CHAPTER 60 ANDREA'S POV: "ANG GALING-GALING MO TALAGA, TYRON... Kaya proud na proud sayo si Mommy dahil napaka-galing mo mangumbinsi," bigkas ko habang pinupupog ko nang halik ang bata. Natutuwa ako sa mga eksena niya kanina habang kinakausap niya si Travis. Tama nga ang hinala ko, magiging daan si Tyron para makuha ko ang loob ni Travis. Dahil sa pangungumbinsi niya na may kasamang pag-aarte ay napalambot niya ulit ang puso ng lalaki. May sariling desisyon na talaga itong bata. Kahit hindi mo pagsabihan ay siya na itong gumagawa ng paraan para lamang bigyan ako ng oras ni Travis. Alam ng bata kung gaano ko kamahal ang lalaki kaya nagagawa niyang isali lagi ako. And of course, he knows that I really love him. Minahal ko nang buong-buo si Tyron, tinanggap ko siya bilang anak. To the p

