CHAPTER 59 TRAVIS POV: GISING NA SI TYRON. Sabay silang lumabas ni Andrea sa bahay na may bitbit na gamit na kanilang dala kanina. Talagang ginising nga ni Andrea ang bata dahil halata sa mata niya ang pagka-antok. Kaya lang hindi ko maipinta ang hugis ng labi ng bata. Tila may halong lungkot at galit ito na hindi ko mabasa kung anong dahilan. Ang inaakala niya yata ay aalis na sila at babalik na ng Manila. I don't know what happening to myself. Kung tutuusin ay pwede ko silang ipagtabuyan at talikuran na lang, dahil hindi ko naman talaga kadugo ang batang ito at lalong hindi ko rin mahal si Andrea. Kaya lang sa tuwing nagtatama ang tingin namin ng bata ay napapabago niya ang isipan ko. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko pero pakiramdam ko ay merong kakaiba sa batang ito. "Ta

