Chapter 3 Married to Whom?

1040 Words
PENÉLOPE Nabenta. Iyon lang ang paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko. Ibinenta ako at wala akong ideya kung sino o bakit. Nilapitan niya ako na parang normal na tao na nakikipagkilala pero ang tingin pala niya sa akin ay produkto, isang bagay na pwedeng bilhin. Dumaloy ang mga luha mula sa aking mga mata, parang ulan, walang patid. Parang tinutusok ang aking dibdib nuot hanggang sa kaluluwa ko. "Maganda ang pwet niya hindi ko itatanggi iyon, pero gusto ko ng higit pa roon... iyon… yeah, yeah, kukunin ko siya, sa kasamaang palad... siguro kailangan ko siyang pagbigyan ulit ngayon para hindi ito magduda," patuloy niya sa kausap sa telepono. Niloko niya ako. Tumalikod ako at dahan-dahang isinara ang sliding door ng terasa upang hindi gumagawa ng ingay. Tinakpan ko ang aking bibig gamit ang mga kamay para pigilan ang mga hikbi ko habang muling inila-lock ang pinto ng banyo. Matagal akong umiyak at hindi ko nga napansin kong gaano iyon katagal kung hindi pa ito kumatok sa pinto ng banyo na siyang nagpabalik sa akin sa realidad. "Penelope! Ayos ka lang ba?" Narinig kong tawag ni Ulises mula sa kabilang pinto. Kinilabutan ako dahil hindi ko alam kung ano ba talaga ang totoong motibo niya sa akin. Paano kung isa itong masamang tao na balak ibenta ang mga lamang loob ko pagkatapos pagsawaan ang katawan ko? Kailangan kong makatakas. Ito lang ang naiisip ko sa mga oras na iyon. "Ang sarap maligo!" sigaw ko, upang ipaliwanag kung bakit ako matagal sa loob ng banyo. Kailangan kong makahanap ng paraan para makatakas agad. "Talaga!? Open the door! Marami tayong pwedeng gawin sa tub, darling!" Hayop! Paano pa niya ako tinatawag na 'darling' pagkatapos ng lahat ng mga pinagsasabi niya? "Malapit na akong lumabas, my king!" Bahala na. "You can wait! Come on, it's our honeymoon!" Sumilip ako sa bintana, at doon ko napagtanto ang disadvantage kapag nasa pinakamataas na kwarto. Ano ang gagawin ko para makaligtas? Mukhang kailangan ko siyang harapin pero ang ideyang mahahawakan niya ako, hindi ko kayang sikmurain iyon. "Penelope, buksan mo ang pinto!" Pumait na ang boses niya, halatang pinipilit lamang gawing sweet. Putang-ina, anong gagawin ko? Ang magpatalo sa kaniya pagkatapos ng aking mga nalaman ay hindi kabilang sa option ko. Nilaro ko ang aking mga daliri at mas hinigpitan pa ang tali ng roba na nasa aking beywang. Hindi rin kasama sa option ang pagtakas kung gustong malaman kung ano ba talaga ang nangyayari sa akin. Si Mata Hari nga ay nakisiping sa iba’t ibang lalaki noong siya ay isang secret agent. Ano ang kaibahan niyon sa isang gabi pa? Pinihit ko pabukas ang doorknob ng pinto at doon pumasok ang isang magandang ideya. "May dalaw ako," pagsisinungaling ko. Tinitigan niya ako at kinakabahang napangiti na lamang ako. "Bagong dating lang at hindi ako komportable." "Sayang," bulong niya, papalapit sa akin. "Uuwi na tayo bukas at gusto ko sanang gawing memorable ang gabing ito." "Oo, sayang nga," sagot ko na animo’y nanghihinayang. "Siguro, mas mabuti kung matulog na tayo." "Lalaki ako at gusto kong laging may kasama tuwing gabi, pero naiintindihan ko." Ang matulog kasama si Ulises nang gabing iyon ay ang pinakamasakit na naranasan ko sa mga sandaling iyon. Nasa kama ako, kasama ang isang sinungaling at niyayakap ako mula sa likuran, ramdam ang katigasan nito at hindi iyon kaaya-aya sa aking pakiramdam. Bumalik sa isipan ko ang sinabi nitong animo’y may kasama itong matanda sa tuwing kasama ako. Ipinikit ko ang aking mga mata at sinubukang matulog pero hindi ko magawa. Kaya naman, nagising akong may dark circles sa ilalim ng mga mata dahil sa hindi ako nakatulog. "Mukhang hindi maganda ang pakiramdam mo. Gusto mo bang tumawag ako ng room service para dalhan ka ng kung ano?" tanong ni Ulises habang hinahaplos ang mga pisngi ko. "I’m fine, siguro gusto ko lang talagang umuwi," sagot ko. "Are you sure?" "Yes." Tumayo ako mula sa kama at nagbihis. Isinuot ko ang isang brown na pantsuit, ang palda nito ay umabot sa ibaba ng tuhod. Nagsuot din ako ng stockings dahil ayokong masunog ng araw ang binti ko. Hinayaan kong nakalugay ang aking buhok at isinuot ang aking black plastic glasses para makakita nang maayos. "You look beautiful." Ngumiti si Ulises at hinalikan ang likod ng aking kamay at tiningnan ako sa aking mga mata. Siya pa rin ang sweet na lalaking pinakasalan ko at walang nagbago roon. Gabi na nang makarating kami sa siyudad. Sa buong durasyon ng biyahe ay naging mabait si Ulises sa akin. Lagi nitong hinahawakan ang aking kamay, iginiya sa aking upuan at sinasabihan ako ng mga magagandang salita. Pagdating namin sa airport at pagbaba mula sa kanyang pribadong jet ay agad kong kinuha ang maliit kong maleta bago pa man ito kunin ng staff niya. " It's been a very nice stay with you, but I think I should go back home." Kinakabahang ngumiti ako sa kaniya. Tumalikod na ako upang maglakad patungo sa terminal building para pumara ng taxi. Nakadalawang hakbang pa lamang ako nang hablutin ni Ulises ang kamay ko. Napatigil ako dahil sa higpit nang pagkakahawak nito. "Parang hindi mo yata naiintindihan, Penelope na bilang asawa mo ay kailangan mong makasama ako. Kaya mula ngayon, titira ka na sa akin." Ngumisi ito sa akin. "Pero..." "Pero sasama ka sa akin, Penelope." Hinila niya ako patungo sa kaniyang sasakyan at pinapasok ako roon. Pinaandar na ng driver ang sasakyan at dinala kami sa bahay niya na nasa gilid ng siyudad, sa isang marangyang lugar. Pagdating ko roon, napagtanto kong mas mayaman pa pala si Ulises kaysa sa inaakala ko dahil ang malaking bahay na napuntahan ko ay may butler at katulong. Ibig sabihin lamang nito ay may mga tauhan itong mag-aalaga sa kaniya. Milyonaryo ba ang napangasawa ko? Sino ba talaga si Ulises Asker? Lumabas ang driver sa sasakyan at mabilis niyang binuksan ang pinto para sa akin. Pagbukas ng pinto ay magalang akong binati ng mga staff. "Gusto mo pa rin bang umalis?" tanong niya nang makita ang naguguluhang reaksyon ko. Hindi maganda ang mag-asawa nang padalus-dalos at naiintindihan ko na iyon ngayon. "Welcome home." Ngumiti ito nang puno ng awtoridad. Kung hindi siya isang criminal na nagnanakaw ng organs, sino ba talaga si Ulises?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD