CHAPTER 44 TRAVIS POV: KASAMA KO ngayon si Shiena. Hindi ako makapaniwala na magkakausap ulit kami. Sa limang taon na paghahanap at paghihintay ko sa kanya ay muli kaming pinagtagpo sa ganitong sitwasyon. Kung noon na langit ako at mahirap na abutin, ngayon naman ay siya na itong langit na hindi ko na makilala pa. Ibang-iba na ang Shiena na kasama ko ngayon. She can talk to me like nothing happened between us. Para sa kanya ay parang hindi niya na ako kilala. Tila nagsimula ulit ako sa umpisa. Sa umpisa na panliligaw at pagkikilala ko sa kanya. Ayos lang sana kung ligawan ko siya ulit, kaso alam ko na hindi na siya yung Shiena na may pagmamahal pang natitira. Ni hindi niya na nga ako magawang kausapin sa dati niyang boses at pananalita. Pero pinipilit ko. Pinipilit kong paamuhin siya

