CHAPTER 3

362 Words
Chesca POV Pagka tapos ng karera ay sa hide out kami dumeretso. Malayo ito sa lugar kung saan marami ang mga tao, at tanging kami lang lima ang naka tira dito, ang iba pang myembro ay sa underground sila kung saan nasa gitna ng gubat "Oy Sahara gising!" sigaw ni Ashley sa tainga ni Sahara Malawak ang hide out naming ito, may limang kwarto, isang salas at laboratory ni Sahara. Sya kasi ang parang doctor samin, nag iimbento din sya ng iba't ibang klaseng lason at weapons Pumasok ako sa kwarto ko at binuksan ang cellphone ko. Nahiga ako sa kama at tinawagan si Lolo Simula noong umalis ako sa bahay ay di ko nakita si Lolo hanggang ngyon. Tanging sa tawag ko lamang sya nakaka usap, gusto nyang malaman kung nasan ako pero ayokong sabihin, ayokong malaman nya kung ano ang ginagawa ko ngyon. Kung sino ako ngyon. Ang alam lang nya ay sa restaurant ako nagta- trabaho, na isa akong working student (Apo, buti napa tawag ka) ramdam ko sa boses nya ang saya [Sorry Lo, naiinis na kasi ako sa palagi nyong---] (Apo, hanggang ngyon ba ay hindi ka pa din pumapayag) bakas sa boses nya ang lungkot, nawala na ang saya [Hindi talaga ako papayag dahil ayoko talaga, sana maintindihan nyo. Ayos naman ako] (Pero apo, kahit yon lang naman ay papayag ka. Gusto ko lang masiguro na makakapag tapos ka ng pag aaral) [Lo, kaya kong matapos ang pag aaral ko kahit working student lang ako] ayoko ko talagang mag aral at kaya ayokong magpa-kita sa kanya ay dahil ayokong malaman nya ang totoo (Kaya ko gustong gawin to Apo dahil pagka tapos mo ng pag aaral ay malaki ang responsibilidad mo. Ikaw lang ang gusto kong magma---) [Stop it, Lo. Hindi ko matatanggap yan] (I'll give you 1 day to think) [Lo, kahit bigyan nyo pa ako ng isang taon my answer would be NO] (Sana mag bago ang isip mo, apo. Ikaw lang talaga ang pag asa ko) pagka sabi nya non ay binaba na nya ang tawag. Napa tingin ako sa selpon ko Ramdam ko ang lungkot sa boses ni Lolo. I'm sorry Lo
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD