CHAPTER 51 ANDREA's POV: ANG GALING KO TALAGA. Sana pala ay noon ko pa ginamit si Tyron para lang mapakalma si Travis. Buti na lang ay isinama ko ang bata. Akala ko sa una ay magiging sagabal siya sa pagpunta ko rito sa Probinsya. But I was wrong, dahil naging tulay siya upang magawa ko ang unang hakbang. Kahit na minsan ay dinidemonyo ako ni Mrs. Arellano ay hindi maipagkakaila na merong positibong epekto ang ginawa niya. Dahil sa pagmamasid at pagsusunod niya sa bata ay napilitan akong isama si Tyron dito. And guess what? Magkausap na ngayon ang dalawang mag-ama. Sad to say, hindi nga lang alam ni Travis na tunay niyang anak ang siyang nakakausap at nakakasama niya. Pero okay na rin ito, ang mahalaga ay unti-unti ko nang nagagamit si Tyron. Unti-unti ko na siyang napapakinabangan.

