Paprika didn’t get to talk to Jarvis even on that day. Wala pa rin ito nang dumating s’ya sa opisina. She was late for almost an hour at hindi na naman mapigilan ng mga kaibigan n’ya ang magtanong. Daniella was smiling at her when she saw her almost running out of breath getting off to the elevator. Sina Monette at Jona naman ay nakataas pareho ang mga kilay nang dumaan s’ya sa harap ng mga ito. Mabuti na lang at busy ang mga ito nang araw na iyon dahil sa naka-schedule na another set of orientation para sa mga newly hired sales representative. “Good morning, Madam! May naghahanap sa’yo sa ibaba!” nag-angat s’ya ng tingin kay Monette na hindi tuluyang pumasok sa opisina n’ya at nanatili lang na nakasilip ang ulo sa hamba ng pinto. Nang titigan n’ya ito ay tsaka n’ya lang napansin ang naka

