Pagkahiga ni Paprika ay hindi rin naman s’ya makatulog dahil sa kakaisip sa mga narinig n’yang usapan nina Llewyn at ng mga kaibigan nito. Pabiling biling s’ya sa kama at kahit ipikit n’ya ng mariin ang kanyang mga mata ay hindi pa rin s’ya nakaramdam ng antok. Naiinis na bumangon s’ya at kumuha ng librong hindi n’ya pa nababasa at nang makapili ay agad s’yang naupo sa study table para simulan ang pagbabasa. Ngunit ilang minuto na ang lumipas ay hindi pa s’ya nakakaalis sa pinaka unang pahina ng librong binabasa. She couldn’t understand what she was reading kahit pa sabihing isa sa pinaka paborito n’ya ang author ng librong napili n’yang basahin. Pilit s’yang idinadala ng isip n’ya sa mga bagay na tungkol kay Llewyn at naiinis s’ya sa isiping alam naman na n’ya ang mga iyon noong una pa l