Prologue
(Georgio POV)
"THIS ain't a song for the broken-hearted."
I banged my head like a crazy guitar man. Sinabayan ko ng malakas na pag-awit ang intro ng 'It's my life' ng Bon Jovi. Pumapailanlang ang paborito kong rock song sa loob ng aking Aston Martin DB11 V12.
Kasalukuyan akong nagmamaneho sa kawalan. Isang makipot na daan. Mapuno. No houses at all. Wala ding katao-tao sa paligid. Parang anytime ay lalabas si Three Finger Odet ng Wrong Turn. This place is somewhere in Camarines Sur.
"Pati ako nadamay sa kaboringan mo sa buhay," reklamo ni Andrei sa akin.
Inalis ko ang aking mata sa daan at ipinihit ko ang aking ulo upang silipin siya sa backseat.
"Siraulo! May sanga sa harapan!" Malakas na sigaw niya.
Mabilis na itinulak niya ang ulo ko paharap sa unahan ng kotse. Nakita ko naman agad ang tinutukoy niya kaya mabilis kong naapakan ang preno. At, boom! Isang pulgada nalang at sasalpok na ang bumper ng aking sasakyan sa malaking sanga ng mangga. Teka—bakit hindi ko 'to napansin kanina?
Ginulo ko ang aking buhok. Napahilamos ako sa aking mukha gamit ang aking dalawang palad at— akmang hahampasin ko sana ng malakas ang aking manibela ng mapatigil sa kalagitnaan ang dalawa kong mga kamay. s**t talaga! I can't hurt my baby.
"Napaka-oa!" Komento ni Andrei.
Dinungaw ko siya sa pagitan ng upuan. Masama ang tingin niya sa akin mula sa backseat. Namumula ang kaniyang noo dahil siguro sa napauntog siya sa likod ng shot-gun seat nang mag-preno ako ng malakas.
"Dapat pala hinayaan nalang kitang mag-stay doon sa guidance office. Saka ayusin mo nga yang mukha mo. Parang ginumos na papel sa pagkakagusot. Paano ka niyan makakakuha ng babae?" Rebat ko sa kaniya.
Pamangkin ko yan kay Adelina na siyang pinsang-buo ko. Limang taon pa lang itong si Andrei ng mamatay sa cancer ang kaniyang ina. Habang ang kaniyang ama ay hindi na niya nakilala dahil ipinagbubuntis pa lang siya ay tinakbuhan na silang mag-ina nito. Oo nga pala—nakakaligtaan kong hanapin ang gunggong na yun. Dapat sa kaniya ay hindi na sikatan ng araw.
Ibinilin ni Adelina sa nakababata kong kapatid na babae si Andrei. Walang pagdadalawang-isip na inampon ni Aleksandra ang kawawang Andrei, pati ako ay nadamay sa pagiging guardian sa kaniya. Inay!
Simula noon ay kami na ang kinagisnan niyang magulang. Pero simula't sapol ay si Aleksandra lang ang tinuturing niyang magulang. Habang ako ay isang hamak na kaaway at parang kaedad niya lang kung ituring.
"Bad influence ka talaga. Hindi ako gagaya sayo sa pagiging babaero mo," seryoso niyang saad sa akin.
Lumabas siya ng kotse. Sumunod ako. Naglakad ako patungo sa kaniyang harapan. Pumeywang ako.
"Anong masama sa pagiging babaero? Ang mahalaga ay wala akong pinapaiyak na babae at madami akong napapaligaya sa kanila," pangangatwiran ko.
Biglang sumagi sa isipan ko ang isang eksena. It was a scene kaninang madaling araw where I was f*****g a blonde petite slut behind a coconut tree on Boracay. I happen to find her there lying on the sand while flawlessly showing her skin. She was only wearing a two-piece bikini and I had this urge to tear it all away because it was f*****g hiding the great scenery from my eyes.
I ended up banging her real hard. Tumagal din kami ng mahigit isang oras. That was f*****g insane! And here my junior comes, tumatayo na naman at the thought of that scene. Parang gusto na naman nitong mamalagi sa loob ng masikip na kweba.
"Tsk. Malala ka na talaga! Manyakis ampota," nakasimangot na komento ni Andrei maya-maya.
Bigla akong napahagalpak ng tawa ng marinig ko ang sinabi niya. Itinutok ko sa mukha niya ang aking hintuturo.
"Yah!" iiling-iling ako.
Ano bang gagawin ko sa batang 'to para tularan niya ang maganda kong ehemplo. Talaga naman, oh!
Hindi na siya umimik pang muli. Nakisandal na din ako sa tabi niya sa gilid ng aking kotse ngunit kaagad din akong napatikal ng makita ko ang magandang kubo sa aming harapan. Nangunot ang aking noo. Ano, 'to? Kubo ng diwata ng kagubatan dito? Ang weird talaga ng mga happenings na nae-encounter namin sa paglalakbay na ito.
"Saan ka pupunta?"
Napatigil ako sa aking paglalakad patungo sa magandang kubo. Oo nga pala at may kasama akong anak na damulag at takot sa chiks. Bumalik ako sa pwesto niya at hinila ko siya patungo sa harap ng pintuan ng kubo. Walang salitang binuksan ko ang pintuan at well—bumukas siya. No lock at all. Parang kagaya ito sa mga fairy tales na binabasa ko dati kay Sandra para patulugin siya.
"Trespassing tayo. Makakasuhan tayo nito, kingina!"
Hindi ko pinansin ang sinabi ni Andrei. Dumiretso ako sa kusina para humanap ng pagkain. Pagbukas ko sa ref ay bumungad sa akin ang mga mamahaling pagkain. Wow! Ngayon na ako nakakasigurong bahay 'to ng totoong tao. Sa labas ay mukhang simpleng bahay kubo lang ito. Pero maayos pa din ang pagkakagawa. Pero kapag nakita mo na ang loob, everything was in order and expensive. Halatang mayaman ang may-ari.
"Pag tayo naabutan ng may-ari dito—
"Tigok siya sa'kin," pagpuputol ko sa sinasabi niya.
(Tigok-patay)
Nang tingnan ko ang kaniyang mukha ay nanlalaki at namimilog ang kaniyang mga mata habang nakatitig sa akin na parang hindi siya makapaniwala sa kaniyang narinig. Nag-peace sign ako sa kaniya para bawiin ang sinabi ko kahit totoo naman. Hindi niya pa alam kung ano ako at hindi niya pwedeng malaman o ng kahit sino sa pamilya ko. Baka mapatay pa ako ni Sandra pag nagkataon.
Inilabas ko ang isang chocolate round cake na wala pang bawas. I love chocolate cake! Inilapag ko iyon sa lamesa at saka kumuha ng matulis na kutsilyo para ipanghiwa dito. Naglagay ako ng tig isang malaking hiwa sa dalawang pinggan. Iniabot ko ang isa kay Andrei na prenteng nakaupo sa itim na sofa. Kunwari pa ang isang 'to, pero enjoy na enjoy naman sa pagkakaupo.
Tumabi ako sa kaniya. Akmang isusubo ko na ang cake na nasa tinidor ko ng may sumalpok na lumilipad sa aking mukha dahilan upang mabitiwan ko ang hawak kong cake pati na ang tinidor. And before that f*****g idiot bird escape from the window, kaagad kong naililis ang gayad ng pantalon ko sa aking kanang paa, kaagad kong hinugot ang kunai na nakakabit sa aking binti at ibinato ko iyon patungo sa ibon.
Umiigik na nahulog sa sahig ang ibon habang nakatusok sa kaniyang katawan ang kunai ko. May kaunting dugo na tumalsik sa sahig. Wala akong ginawa. Nanatili lamang ako sa dating pwesto at pinanuod ko itong naghihingalo hanggang sa mawalan na ng buhay.
Maya-maya ay hinawakan ako ni Andrei sa aking kwelyo upang itayo. Sinalubong niya ang aking mga mata. Puno ng disgusto ang kaniyang mga titig sa akin.
"I can't believe you, you bastard!" Sigaw niya sa akin bago niya ako bigyan ng isang malakas na suntok na nagpabalik sa akin ng upo sa sofa.
Pagkatapos ay mabilis niya akong iniwan dito sa loob. Napahawak ako sa gilid ng aking labi at nang tingnan ko ang aking hinlalaki ay may bahid ng dugo roon. He's just f*****g 21!