Chesca POV
(Kumusta ka na, Apo... hindi na ako magpaligoy- ligoy pa. I want to know your decision now, wether it's a no or a yes I will respect it) ilang minuto akong tahimik habang naka tanaw sa labas. Sobrang dilim ng paligid lalo na't walng buwan
[I've already decided Lo, and it's a yes]
(Talaga! Pumapayag ka na!) agad nyang sagot bago pa ako makapag salita. Ramdam ko ang saya sa boses ni lolo (Kung ganon pwede na kitang makita. Alam mo ba kung ilan taon akong nag tiis na boses mo lang ang naririnig ko at tanging sa letrato lang kita nakikita, siguro ang ganda mo sa personal) dagdag pa nya
[Mahal kita Lo, at gusto ko na din kitang makita] pagsasabi ko ng totoo
(You don't know how much I want to see you. At ngyong pumayag ka na sa alok I'll promise to you Ellisiana Chesca, I'll take care of you. Babawiin ko ang walong taong wala ako sa tabi mo, not just eight years but for my entire life) sinseridad nyang sabi
Parang may humaplos sa puso ko sa narinig ko. Sobrang sincere ng pagkaka sabi nya at ramdam na ramdam ko talaga
Napangiti ako ng mapait nang may naalala. Ikaw ang inaasahan kong mag sabi ng mga ito pero mukhang wala na nga talaga, siguro kinalimutan mo na talaga ako. Tss, bakit pa ako aasa?
Nang gabing iyon ay nakinig lang ako sa dada ni lolo hanggang sa sya na ang kusang binaba ang tawag
Sinabi ko na din kay lolo Kung saan ang hide out namin kaya hindi na ako magugulat kung bigla na lang syang lilitaw sa harap ko. Medyo liblib ang daan papunta sa hide out namin pero pagdating mo sa mismong lugar namin ay malinis ang lugar, may malaking gate. Malaki ang bahay, sakto lang saming lima, and yes it's more than a hide out.
"THE F! CHESCA WAKE UP!!! DALI!" nagising ako sa nakakarinding boses ni Ashley
"Bakit?" inaantok kong tanong. Tss, nakaka puyat din pala ang pakikipag usap kay Lolo
"Maniniwala ka ba kung sasabihin kong ang daming package sa labas!" nanlalaking matang sagot ni Ashley
"Huh?" kaagad akong nag hilamos sa banyo at basta ko na lang tinali ang buhok ko. Taka kong tinignan ang mga nagkalat na boxes sa salas. May malaki, may maliit. Abala sina Sahara at Syrah sa pagbukas ng iba, may nakita akong mga papel, notebook at---
"The he/ck! School supplies?!" bulalas ko
Hindi lang school supplies kundi lahat ng ginagamit sa school. May mga bagong shoes, damit, mga alahas at mga pagkain
"Sa tingin mo san galing to? Wala man lang naka sulat na pangalan mula sa nagbigay, tanging To: Ellisiana Chesca lang ang naka sulat. Mamaya bomba pala ang naka lagay isa sa mga box dyan" dahil sa sinabi ni Winter ay napa tigil sina Sahara at Syrah sa pagbukas
"Kung bomba e di kanina pa sana sumabog" Ashley