CHAPTER 50 TRAVIS POV: "Epal ang George na iyan! Masyadong maangas!" sambit ko habang naglalakad ako pauwi sa aking tinutuluyan. Kasama ko sa bahay na aking tinutulugan ay sila Dante at ang iba kong kasamahan. Hindi maipinta ang mukha ko ngayon dahil sa pagiging asungot at pabibo ni George. Pagkakataon ko na sana iyon para sulitin na kasama si Shiena pero talagang pumunta siya para sunduin ang babae. Kung makatingin siya sa akin ay akala niya yata ay pag-aari niya si Shiena. Hindi niya yata alam na naging akin ang babae at muntik ko na nga itong pakasalan kung hindi lang nangyari ang pagkamatay ng anak namin. Parang gusto kong manakit sa mga oras na ito. Kaya lang hindi ko pwedeng gawin dahil magmumukha lang ako na katawa-tawa. Pero sa totoo lang, nagseselos ako. Tinatablan ako ng s

