RELIEVE

2806 Words

Kinabukasan ay imbes na tanghaliin ng gising ay nagising si Paprika ng sobrang aga. Alas kwatro pa lang ng madaling araw base sa nakita n’yang oras sa analog clock sa bedside table n’ya. Agad na pinakiramdaman n’ya ang sarili kung may hangover ba s’ya para sa nagdaang gabi pero mukhang wala naman. Napakamot s’ya sa pisngi at pilit na inaalala ang mga nangyari sa nagdaang gabi habang tulalang nakatitig sa kisame. Ang alam n’ya ay nag-inuman silang apat kagabi matapos nilang maghapunan para sa simpleng selebrasyon ng birthday ni Pete. Napalingon s’ya kay Llewyn na nakadapa sa gilid n’ya habang nakayakap ang kanang braso sa gawing tiyan n’ya. Iniwasan n’yang gumalaw para hindi ito maabala sa pagtulog pero agad din s’yang napatutop sa bibig nang matapos matitigan ang tulog na tulog na mukha ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD