Natapos ang isang linggo na sobrang hectic ng naging schedules ni Paprika. Sa buong linggo na iyon ay inaabot ng halos dalawang oras ang nagiging overtime n’ya sa araw-araw. Ang mga kasamahan n’yang sina Monette, Jona at Daniella ay gano’n din at minsan ay mas malala pa lalo na kung nasa ibang branch ang mga ito. The whole week was super hectic for them because they needed to train another sets of employees because they had to let go of those well-trained probationary employees na nakatakda na sanang maging regular employees kung hindi lamang nagdesisyon ang management na tapusin na ang serbisyo ng mga ito. Patapos na ang first set of training ng mga bagong sales representatives na pawang mga baguhan sa field na ‘yon. They were those newly hired employees na ibinigay sa kanya ni Mrs. Alej

