bc

I Heart You

book_age16+
54
FOLLOW
1K
READ
family
second chance
friends to lovers
space
cheating
first love
lies
rejected
secrets
shy
like
intro-logo
Blurb

I HEART YOU

BY:@c_sweetlady

Nagkakilala sila Daint at Chariee sa mga magulang nila pilit pinaglalapit. Hindi sang-ayon mga kapatid ni Chariee sa plano ng mga magulang nila, wala silang nagawa para kay Chariee. Sa unang pagkikita nila Chariee at Daint may mga masakit siyang narinig buhat kay Daint. Tiniis niya ang lahat panlalait sa kan'ya dahil sa kasunduan ng mga parents nila. Kinilala nila ang isa't isa. Naging mabuting kaibigan si Daint sa kan'ya hanggang sa nahulog loob ni Chariee kay Daint. Paano kung isang araw dumating 'yong taong naging mahalaga kay Daint? Matutuloy pa ba ang kasal o pipiliin ni Daint 'yong taong minsan na niyang minahal? Anong nararamdaman ni Charrie sa oras hindi siya piliin. Abangan ang kwento I HEART YOU Daint and Chariee.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Chapter 1 Chariee's Pov Tahimik lang ako nakikinig sa usapan ng family ko. Wala naman ako pakialam kung ano pinag-uusapan nila hanggang nakatingin sila sa akin. Naramdaman ko 'yong kaba at takot alam ko 'yong tingin nila kakaiba may kinalaman ito sa buhay ko. Andiyan na naman sila sa tuwing nag uusap panay tingin ng parent ko. Simula pagkabata sana'y naman ako na wala sila pakialam sa akin hindi naman ako nagseselos sa kakambal ko. Alam ko naman na may favorite nila bukod na sa maganda malambing kasi sa kanila. Hindi ko naman sila madalas na kinakausap feeling ko kasi ayaw nila sa akin tulad na lang ng mga tao sa paligid ko. Natatakot ako masaktan kaya umiiwas ako sa kanila. Ewan ko ba pagka-graduate ko ng highschool. Kahit sino-sino na lang nirereto ang parent ko. Hindi naman ako pumayag. Ang weird kasi ang parent ko. Bakit sa akin hindi naman ako maganda. Andiyan naman kakambal ko si Cheriee maganda sa akin maputi, matangkad, sexy pang beauty queen datingan. Ako, baduy manamit. Hindi naman kaputihan tulad ng kakambal ko. Bata pa lang kasi kami umiiwas na ako sa kakambal ko lahat mayroon sa akin kinuha niya gusto sa kan'ya lahat gamit. Kaya lagi kami nag-aaway. Siya lagi kinakampihan simula noon nanahimik na lang ako. Wala naman saysay para mag explain sa kanila ako lang lagi mali sa mga mata nila. Eh, gano'n pangit ka. Minsan nakakainggit kasi may mga kambal din ako nakikita alam mo 'yon super close nila sa isa't isa bakit sa amin hindi. Hindi dahil sa ayaw ko sila kasama gusto ko mabuhay ng sarili ko. 'Yong walang ibang kinukumpara sa iba. Alam ko naman na walang wala ako pagdating sa kagandahan tanggap ko naman lahat ng pang insulto nila. Ganito ako manamit ito na ako, baduy na kung baduy dito ako comfortable sa suot ko. Nagshoshort naman ako maikli sa bahay lang hindi tulad ng kakambal ko kaya niya mag short ng maikli sa harap ng ibang tao. "Daddy seryoso ka ba pinaplano mo?" Napatingin ako kay mommy. Nawala bigla iniisip ko. "Ngayon pa ba ako uurong Mommy. Nakausap ko na bestfriend ko pumayag na siya." "Anong plano Daddy?" Bigla nagsalita si Charlie. "Gusto nila ma meet kayo lalo't ka na Chariee." Napatingin ako bigla ako kay Daddy. Sinasabi ko na may kinalaman sa'kin. "Seryoso ka Daddy kasama natin si Chariee?" Hindi na lang ako nagsalita. Alam ko naman susunod niya sasabihin.. "Bakit naman hindi Cheriee?" "Kasi naman mommy nakakahiya kaya kasama si Chariee. So, baduy pangit pa." "Mas lalo na sa'yo nakakahiya kasama ka. Mas gugustuhin ko pa kasama si Ate Chariee kaysa sa'yo. Sama ng ugali mo pangit pa." Sabay tawa ni Charlie. Napatingin ako bigla kay Charlie. Andiyan naman siya asarin si Cheriee hindi magpapatalo . "As if naman guwapo niya. Pangit ka rin," sabi ni Cheriee kay Charlie. "Problema mo?" Sabay tawa ni Charlie. Ramdam ko asar na asar si Cheriee sa kan'ya. "Enough, Andiyan na naman kayo. Makipagkita tayo susunod na araw, ginagawa ko 'to para may makilala si Chariee ng iba. Mabait naman sila." "Hindi naman kailangan Daddy may mga kaibigan naman si Ate. Bakit pa kailangan pumunta doon?" Nakayuko lang ako habang nagsasalita si Charlie. May point naman kasi si Charlie. "Ok fine, basta ako nagsasabi na maaga. 'Wag kang iiyak ah! Tanggapin mo na pangit ka?" Sanay na ako sa panlalait ng kapatid ko. Hindi na lang ako nagsalita hinayaan ko na lang sila. Una umalis si Cheriee. Tahimik lang ako nang ako na lang natitira . "Anak!" Palingon ako kay Daddy. "Pasensya ka na, ayaw ko kasi mag-isa ka lang. Gusto ko 'yong lalaki makakasama mo kilala namin ng mommy mo at alam ko na hindi ka sasaktan. Ginagawa ko 'to para sa'yo." Nakakunot noo ako na pagharap kay Daddy. Ano ang pinagsasabi ni Daddy. "Pero Daddy hindi ko naman kailangan ng boyfriend." Natawa si Daddy sa sinabi ko. "Hindi boyfriend anak, asawa magiging asawa mo siya." Bigla ko nailuwa ang kinakain kong chocolate. Napatingin ako kay Daddy seryoso mukha niya. Hindi ko pa nga na meet yung tao asawa agad. Anong trip nila. "Pumayag ka na?" seryoso sabi ni Daddy sa akin. "Ayoko Daddy, bakit ako!" "Sige na anak please, ganito na lang subukan mo siya kilalanin tapos ikaw pipili saan gusto mo mag-aral ng college." Bigla nagliwanag mata ko. "Sige po Daddy," 'Yon lang nasabi ko. "Sure, kapag weekend sa bahay kayong magkakapatid. Payag ka na?" "Ok po try ko po Daddy." Bigla na lang ako niyakap ni Daddy. "Hmmnz ako, hindi na kasali!" Sabay yakap ni Mommy sa amin. "Dalaga na baby natin. Kailan lang ang liliit pa niya." Ito 'yong first time na niyakap nila ako. Hindi ko na mapigilan umiyak patalikod sa kanila. "Hindi na po ako makahinga," sabi ko sa kanila sabay tayo nila Mommy at Daddy. "Sige po paalam ko sa kanila." Pagpasok ko sa kwarto ko agad ako nag online buti na lang online dalawa ko kaibigan si Steph na palaban, si Raymond na super duper na maingay palibhasa bakla . Chariee_08: "Hoy," sabi ko sa kanila sa group chat naming tatlo. Raymond: typing "Ano balita bakla." Nakasimangot ako bigla sa chat ni Raymond. Chariee_08: "Eh kasi,kinakabahan ako," sabi ko sa kanila. Steph: typing "Ako kinakabahan sa'yo. Anong pinagsasabi mo." Raymond: "Nag-away naman kayo ng bruha mo kakambal." Chariee_08: "Hindi." Raymond: "Eh! Ano, hulaan lang bakla." Chariee_08: "Si Daddy kasi, may ipapakilala sa akin." Steph: "What seryoso ka sis." Raymond: "Guwapo ba?" Steph: "Bakla, Guwapo agad." Raymond: "Panira ka Steph, manahimik ka na lang." Steph:??? Raymond: "Gaga ka." Steph:??? Natatawa na lang ako sa asaran ng dalawa. "Sige na mag-log out na ako." Paalam ko sa kanila. Naglinis na ako at naligo pagkatapos ko agad ako kinuha gamit ko ipinagpatuloy ko ginawa ko. Mahilig kasi ako pagpinta mga flower ang ganda kasi, kapag nakikita mo namumulaklak feeling mo laging mabango sa paligid mo. Bata pa lang ginagawa ko na 'to sa tuwing mag-isa ako parang lagi ko siya kasama. Naipapakita ko yong imagination ko sa pagpipinta. Ang dami ko na ginawa lahat makukulay na bulaklak nakasabit sa kwarto ko. Hindi ko namalayan ang oras paghahating gabi na. Tinapos ko ginagawa ko nang bigla tumawag sa akin agad ko sinagot nang hindi ko tinitignan. "Hello," mahina ko sabi. "Gising ka pa?" Nawala antok ko nang marinig ko boses ni Jeffy. "Eh, ikaw bakit gising ka pa," sabi ko sa kan'ya. "Wag mo sabihin katatapos mo pa lang magml." Ang loko tinawanan lang ako. "Tawang-tawa ka pa. Anong oras na oh! 12am na kaya. Ikaw ah, isusumbong na talaga kita kayTita." "Relax lang, wala magawa eh." Sabay tawa niya ulit . "Teka nga, bakit ka napatawag?" "Ano 'yon nabasa ko sa grupo chat? anong ipakilala?" "Eh, kasi si Daddy," mahina ko sabi. "Magpakita ka naman, naku sinasabi ko sa'yo." "Oo eh," sabi ko sa kan'ya. "What seryoso ka?" nabibingi ako sa sigaw ni Jeffy. "Grabe siya, sigaw talaga. Wala naman ako magagawa, si Daddy may gusto." "Bakit hindi mo sabihin ayaw mo." "Ginawa ko na, wala na ako magagawa." Kung alam mo lang kasunduan sabi ko sa isip ko. "Sige na, antok na ako at ikaw matulog ka na puro ka ML." "Minsan lang, bakasyon na naman." "Hala siya, hindi talaga nawawalan ng reason. Sino naman kalaro mo si Charlie," sabi ko sa kan'ya. "Tangina si Charlie trashtalker, may pinaiyak loko 'yon." "Asa ka pa kay Charlie kaya nga ayaw ko siya kasama sa laro. Kahit sinong inaaway." "Laro tayo," sabi niya sa akin. "Ayaw ko gabi na. Matulog ka na nga." "Isa lang round." "Ayoko ko, matutulog na ako." "Sige na nga bye na." Sabay baba niya. Loko 'yon binabahan ako.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

His Obsession

read
104.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.3K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.3K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook