalan.
Ito na ang huling araw namin sa Tagaytay nang magdesisyon kaming magpahinga. Naiayos ko na ang lahat ng gamit naming at pumasok sa banyo para mag-relax saglit bago ko labasin at asikasuhin ang aking asawa nang marinig ko siyang nakikipag-usap sa telepono.
Binalot ko ang aking sarili sa bathrobe upang puntahan siya sa malaking balkonahe ng kwarto kung nasaan ito. Gabi na at nakatalikod siya sa akin habang nagsisigarilyo. Bahagya kong binuksan ang sliding door nang marinig ko ang boses niya.
Narinig ko ang pagrereklamo niya tungkol sa pagpapakasal sa isang pangit na babae at ang pangit na babaeng iyon ay walang iba kundi ako.
Nakaramdam ako ng matinding lungkot sa mga naririnig kong pagrereklamo niya dahil ang ginagawa ng iba na pagpupuna dahil sa pananamit ko, ngayon ay ginagawa na rin niya.
"Twenty times na naming ginawa iyon pero may kulang pa rin… Pakiramdam ko nakikipag-s*x ako sa isang matanda. Kahit ang underwear niya ay nakakawalang gana,” wika nito. Tinakpan ko ang aking bibig para itago ang luhang nagsisimula nang dumaloy. “Hindi ko akalain na ito ang nabenta at napunta sa akin. Pakiramdam niya ay para siyang nananaginip. Halos buong lingo ko siyang pinapaligaya at pinagsisilbihan pero hindi ko pa rin magustuhan.”
Nagsimulang manikip ang aking dibdib habang patuloy na dumadaloy ang aking mga luha. Mas masahol pa ang paraan ng pagtrato niya sa akin kaysa sa iba. Ang akala kong fairy tale, perfect honeymoon ay unti-unti nang nalulusaw sa aking mga mata.
Bigla akong natauhan sa kaniyang mga sinasabi, sa mga salitang ni walang bakas ng pagmamahal at puno ng pagkadismaya lamang. At anong "benta" ang tinutukoy niya? Ano’ng ibinenta? Wala akong maintindihan at bigla akong kinabahan doon.
Ang tanging pumapasok na lamang sa akin ng sandaling iyon ay binili niya lamang ako at ginamit. Hindi niya ako minahal sa kung ano ako. Itinakip ko sa aking bibig ang aking mga kamay upang huwag mapasigaw. Sino ang nagbenta sa akin sa kanya? At bakit pa niya ako pinagsamantalahan kung gayong hindi rin naman pala niya ako gusto dahil sa pananamit ko?
Binili lang pala ako. Isa lamang pala akong produkto.