Ngiting-ngiti si Paprika nang pumasok sa opisina kinabukasan. Hindi n’ya maintindihan ang sobrang gaan na nararamdaman. Lumilipad din ang isip n’ya at napapadalas ang tingin sa orasan. Lunch nang magtanong sina Monette at Jona kung anong mayroon. “May lakad ka ba mamaya, Madam?” tanong ni Monette na mukhang kanina pa yata nakatitig sa kanya. Nang lingunin n’ya ang dalawa pang kasamang sina Jona at Daniella ay curious na nakatingin din ang mga ito sa kanya at mukhang hinihintay din ang isasagot n’ya. Agad na umiling s’ya at nakangiting itinuloy ang pagkain at nagpasyang wag ng sagutin ang mga ito. Naninibago talaga s’ya sa nararamdaman. Napapangiti s’ya ng kusa sa tuwing lilipad ang isip n’ya at hahantong iyon kay Llewyn at sa mga nangyari sa kanila kahapon. Hindi n’ya maintindihan ang

