Hindi mapakali si Paprika habang papunta sa parking lot ng RD Pharma para hintayin doon si Jarvis. Sinabi nito sa kanyang doon na lang s’ya maghintay para masundo s’ya nito at sabay na silang pupunta sa kung saan s’ya nito dadalhin para mag-dinner. Iniisip n’ya kung paano kaya n’ya sasabihin dito na tumigil na ito sa panliligaw dahil wala naman na itong aasahan sa kanya. Napatingin ulit s’ya sa wristwatch para i-check sa pangatlong pagkakataon ang oras. It was already 6:00 PM and Jarvis wasn’t around yet. Mag-iisang oras na s’yang naghihintay doon. Isinunod n’yang tiningnan ay ang cellphone n’ya para tingnan kung may mensahe ito na male-late ng dating o di kaya naman ay kung hindi sila matutuloy sa lakad nila. Nang wala s’yang makitang mensahe galing sa binata ay s’ya na ang nagtipa ng men

