CHAPTER 45 ANDREA's POV: "Pag-aari pa pala ito ni Gerome na farm... Pero sino ba ang bagong may-ari ng farm? Nalaman mo na ba kung sino?" tanong ko sa lalaking katabi ko ngayon sa loob ng sasakyan. Marami siyang mga litratong pinakita na patunay na ginagawa niya nang tama ang kangang trabaho. Inutusan ko siyang alamin kung sinong babae ang may-ari ng farm, para sa gano'n ay hindi naman ako kabahan kung magiging hadlang ba siya sa amin ni Travis. "Hindi ko na naabutan Ma'am. Sa pag-alis ko ay hindi pa dumarating ang babae.... Pero kung gusto niyo ay babalik din ako kaagad bukas, magpapahinga lang muna ako ngayon," sambit nito dahilan para hindi ko na siya pinayagan pa. "Huwag na... Hindi na kailangan. Ako na lang ang pupunta sa farm... Mas gugustuhin kong personal na makilala ang babae

