CONTINUATION.... SHIENA's POV: "TAGA SAAN ANG NURSE NA TINUTUKOY MO? Saan ko siya matatagpuan? Anong pangalan niya?" sunod-sunod na tanong ko. After he confessed to me everything that happened five years ago ay hindi ko na sinayang pa ang pagkakataon na halukayin ang katotohanan. Hindi ko na palalagpasin pa ito. Nasabi niya na ang lahat sa akin... Tama nga si Gerome, may kinalaman si Mrs. Arellano rito dahil siya ang kauna-unahang nagbanta sa buhay ng anak ko, noong mga panahon na nagbubuntis pa ako. Nagagalit ako sa Doctor na ito. Pero kaakibat no'n ay natutuwa ako sa aking nalaman. My son is alive. At ayon ang dapat kong alamin. Kung nasaan ang anak ko at kung sino ang siyang nagpalaki sa anak ko. Gusto ko ring malaman kung nasa maayos ba siyang kalagayan. Kung alam niya lang, halo

