Chapter 4

1558 Words
Chapter 4 Chariee's Pov Nagising ako bigla ng maramdaman ko may tumatawag sa phone ko ng hindi ko tinitingnan, alam ko naman wala naman ibang tumatawag sa akin mga kaibigan ko lang. "Hello!" sabi ko. "Hello!" Inulit ko ulit, hindi naman sumasagot. Napatingin ako sa phone ko, nagtaka ako number lumabas, kanino number 'to. Nakasave lahat number ng kaibigan ko. "Hello." Inulit ko ulit. "Hindi ka po magsasalita, ibaba ko na po 'to." "'Wag!" Bigla ako natahimik kilala ko boses na 'to. Kahit na kahapon ko lang siya nakasama nakilala ko agad boses niya. "Andiyan ka pa ba?" sabi niya sa'kin. "Oo," sabi ko." Napatawag ka." "Wala, gusto ko lang kumustahin ka?" "Ok na-----man ako." Bigla ako nataranta hindi ko alam sasabihin ko. "Ok lang ba magkita ulit tayo?" Nanahimik ako bigla. "Ah!" 'Yon lang nasabi ko." Ano payag ka na? Puntahan kita sa inyo?" "Wag!" Napalakas boses ko. "I mean, may pupuntahan ako." "Ah gano'n ba!" mahina niya sabi. "Sige bababa ko na 'to. Ingat," sabi ko bago ko pinag-call ended. Napaisip ako bigla. Ang weird niya, noon nakita niya ako halos pagtawanan nila ako, ngayon napatawag pa siya. Paano niya nalaman number ko hindi ko naman binigay sa kan'ya kahapon. Napilitan lang ako sumama sa kan'ya ang kulit kasi ni Daddy. Bakit daw hindi ko bigyan ng chance na kilalanin, hindi ko daw nakilala nung nagpunta kami. Bakit ko naman kilalanin eh, alam ko naman pagkatao niya. Hindi na lang ako nagsalita hinayaan ko lang si Daddy kung anuman plano ni Daddy. Makakamit ko rin naman pangarap ko school na gustong gusto ko pasukan na hindi ko kasama kakambal ko. Napatingin ako sa relo ko 9am na pala. Bumangon na ako nawala na antok ko. Pagbaba ko nagulat ako nakita ko mga kaibigan ko nakikipagtawanan kay Charlie. Napatingin sila sa akin agad na nilapitan ko sila. "Aba! Anong oras na bakla," mataray na sabi ni Raymond hindi ko na lang siya pinansin tumabi ako kay Jeffy na tahimik lang nakatingin sa akin. Kumuha ako ng pagkain. "Hoy! Bakla saan kahapon? wala ka kaya rito pupuntahan ka namin." "Pumunta kayo rito?" sabi ko kay Steph. "Hay! Hindi bakla." Sabay agaw ni Raymond ng kinakain ko. "Ano saan ka kahapon, bakit hindi alam ng mokong na 'to?" Sabay turo ni Raymond kay Charlie. "Tangina maka mokong ka?" Tinawanan lang ni Raymond. "Umalis na nga kayo, istorbo bakla 'to?" Sabay ampas kay Raymond. "Hoy Bakla! Magbihis ka na nga?" Napakunot noo ako. "Saan na naman tayo pupunta?" sabi ko sa kanila. "Tanong mo riyan sa katabi mo?" Napatingin ako kay Jeffy ang tahimik niya. "Saan tayo pupunta?" sabi ko kay Jeffy. "Basta," sabi niya. "Sige na Ate Chariee magbihis ka na?" Tumayo na lang ako ng wala na ako ginagawa, hindi ko alam saan kami pupunta, na walang alinlangan na tinulak ako ni Raymond pagkalakas mabuti na lang napakapit ako kay Jeffy. Napatingin ako sa kan'ya masama. Tinawanan lang nila ako, iniwan ko na lang sila. Naligo na ako mabilisan lang baka magsisigaw si Raymond sa bahay namin. Wala pa naman perno bunganga bakla na 'to, agad ako bumaba. "Oh! Andyan na hinihintay natin." Sabay hila ni Raymond sa akin. "Napepeste ako kakambal mo pangit." Napatingin lang ako kay Raymond. Ano na naman pinag-awayan nila ng kakambal ko. "Alis na kami," sabi ko kay Charlie na busy na sa cp niya mukha ng UG na naman siya. Umalis na kami. Napasunod ako sa kanila. Nasa harap ako nakaupo habang si Jeffy busy sa pag-drive. Tahimik lang ako nakatingin sa kan'ya hanggang sa napansin ko nandito kami sa bahay nila, hindi na lang ako nagsalita, ang weird ni Jeffy kanina pa tahimik hindi man lang nagsasalita. Galit ba siya? Wala ako kahapon, hindi ko naman puwede sabihin sa kanila si Daint ang kasama ko panigurado magagalit sila sa akin. Bumaba na kami agad kami pumunta sa terrace nila. Nag-iisa lang si Jeffy nakatira dahil family niya nasa Paraiso na. Ang alam ko susunod si Jeffy pagkagraduate niya ng high school nagtaka nga ako bakit hindi siya sumama ulit sa parent niya pagkagraduate niya. Ang dami pagkain nakahanda bigla ako nagutom hindi pa nga ako kumakain pang-agahan. "Kain na muna tayo," sabi ko sa kanila. Sabay lapit ko sa pagkain. Hinayaan lang nila ako. Napatigil lang ako ng maramdaman ko lahat sila nakatingin sa'kin. Nakatingin tuloy ako sa kanila isa-isa hinarap. "Ang weird niyo, may gusto ba kayo sabihin sa akin?" sabi ko sa kanila. "Hmmms!" Ramdam ko napa-buntong hininga si Jeffy. "Seryoso ako." Napaupo habang tinitingin sila? "May problema ba?" "Wala! Kain muna tayo." Tumabi si Jeffy sa akin. Tahimik lang siya kumukuha ng pagkain. Ako naman kumuha ulit ng pagkain. Tahimik lang kami kumain hanggang sa natapos na rin. Panay kuwentuhan namin namalayan ang oras hapon pala. Napatingin si Jeffy sa akin. "Sumama ka na lang kaya sa akin?" Nagtaka ako paharap sa kan'ya. "Ah?" sabi ko na lang. "Hindi ko kaya, hindi kita nakikita." Lalo na-----pinutol ko sasabihin niya. "Hindi mo naman kailangan gawin 'yan, ano ka ba? Ok, lang ako." Sabay ngiti ko sa kan'ya. Napatitig siya sa akin. Tinitingnan kung nagsasabi ako totoo. "Alam ko naman na pangarap mo makapag-aral sa Paraiso at isa pa ando'n ang parent mo, hindi mo naman kailangan bantayan ako malaki na ako." "Pero -----." Pinutol ko ulit sasabihin niya. "Magagalit ako sa'yo pag hindi ka umalis, huwag mo sayangin pangarap mo ng dahil lang sa akin." "Hindi naman sa gano'n Chariee, nag-aalala lang kami sa'yo. Bakit kasi ayaw mo sa amin sumama." Napatingin ako kay Steph na seryoso rin siya nakatingin sa akin. Tumawa lang ako sa itsura nila. "Ano ba kayo para naman ako bata, kaya ko sarili ko. Promise ko lalaban na ako hindi na ako magpapaapi." "Sigurado 'yan bakla, puwede naman kasi magkasama naman tayo di ba Steph." "Eh! Malapit lang naman manila, magkikita naman tayo. Ano ba kayo huwag nga kayong OA diyan. Wala na 'tong atrasan nakapag-enrol na ako. Alam niyo naman na pangarap ko makapag-aral sa DJ University," sabi ko sa kanila. "Kailan alis mo," sabi ko kay Jeffy. Napatingin siya sa akin. "Saturday na. 1week na lang ako rito." Bigla ako natahimik parang ayaw ko umalis sila, ngayon pa lang namiss ko na siya. Parang nanghihina ako, parang hindi ko kaya hindi sila kasama ko. Pero kailangan ko gawin para sa mga pangarap nila at sa sarili ko. Kailangan ko lumaban kahit wala sila sa tabi ko. "Sabay kami aalis sa saturday," sabi ni Steph. "Start na kasi pasukan sa monday na." "Bakla!" Sabay yakap ni Raymond sa akin. Hindi ko mapigilan umiyak sa harap nila. Nagyakapan kami para kaming batang basang basa na damit namin sa kakaiyak. "Ingat kayo ah!" sabi ko sa kanila. "Ano ka ba! Pinapaalis mo naman kami." Nagtatampo sabi ni Steph. "Hindi ah! Bantayan mo 'yan si Raymond Steph naku baka mag-asik ng lagim 'yan sa manila." Nagtatawanan kami 'yong mukha ni bakla hindi mapinta ng may tumawag sa cp ko bigla sila nakatingin sa akin. Ako naman tinitignan ko sino tumatawag natulala ako sa cp ko para ako na estatwa. "Sino ba 'yan? Bakit hindi mo sagutin?" Napatingin ako kay Jeffy seryoso mukha nakatingin sa cp ko. Walang sabi pinatay ko na lang buti na lang hindi na tumawag ulit. "Sige alis na kami." Nagpaalam na ako sa kanila. "Hatid ko na kayo." Umalis na kami hindi na sila nagtanong sa akin. Una namin ihatid si Steph na malayo sa amin kami kasi ni bakla medyo malapit lang bahay namin. Ako nauuna sa kan'ya pero tuloy-tuloy Si Jeffy si bakla muna inatid huli na niya ako ihatid sa bahay. Pagkarating harap ng bahay namin hindi na bumaba si Jeffy. Seryoso lang siya nakatingin sa akin. "Alam ko, hindi wrong send tumawag sa'yo. Siya na ba 'yong lalaki nakilala mo?" Kinabahan ako napatingin kay Jeffy napahawak si Jeffy sa kamay ko. "Nanginginig ka, kamusta pagkikita nyo?" Akala ko nakalimutan na niya nangyari. Napayuko ako hindi makaharap sa kan'ya. "Ok! naman." Nagkunwari lang ako sabihin ok lang ako. "Gano'n ba!" Napabitaw na siya. "Kapag sinaktan ka niya sabihin mo sa akin, lilipad ako para lang mabugbog ko gago 'yan," seryoso niya sabi sa akin. "Ano ka ba? Paano ako masasaktan hindi naman nanliligaw sa akin 'yon, tsaka sino naman sa tingin mo magkakagusto sa akin, sa pangit ko 'to?" "Hindi ka pangit," sabi niya sa akin. "Maganda ka, huwag na wag mo sabihin yan ah." "Oo na maganda na ako sainyo kaya nga bestfriend ko kayo. Kasi sa paningin nyo sa akin maganda ako." "Maganda ka naman talaga." "Oo na,alis na ako," sabi ko sa kan'ya. "Ingat ka ah!" Bago ako bumaba niyakap ko muna siya mahigpit. Ito nahuli namin pagkikita. "Chariee." Napalingon ako bigla bumaba pa siya, naramdaman ko may humila sa akin niyakap niya ako, naramdaman ko may nilagay siya sa leeg ko. Ngumiti siya nakaharap sa akin. Napayuko ako nagulat ako sa binigay niya. Alam ko importante 'to sa kan'ya ito na lang kasi alala niya sa Kuya niya. "Di ba! Bigay 'yan sa'yo ng Kuya mo?" "Sa'yo na 'yan para lagi mo ako maalala ah! Palagi mo 'yan susuotin," sabi niya sa akin. "Tawagin mo lang pangalan ko mararamdaman ko kailangan mo ako." Ngumiti ako sa kan'ya. "Sige na, alis na ako. Baka magkaiyakan pa tayo." "Ingat," sabi ko sa kan'ya. Sabay kaway pag-alis niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD