Chapter 3

1586 Words
Chapter 3 Daint's Pov "Anong meron," sabay lapit ko kay Dave. "May bisita si Daddy nasa labas. Bakit hindi ka pa naka bihis," taka kong napatingin sa kan'ya. "Bakit naman ako nagbibihis," napatingin siya nang masama. Ang weird ng loko to, may topak ata . "May lakad ata kayo," nakakunot noo ko sa sinabi nang kapatid ko. Anong pinagsasabi nito? "Anong lakad sinasabi mo." "Bahala ka sa buhay mo," sabay talikod niya sa akin. Tangina ang loko tinalikuran ako. Lalabas na lang ako ng nakasalubong ko si Daddy mas lalo ako nakakunot noo ko nang mapansin ko sa likuran ni Daddy. Napatingin ako sa babae nakayuko siya. Bigla ko naalala siya yong babae na ipinakilala ni Daddy sa amin 3 months na nakaraan. Natawa pero hindi ko pinahalata. Nagkunwari ako nakasimangot nakatingin sa kan'ya. "Bakit hindi ka pa nagbihis," bigla ako nakatingin kay daddy. "Bakit saan tayo pupunta?" sabi ko kay Daddy nakakunot noo si Daddy tiningnan ako. "Anong tayo, kayo ni Chariee," sabay turo ni Daddy sa babae hindi man lang nakatingin sa akin. Nakakunot noo ako nakaharap kay Daddy. "Kami!" turo ko sa sarili ko. "Oo, kayong dalawa anak," sabay ngiti ni daddy sa akin. "Ako ang tawag sa kanila, birthday mo naman mag enjoy kayo." tangina hindi na lang ako nagsalita. Ano naman kalokohan ito ginawa ni Daddy akala ko ba nag usap na kami. Gumagawa na naman siya ng hindi ko alam. "Sweety, bigay muna gift sa kan'ya," napatingin bigla sa akin ang babae . "Daddy naiwan ko po," mahina niya sabi narinig ko naman. "Ah, gano'n ba." "Sige po, aalis na po kami," paalam ko sa kanila. Ewan ko ba bakit gusto ko makilala siya. Naguilty siguro ako last time na nagkita mag 3 month na rin nakalipas ngayon lang sila napunta dito. "Hindi ka na nagbibihis anak," nilingon ko lang si Daddy . "Hindi na po," sabay hila ko sa babae. Hindi ko pa nga nalaman pangalan niya. Pagpasok namin sa sasakyan ko. Napatingin ako sa kan'ya. "Saan tayo," sabi ko sa kan'ya. Nakatingin lang siya sa akin. "Hindi ko alam," mahina niyang sabi. "Ano ba pangalan mo miss?" hindi ko na napigilan itanong sa kan'ya. "Chariee." mahina niyang sabi. "Gutom ka na ba?" tanong ko ulit. "Ah," Natatawa ako sa itsura niya. Nagugulat na lang siya bigla. Natawa ako nang bigla siya nakaharap akin ng seryoso. "Hindi mo naman kailangan mag-kunwari malayo na tayo sa kanila. Happy birthday," sabi niya sa akin mahina lang. Naguluhan ako sa sinabi niya. "Salamat, ang gift ko." "Wala, hindi mo naman magugustuhan 'yon sa katulad ko magbibigay sa'yo," Napatingin ako sa kan'ya. Ramdam ko sa mga mata niya ang lungkot. Kung titingnan mo siya matagal hindi naman siya pangit. Baduy nga lang manamit parang hindi babae. "Paano mo naman," sabi ko. "Alam ko, huwag ka na nga magkunwari diyan," mataray niya sabi sa akin. "Bakit alam mo ba nararamdaman ko." "Oo," sabi niya. "Iisa lang naman sasabihin nyo pangit ako, hindi niyo naman kailangan ulit-ulitin sa akin," seryoso niyang sabi. Natatawa na lang ako. Bigla na lang siyang nakatingin sakin. "Manghuhula ka ba?" pabiro ko sabi. Bigla siya na tahimik napansin kong bigla siyang napayuko ulit. "Sorry I mean--------, Hindi ko na natuloy sasabihin ko nang bigla siya nagsalita. "Hindi muna kailangan mag-explain, matagal ko naman alam," habang hindi siya nakatingin sa akin. Gusto ko siya hawakan pero hindi ko magawa baka magalit siya hindi na lang ako nagsalita. "Saan tayo?" hindi ko mapigilang mag-tanong. "Gusto ko sa lugar na tahimik lang,pwedeng mo ba ako dahil do'n," napatingin ako sa kan'ya. "Sige may alam ako," bago kami pumunta dumaan muna kami sa mall pagbili ng makakain. Nauna pa siya bumaba sa akin. Walang sabi sabi iniwan ako. Nagmamadali ako nakasusunod sa kan'ya. Hindi man lang magawa lumingon. Ginawa ko kumuha na rin ako para sa akin. Natagalan ako sa pagbili paglingon ko nawala na siya. Hinanap ko siya,buti na lang nakita ko rin si Chariee. Nilapitan ko na siya nakapila sa counter lumapit ako sa tabi niya. May mga ilang lalaki nakatayo habang nakatingin sa kan'ya. Gusto ko sila sapakin ng maramdaman ko kamay niya nakahawak sa akin. Napatingin ako sa kan'ya habang siya nakangiti lang hinarap ako. "Akin na yang pinamili mo?" sabay kuha niya sa kamay. Ako naman parang natulala. Ang ganda kasi ngiti niya. "Hoy! " sabay hila niya sa akin. "Ang dami pang gusto pumila." sabay turo niya do'n sa nakapila. Bigla ako nakabalik sa isip ko, namalayan ko na lang napasunod ako sa kanya hanggang sa makarating kami sa sasakyan. Pasakay na kami ng may lumapit na bata sa amin. Napatingin ako sa bata nagulat ako nang bigla lumuhod si chariee sa batang lalaki sa tingin ko 7 years old . "Ano yan paninda mo?" sabi niya sa bata nakatingin lang ako. "Basahan po. Bili na po kayo,bagay po yan sa sasakyan nyo po," ngumiti si Chariee sa kan'ya. "Kaso ,wala ako sasakyan." "Gano'n po ba." bigla na lang lungkot ang bata. Nakikinig lang ako sa usapan nila. "Kumain ka na ba? " "Hindi pa nga po." Maya maya may kinuha si Chariee sa ipinamili niya. "Eto oh,kunin mo na mga chocolate ." "Sa akin lahat to," tumango lang si Chariee. "Wow, Sarap naman po nito." "Nagustuhan mo ba?" "Opo, ibibigay ko rin po to iba sa mga kapatid ko." "Talaga may kapatid ka, sa'yo na 'to pinamili ko. Teka hindi pala sa akin lahat." Sabay kuha niyang pinamili ko . "Sige na ibigay mo na sa kan'ya," sabi ko kay Chariee. Ibinalik niya sa bata ulit yung mga pagkain. "Eto 1000, bili ka pagkain sa mga kapatid mo ah." "Naku po, malaki na po ito hindi ko na po kailangan sobra sobra na po 'to," sabay balik ng bata. "Ganito na lang, kukunin ko basahan mo, bibilhin ko na ok na ba." "Pero sabi mo po wala kang sasakyan. Saan mo po iyan gagamitin." "Sa kan'ya," sabay turo ni Chariee sa akin. "Sa kan'ya ko ibibigay kasi wala akong gift sa kan'ya." "Bakit mo po binigyan siya gift." "Kasi birthday niya," Ang daldal naman batang to. "Bakit po basahan. Di ba po nabibili sa mall binibigay!" napakamot yong bata. "Oo nga naman pero kailangan niya iyan. Siya kasi may-ari nitong sasakyan ." "Ang yaman mo naman po," napatingin sa akin yong bata. Ngumiti ako sa kan'ya. "Ano name mo bata." "Ako po si Jho," sabi niya sa amin. "Kayo po name niyo." "Ako naman si kuya Daint at siya naman si ate Chariee." "Hi po mga Kuya, Ate," sabi niya sa amin. "Girlfriend mo po si Ate Chariee Kuya." Napalingon ako kay Chariee. Bigla na lang siya nakayuko, magsasalita na lang ako nang bigla hinawakan ni Chariee si Jho. "Jho tinatawag ka na kasama mo," sabay turo ni Chariee sa kasama ni Jho. Ngumiti si Jho sa amin. "Salamat po ate, kuya. Sasabihin ko po na galing sa inyo sa dalawang guwapo at maganda." Sabay takbo ni Jho. Ako naman palihim natawa. Walang sabi sabi iniwan ako ni Chariee. Sumakay na sasakyan ko. Sumakay na rin ako. "Hindi na ba tayo bibili ulit," sabi ko sa kanya. "Hindi naman siguro tayo magtatagal," napatingin ako sa kan'ya. Nagdrive na lang ako. Dinala ko nga siya sa lugar na madalas ako puntahan kapag gusto ko mag-isa. Nandito kami sa may puno. Ang sarap umupo kapag ganitong mahangin lalo na hapon na rin. Madalas nandito ako. Tahimik lang kaming dalawa nakaupo sa may malaking puno. Nakatingin sa kawalan . "Pangarap ko ganito lugar. Yong bang walang tao makakakita sa'yo," seryoso niya sabi sa akin. "Bakit naman," 'yon lang na sabi ko. "Kasi tahimik, walang tao huhusga sa' yo. Hindi tulad ng marami tao na nasa paligid mo ang gulo." "Tama ka mas naka-relax kapag mag-isa ka parang walang problema." Napatingin siya sa akin. "May problema," inulit niya sinabi ko. "May problema ka sa lagay mo yan for sure, ang daming nagkakandarapa sa'yo," Napakunot noo ako sa sinabi niya. "Anong ibig mo sabihin." "Ang daming nagkakagusto sa'yo, panigurado gustong gusto ka lapitan nila at least ikaw naranasan mo may mga taong nagmamahal sa'yo." "Hindi ko naman kailangan maraming taong para mahalin ako, hindi naman lahat totoo sayo. Eh ikaw," sabi ko sa kan'ya. "Ako Wala, sanay naman ako. Wala masyado kaibigan 3 lang kaibigan ko. Apat pala yong kapatid ko lalaki," nakatitig ako sa kan'ya. "Diba may kakambal ka." "Wag na nga natin pag-usapan iyan. Andito tayo para magpahinga," natatawa na lang ako bigla sa kan'ya. “Ilang taon ka na," sabi ko sa kan'ya. “Bakit ako tinatanong mo? hindi ko naman birthday." Porke't hindi birthday bawal ba, 17 taon na ako ngayon lang," sabi ko sa kan'ya. "Same pala tayo. Ka-edad ka lang namin ng mga kaibigan ko. Maliban kay steph 16 taon palang siya," sabi niya sa'kin.Nagkatinginan kaming dalawa. Seryoso niya ako tinitigan. "Bakit?" Sabi ko sa kanya. "Anong height mo?" Natawa ako na nakaharap sa kan'ya. Height ko talaga napansin niya. "5'7" sabi ko. Tumango lang siya sa'kin. "Gusto mo na ba umuwi," sabi ko sa kan'ya. "Sige medyo magdidilim na rin. Diyan mo na lang ako ihatid sa mall kaya ko naman umuwi." "Hatid na kita. Gabi na rin," Hindi na lang siya nagsalita, hinatid ko na nga siya. "Salamat sa time at saka pasensya na kung nasira ko birthday mo hindi kasi ako makatanggi sa Daddy ko," mahina niyang sabi Sabay talikod niya. Sinundan ko na lamang ito nang tingin papalabas at hanggang sa makapasok na ito sa bahay ay mabilis na rin akong umalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD