(Dmitriy POV)
IT'S time to corner and catch my prey. Kahapon pa nangangati ang kamay ko na kalabitin ang gatilyo ng aking baril at itama ang bala nito sa lalaking pumatay sa aking alagang ibon.
Hapon na ng mga oras ngayon. Maya-maya ay lulubog na din ang araw. I was driving my car as if Paul Walker has possess me along the wide highway going to the city of Manila. Sa likod ko ay may nakasunod na dalawang itim na kotse kung saan lulan ang isang dosena kong army.
I can do this alone, I usually do. Pero ipinilit ni Luigi at ng aking kapatid na magsama ako ng isang dosenang tauhan sa malalim na dahilan na hindi ko pinagtuunan ng pansin. Maybe I heard their factual reasons, yet my mind choose not to process it. And now, I don't know anything except for the fact that the name of my prey was Georgio Palermo, who was currently living at a grandeur mansion in the heart of Manila.
Habang papalapit ako sa aking destinasyon ay mas lalong humihigpit ang aking pagkakakapit sa manibela ng aking sasakyan. My chest was going up and down. I can't wait anymore to do to him what he did to my dead bird. Nag-forced entry na nga siya at nakialam sa fridge ko lahat-lahat. Why did he have to go far from that? Sisiguraduhin kong pagsisisihan niya ang kaniyang ginawa, and I would make him beg for his worthless life.
Ilang minuto pa ang nakalipas at tuluyan ko ng inihinto ang aking sasakyan sa harap ng higanteng two-closed gate na kulay silver. Muli sa aking driver's seat ay natatanaw ko na ang mataas at tila kastilyong mansyon. Teka lang! Am I in the right destination? Ganito ba kayaman ang gagong 'yon?!
Nagsibabaan na ang aking mga tauhan ngunit nanatili pa din ako dito sa loob ng aking sasakyan. Pinanuod ko silang akyatin ang gate at buksan iyon, hanggang sa makapasok na silang lahat sa loob at mawala sa aking paningin.
Pinalipas ko muna ang ilang sandali bago ako lumabas ng aking sasakyan. Walang hangin na sumalubong sa akin. Tanging alikabok lamang ng maduming semento at polusyon ng mga nagsisidaanang sasakyan. Mabagal akong naglakad papasok sa loob habang mataman kong pinapakiramdaman at pinagmamasdan ang aking paligid.
No signs of commotion. Smooth na nakapasok ang lahat ng aking tauhan. There are no security guards at the post near the gate. Wala din akong maaninag ni isang anino ng tao sa paligid. How can a palace-like place looks like a ghost town? Yet, everything I see doesn't seem that only a few persons was dwelling in this place.
Binagtas ko ang limang hakbang paakyat sa porch. Nakabukas na ang dalawang malaking pintuan ng mala-palasyong mansyon. Dumiretso ako papasok doon at nadatnan ko ang aking mga tauhan na matikas na nakatayo habang naka-pwesto sa bawat sulok ng living room. And in the middle, there was a tall man, a handsome one, standing with his hands on his pockets, and surprisingly he was very calm regarding this kind of situation he was in right now.
Who is this guy? Dapat yata ay nakinig talaga ako kay Luigi. Tuloy ngayon, para akong naliligaw na bata na hindi alam kung saan pupunta.
Naglakad ako palapit sa kaniya. At nang dalawang hakbang na lamang ang pagitan namin ay huminto ako. I was taller than him, maybe only 3 inches.
Pinipilit ko ang aking sarili na kumalma habang nakikipagtitigan ako sa kaniya. At mas lalong ikinakainit ng ulo ko ay ang kalmado niyang mukha at ang ngisi na namumuo sa kaniyang mga labi. His eyes was telling me that he was amused by this show.
"Now, tell me. Para saan ang lahat ng ito, Mr. Whoever you are? Kasi sa pagkakaalala ko, I don't know you and I don't have any business with you," kaswal niyang saad sa akin habang pinapasadahan niya ng tingin ang suot ko mula ulo hanggang paa.
Alam ko ang ibig sabihin ng tingin na ibinibigay niya sa akin. Na mas kaaya-aya pa ang hitsura ng mga sundalo ko kaysa sa akin na siyang pinuno nilang lahat. I was just only wearing a brown shirt, black ripped jeans and a pair of jogging shoes. Saka na ako magsusuot ng formal attire kapag a-attend na ako sa lamay niya.
"Hindi mo nga ako kilala. We're supposed to be nothing but only a stranger. Not until you barged your stupid ass inside my house and killed my innocent bird!" Madidiin ang mga salitang binitiwan ko sa kaniya. Nag-iigting ang aking mga panga.
Biglang nagbago ang timpla ng kaniyang mukha. Nawala ang nakakalokong ngisi sa kaniyang mga labi at napalitan ng pagka-seryoso.
Ngunit hindi din nagtagal ang kaniyang pagkabigla. Bumalik ulit ang nakakalokong ngiti sa kaniyang mga labi. Pagak siyang napatawa. Inihilamos niya sa kaniyang mukha ang kaniyang kanang kamay.
"So, you're the owner of that house, huh?" Nakakunot ang noong tanong niya sa akin.
Hindi ko siya sinagot. I gave him a blank look.
"It's amazing how on earth did you found me. You're no ordinary man, huh? And the way you are facing me right now, mukhang hindi ka natatakot sa akin. Or maybe, ang tanging alam mo lang na impormasyon sa akin ay isa akong Palermo. Let's settle this conflict like a man. Bibigyan kita ng compensation para sa pag-tresspassing ko sa property mo at para dun sa mga kinain ko na galing sa fridge mo. Also, papalitan ko ang ibon mo. If you want, identical to that one you lost," mahabang saad niya sa akin.
Fuck his s**t!
Nagtiim ang bagang ko. Mabilis pa sa kisap-mata na nahugot ko ang baril ko sa aking tagiliran at itinutok iyon sa kaniyang noo. Pigil-pigil ko ang sarili ko na kalabitin na ang gatilyo.
Hindi man lang natinag ang gago.
"What I want is to watch you beg for your life while experiencing pain from my hands, little bastard!" Saad ko sa kaniya at pagkatapos ay nginisian ko siya.
"Lagot ka sa bunso ko!" Parang batang saad niya sa'kin.
Gusto ko sanang matawa pero parang seryoso siya sa sinabi niya. Now, he looked like an innocent child while looking at me. And my face was holding a big question mark. Mukha ba talaga akong nakikipaglokohan sa kaniya?
Maya-maya ay nakarinig ako ng matinis na tunog ng mga yabag na nagmumula sa isang takong. Hanggang sa huminto ito. I can tell that the woman behind those heels, by the way she carries her heels, she must be a well-mannered elegant woman. Kabaligtaran ng asal-kalyeng lalaki na nasa harapan ko ngayon.
"What is this mess?" A woman's voice spoke. Kalmado ngunit may awtoridad sa paraan ng kaniyang pananalita.
Why I didn't dare to look at her way, 'yan ang hindi ko alam sa sarili ko ngayon.
Umayos ng tayo ang lalaking nasa harapan ko kaya napakunot ang noo ko sa kaniya. By the way he look at my eyes, parang may sinasabi siya sa akin. More like 'andiyan na yung monster'.
Wala ni isang nagsasalita sa amin. The next thing I heard was her heels making a loud noise while walking down the stairs. Papalapit ng papalapit sa kinatatayuan namin ang kaniyang mga yabag.
And then, a woman blocked my prey's view. The first thing I met was her hazel green eyes.