Chapter 1

2152 Words
(Dmitriy POV) I TAKE a glance on my wristwatch, again. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na itong ginawa ngayong hapon. Ibinalik ko ang aking mga mata sa pagbabasa ng dyaryo. Mariin akong napahilot sa aking sentido. I was hardly refraining myself from taking Zariya forcefully out of her bedroom. Kung ano pa kasi ang ginagawa niya gayong kaninang alas tres ko pa siya hinihintay na maggayak. It's been a couple of hours that had passed. Paniguradong nahalungkat na naman niya ang lahat ng kaniyang damitan sa paghahanap lang ng kaniyang isusuot para sa lakad namin ngayong gabi. Tsk. Ano bang pinakain dito ni Luigi sa kapatid ko. She looks like she was under a love spell. Zenovia was only 20 years old and she was obsessed with a man who was 8 years older than him since she was on her tenth grade. And that man is my best friend who is an underboss of our mafia organization 'Black Lotus'. Kulang nalang ay tapunan ko siya ng isang gallon ng suka upang makawala siya sa gayuma. Wala naman sanang kaso sa'kin kung magkagustuhan silang dalawa at ma-pursue ang 'love story' nila. Who wouldn't want if the two most closest and dearest persons in your life ended up together. But the situation tells me otherwise. Luigi only sees Via as his younger sister. And he was still stuck in the past with the woman he loved long ago. Amiera died 3 years ago in front of his very own eyes. While Via was still too young to know what truly love is. Sa nakikita ko ay infatuated lang siya kay Luigi. Masasaktan lang nila ang isa't-isa sa bandang huli. Maya-maya ay ibinaba ko ang newspaper na hawak ko nang maramdaman ko ang presensya ni Via sa aking harapan. Pinasadahan ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa. He was wearing a super pink tube dress, a pink high-heeled doll shoes and her hair was tied into a high ponytail fragmented by a large pink ribbon. Nakakasilaw. "We are going to a dinner. Not in a fashion show, Via," I told her with a bored look on my face. "Let's go!" Excited niyang saad sa akin. Parang hindi niya lang narinig ang sinabi ko. Nang hindi ako umimik ay nagpatiuna na siya sa paglabas sa malaking pintuan ng aming mansyon. Her heels was making an irritating sound in every step she takes. Tumayo na din ako upang sundan siya patungo sa naghihintay na Bugatti La Voiture Noire sa tapat ng b****a ng mansyon. Hinabol ko siya at bago niya pa mahawakan ang handle ng pintuan ng kotse ay nagawa ko na itong hilahin upang pagbuksan siya. Pagkapasok niya ay kaagad ko din itong isinara. Even though she was a pain in the ass and a terrible headache for me, I still love this brat sister of mine. As long as I could, I would give her all the princess treatments so she wouldn't be easily flustered if another man does it for her. Pumasok na ako sa driver's seat. Kami lang dalawa ang nasa loob ng sasakyan. I don't do bodyguards or drivers. Simple enough, I don't trust anyone, especially those low profiled and simple one. Pinaharurot ko na ang sasakyan patungo sa Casa Black Lotus. A normal ride would take an hour to get there from our mansion but for me it would only take 15 minutes— exact. I'm a man with a commitment. "Kuya, can you make bagal sa pagdra-drive mo? I'm gonna die here. Kawawa naman ang baby Luigi ko kung tatanda siyang binata. And ayaw kong ma-see from the heaven above na ikakasal siya sa other," saad sa akin ni Via sa kalagitnaan ng byahe namin. Sinulyapan ko siya sa rearview mirror ng sasakyan at kita ko na todo ang pagkakabusangot niya sa akin. Ibinalik ko ang tingin ko sa daan. Lumulubog na ang araw. The sky was already in a mix of orange and red color. Dahil nasa probinsiya kami ng Legazpi ay halos kakaunti lang ang sasakyan na nakakasabayan namin sa malawak na kalsada sa pagitan ng mga nagtataasang puno. "Stop calling Luigi your baby. It creeps me out. How many times do I have to tell you that he's already an old geezer. You should address him as Mister. Just stop with your fantasies about him!" Mahabang litanya ko sa kaniya. Tsk. Bakit pa ba ako nag-e-effort na ipaalala iyon sa kaniya. She already heard it from me countless times and she always has her ears closed from whatever I was saying. I was just wasting my energy reminding her. "Palibhasa kasi yung isa diyan walang girlfriend. Never nag-court ng girl. Never nag-girlfriend. Kaya pati bitterness mo ipinapasa mo sa akin. You're such a negative vibes. But... how was that possible for a man like you? Bakla ba you, kuya?" Pagpaparinig niya sa akin. Hindi ko siya pinansin. Kahit kailan isip-bata pa din. Mga ilang minuto pa ang lumipas at andito na kami sa harap ng isang malaking arko na may nakaukit na 'Casa Black Lotus'. Pinagpatuloy ko ang pagmamaneho papasok sa loob ng Casa. Everything in it was black, including the flat cemented road. There are also street lights across on side by side edge of the road and it was in lotus shape. Even the casa houses was designed in black lotus. Ihinimpil ko ang aking sasakyan sa tapat ng malaking hall na nasa pinakagitna ng casa. Napapalibutan ito ng malalim na river pool paikot sa kabuuan nito at may isang paarkong tulay sa harapan na siyang nagsisilbing daanan upang makatawid patungo sa hall. Lumabas mula sa sasakyan si Via at ng isara na niya ang pinto ng sasakyan ay saka pinaandar ko itong muli. Ipinarada ko ito sa parking lot na hindi naman kalayuan sa hall. I shut the engine and pull out my key. I opened the door beside me at ang malamig na simoy na hangin ng gabi ang sumalubong sa akin. Naipikit ko ang aking mga mata. As if the wind was embracing me and calming my entire body from my tired state. I breathed a sigh of relief before opening my eyes again and walking back to the hall. Naglakad ako sa gitna ng pa-arkong tulay habang nakapamulsa ang dalawa kong mga kamay sa suot kong brown na trouser. Tumingala ako saglit sa langit and I saw countless stars lighting above. Huminto ako sa kalagitnaan at humarap sa malawak na black pool na nagmistulng river under the bridge. There are numerous lotus floating in it. Sa di-kalayuan ay may mga bangka naman na maliliit na tama sa pang-dalawahang tao. The entire place is really huge and elegant. This was the ancestral casa of our family passed by every generation. Ang pinakapanganay na anak na siyang susunod ding mafia boss ng Filipino-Russian mafia organization ng pamilya ang magkakamit ng full ownership ng casa. But the other daughter and sons still have the full rights towards the casa. Bago mapunta kay Dad ang Casa na ito ay hindi pa ganito kagarbo ang hitsura nito. I saw from an old picture that it looks like the same as those of normal luxury resorts. Even the previous name of our family's mafia organization was only named after our family's surname, 'De Luca'. And Dad made a huge change since he met Mom. Well, they met at China. While Mom is wearing a hanfu dress while playing the lotus at the pond, my Dad caught sight of her while he was walking passed at her. It was love at first sight. My Mom was a Filipina with a slightest blood of Spanish, and my Dad was a pure Russian. Dad loves the color of black, while my Mom loves the lotus flower. That explains why the casa was fully renovated to a Black Lotus Paradise and our mafia organization was branded as 'Black Lotus'. I must say that Dad has a great taste in everything. Very dark and elegant. "Dati ka bang galunggong?" Sumandal sa bakod si Luigi paharap sa akin. Tiningnan ko siya. "Where is my sister?" I asked him without minding his joke. Himala yata at hindi nakabuntot sa kaniya si Via. Ano naman kaya ang drama ng dalawang ito ngayon. "Hayun, binigyan ko ng barbie doll para makuntento. Nakakapagselos nga kasi hindi na niya ako pinapansin at ang barbie doll nalang ang pinagtutuunan niya ng pansin," naka-pout na sagot sa akin ni Luigi. Nangunot ang aking noo. "Seriously? She was playing, what— a barbie doll?" Gulat kong tanong, although I was in a calm tone. That woman...argh! Correction. That brat girl. How can she play that thing at her age right now. Matatanggap ko pa yung pagiging isip bata niya at pagkahilig sa pink, pati na rin ang pag-aayos niya sa sarili like that of a barbie. But, playing a barbie doll? Paurong ba siya?! Maya-maya ay humahagalpak na ng tawa si Luigi habang itinuturo ang mukha ko. Ang isa niyang kamay ay nakahawak na sa kaniyang tiyan. Crap! I lost myself in his trap. Hindi na sana siya maulian ng kakatawa niya. "Sa wakas, nagkaroon na ng emosyon ang mukha mo. Hindi ka ba nagsasawa sa pagiging robot? Kasi ako, oo. Okay. Fine. Whatever you say. Sige. With your bored look and walang emosyon na mukha, featuring your dead eyes," mahabang saad ni Luigi matapos niyang makahuma mula sa pagtawa. He imitates me habang sinasabi niya ang mga 'yan. Hindi ko na napigilan ang matawa. But I still manage to suppress it instantly. Sumeryoso ang mukha ni Luigi habang titig na titig siya sa akin ng makita niya ang saglit kong pagtawa. "You! Tumawa ka. Nakita ko 'yun Dimit!" Halos hindi makapaniwalang saad niya habang tinuturo niya ang aking mukha. "Stop calling me that, Igi!" Balik ko sa kaniya. Hinila ko ang kanan niyang braso upang tigkalin siya mula sa pagkakasandal niya. Magkasabay kaming pumasok sa hall. It was an open hall. A garden of black rose. Dumiretso kami sa elevator na nasa pinaka-centro ng lugar. Pumasok kami roon at bumaba kami sa underground ng lugar. Pagkabukas ng elevator ay sumalubong sa aking pandinig ang mabagal na awiting jazz na sumasaliw sa piano na siyang tinutugtog ni Allan. He was one of my soldiers in our mafia organization. Lahat ay naririto. It was Saturday evening at nakagawian na naming lahat na magsama-sama sa dinner every Saturday. While on Sunday, it was the day where we are a normal human being spending time with our loved ones on the outside peaceful world. Hinanap kaagad ng mga mata ko si Via. I saw her on one of the chairs in the long table. Naglakad ako papalapit sa pwesto niya habang nararamdaman kong nakasunod lamang sa akin si Luigi sa likod. But I stop halfway ng makita ko kung ano ang pinagkakaabalahan ng kapatid ko. She was dressing a beautiful doll. What the f**k! Kaagad akong lumingon kay Luigi. Nagkibit-balikat siya sa akin. "What? Hindi ko naman sinabi na nagbibiro ako kanina, ah," depensa niya. He patted my shoulder before leaving me and going to the round table where my other soldiers is drinking liquor. Lumapit ako kay Via. Kaagad niyang naramdaman ang presensya ko at pinakita niya sa akin ang hawak niyang doll na katatapos niya lang bihisan. "This is how I would dress my future daughter with my baby Luigi," proud na saad niya sa akin. Napatanga na lang ako. Should I make her visit a psychiatrist or something? Because this is very alarming. At ako ang nahihiya sa pinaggagagawa niya sa kaniyang buhay. Or should I forbid her from coming here or should I kick Luigi out of our organization. Gusto kong sabunutan ang sarili ko. I know that none of the options would work. "Throw that thing away," I demanded her in a calm voice. Tiningnan niya ako sa aking mga mata. Parang anytime ay iiyak na siya. "What did I do wrong? You're always like that—" "Fine, do whatever you want. I'll leave you here," sumusukong saad ko bago pa mapunta sa kung saan ang usapan naming 'to. I know her well. Kabisado ko na siya. After she finished what she was about to say, paniguradong bubuhos na ang mga luha niya. Iisipin pa ng mga kasama namin dito na pinapaiyak ko lang siya. Even her words, alam ko na ang mga sasabihin niya. This didn't only happen once, but countless times. We're always like this in an argument. Nagsimula na akong maglakad palayo sa kaniya. Hindi pa man ako nakakalayo ng tuluyan ay nakarinig ako ng sarkastikong pang-aasar galing sa kaniya. "Feel at home, Kuya!" Malakas na sigaw niya kaya naagaw ko ang atensyon ng mangilan-ngilan sa mga tao na nandirito. Because I was wearing a brown slipper, white tshirt and a brown trouser. Perks of having a brat younger sister. Next time, I will bring a scratch tape with me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD