CHAPTER 67 SHIENA's POV: "KUMUSTA DOC? Na-miss niyo ba ako?" bigkas ko sa Doctor na siya mismong bumukas ng kanilang gate. Nasa Mandaluyong na ako. At nakarating ako rito nang madaling araw. Hindi nga ako nakatulog nang maayos dahil ginusto kong abangan ang Doctor. Alam ko kasi na hindi ko siya maaabutan ng hapon at gabi. Kaya pinili kong pumunta rito sa oras mismo ng alas ng umaga. Madilim pa dahil madalibg araw pa lamang. Ang mukha ko ay puno ng kapilyahan para sa gano'n ay makilala niya kung sino ako. Baka kasi nagkaroon siya ng amnesia dahil masyado siyang matagal na nawala. Pero sa nakikita ko sa kanyang ekpresyon, gulat na gulat siya nang masilayan niya ang itsura ko. Sa tingin ko ay isang bangungot para sa kanya na bumalik ako. Akala niya yata ay titigilan ko siya... The last

