Dahil Friday at maagang natapos ni Paprika ang mga dapat n’yang gawin para sa araw na iyon ay alas singko pa lang ay handa na s’yang umuwi. Paglabas n’ya ng opisina n’ya ay naghahanda na rin sa pag-uwi ang mga kasama n’ya at halos sabay sabay pa ang mga itong napalingon sa gawi n’ya na para bang hinihintay talaga s’ya ng mga itong lumabas sa opisina n’ya. “Tapos na rin kayo? Tara na! Sabay sabay na tayong bumaba,” nakangiti n’yang yaya sa mga ito kaya excited na nagtayuan ang tatlo para sumabay na sa kanya papunta sa gawi ng elevator. “Ano na, Madame? Nasabi mo na ba kay Llewyn ‘yung lakad natin sa linggo?” tanong agad ni Monette nang makasakay na sila sa elevator at ikinawit pa nito ang braso sa kanya. Nagsimula na naman tuloy ang tuksuhan kaya hiyang hiya na naman s’ya at wala s’yang

