Chapter 2

1024 Words
Chapter 2 Charrie's Pov Namangha ako sa laki ng bahay nila. Kahit saan saan ako nakatingin. Hindi ko na nga naiintindihan sinasabi ng parent ko. Andito kami ngayon para makilala ko yong anak ng bestfriend ng Daddy ko. Sa sobra pagkamangha ko hindi ko namalayan mag isa na pala ako naglalakad. Bigla ako kinabahan sa laki ng bahay hindi ko alam na saan na ako. Napahinto ako bigla nang may narinig akong boses lalaki hindi ko naman sinasadya makinig . "Tangina kuya, kung alam ko lang pangit yong girl na ipinakilala ni Daddy hindi na sana ako nag-aksaya ng oras pumunta," nasa gilid lang ako marinig ko usapan nila. Alam ko naman ako tinutukoy nung lalaki. Nakita na pala niya ako. "Bakit nakita mo na ba?" "Tangina kuya Dannie ang baduy na nga, pangit pa." "Pangit ba, buti na lang pala may girlfriend na ako. Sorry ka na lang bro, wala ka kasi girlfriend ." "Tangina ang unfair, may nililigawan naman ako ha si Dave walang girlfriend sa atin," rinig ko bigla may tumawa. "Si Dave ang arte nun mas lalo na yon hindi papatulan. Ikaw nga nakita muna, si Dave pa kaya. Type niya pang beauty queen bro," sabay tayo na lang dalawa. Ramdam ko pinagtatawanan nila ako. "Sa atin tatlo ikaw dapat ikasal panganay ka. Ang unfair naman ni daddy. Bakit ako!" "Pumayag ka naman, pag-tiisin mo na bro," nagulat ako ng may tumapik sa likuran ko. Natulala ako na paharap sa kan'ya. Ang guwapo naman niya bigla akong napayuko. Walang sabing iniwan ko siya hindi ko alam paano ko siya haharapin. Bumalik na ako kung saan sila, agad agad ako lumapit sa kanila . "Saan ka nagpunta kanina ka pa namin hinahanap," tiningnan ko lang si Charlie. Hindi na lang ako nagsalita tumabi na lang ako sa ka'ya. Maya maya napalingon ako sa likuran yong nakabunggo ko may kasama siya. So ibig sabihin sila yung nakinig ko nag uusap kanina. Bigla akong napayuko nasa harapan ko na sila. Kumain na kami nang magsalita si daddy. "Siya na ba si Daint. Kaguwapo bata, tagal ko rin hindi nakikita mga anak mo." "Ikaw naman kasi Charles,lagi busy nagtatawanan pa sila," tahimik lang ako nakikinig. "Kailangan Darwien alam mo na tatlo anak ko." "Siya po ba si Daint,bigla singit ni Cheriee sa usapan," napatingin ako kay Cheriee bigla na lang tumawa. "Seryoso ka Daddy, papakasal mo si Chariee sa kanya sa guwapo niya. Nagpapatawa ka ba ang pangit pangit ni Chariee hindi bagay sa kan'ya," napayuko ako bigla. Totoo naman kasi sinabi ni Cheriee. Ramdam ko nakahawak sa kamay ko si Charlie. Si Charlie nag-iisa ko kapatid na lalaki na bunso. Siya yong lagi ko karamay sa lahat ng oras, tagapagtanggol feeling ko nga siya panganay sa akin sa edad niya 14 years old lagi niya ako pinoprotektahan sa mga nambubully sa akin. "Ano ba Cheriee. Manahimik ka nga," bigla sigaw ni Charlie sa kan'ya. Napatingin ako kay Charlie namumula sa galit. Napatingin tuloy sila sa amin. Sobra sobra na ako nahihiya, sa amin mga mata nila. "Bakit totoo naman sinasabi ko bro, ano mali do'n. Ang baduy niya pangit pa, mabuti na malaman niya harapan para hindi siya umasa. Tama naman ako, masyado mo kasi pinapaasa si chariee." "Kung pangit siya pangit ka rin, magkambal kayo baka nakakalimutan mo." "Yup, kambal kami. Pero wala akong kakambal na baduy," bigla tumaas kapatid ko na ikinabigla ko sabay hila sa akin. "Saan ka pupunta Charlie. Nahihiya ka malaman katotohanan hindi mo kasi tanggapin na pangit naman talaga si Chariee di ba. Bakit hindi mo tanungin si Daint. Ano Daint masasabi mo," bigla akong nakatingin kay Daint na kasalukuyang nakatingin sa akin ng seryoso. Bigla ko na lang naalala kanina ang panlalait nila. Hindi ko na pinatapos sasabihin niya. Sobra sobra na kahihiyan hinarap ko. Napatingin ako sa kanila. "Pasensya na po," sabay hila ko kay Charlie. Simula naman never naging magkakambal kami ni Cheriee sa simula na naman kasi si Chariee gusto nila bukod na sa maganda, lahat ng gusto niya nasusunod. Tanging si bunso ang kinakausap ko. Parent ko naman wala naman sila pakialam. Ewan ko ba bakit pumasok sa utak nila ipakilala ako sa anak ng bestfriend niya. Sa simula naman kasi alam ko naman mangyayari 'to. Bakit ba kasi ako pumayag. Hindi na ako nasanay. Na napakapit lang ako kay Charlie hanggang sa nakauwi na kami. "Ok ka lang Ate Chariee," nahaharap ako kay Charlie nag kunwari na lang hindi na sasaktan. "Ano ka ba bunso, ok lang ako," peke ko tawa sa kan'ya. "Sabi ko naman kasi sa'yo. 'Wag ka na pumayag," bigla na lang akong napayuko. "Sige na bunso,magpahinga ka na. Pasensya na lagi ka nadadamay sa akin," nakakunot noo si Charlie hinarap ako. "Wala ako ibig sabihin sa sinabi ko ate. Sa simula pa lang maganda ka na. 'Wag mo isipin na pangit ka. Kung hindi ka nila tanggap bilang ikaw, huwag mong baguhin sarili mo para sa kanila. Tanggapin ko kung ano ka. Tandaan mo yan Ate. Tanggap kita kung ano ka Ate dahil mahal kita. Ikaw ang pinakamabait na Ate nakilala ko at higit sa lahat lagi kong maaasahan sa project ko," sabay tawa niya. Nakasimangot akong nakaharap sa kan'ya. "Joke lang Ate, mahal kita kahit sino ka pa. Gano'n naman magkakapatid," niyakap ko na lang si bunso. Siya lang kasi nakausap ko. "Ang sweet naman magkapatid," sabay kami napalingon. "Anong balita sa dinner nyo," napayuko lang ako. "Ok naman po," sabi ko na lang kay Manang. Napatingin si bunso sa akin. "Mabuti naman," ramdam ko napakapit si Manang sa akin. Alam ko naman na hindi naniniwala si Manang sa sinabi ko. Bata pa lang si Manang na nagpalaki sa amin kaya kilala na niya ako." "Sige na po Manang magpahinga na po ako," iniwan ko na siya hindi ko na hinintay si bunso. Araw araw naman kasi ganito na nararamdaman ko na wala naman taong tatanggap sa akin. Kaya tinatak ko na sa sarili ko na mag-iisa lang ako. Nadapa ako sa kama ko. Tama naman kasi si Cheriee ako lang nag-iimagine na baka magustuhan ako kaya pumayag ako makipag meet hanggang sa nakatulog ako kaiisip
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD