CHAPTER 21 SHIENA's POV: NAMIMILI ako ngayon sa grocery store para magkaroon ulit ng stock ng pagkain ang ref namin ni Travis. Madalas na kasi siyang umuuwi sa bahay para doon na kumain. Talagang bumawi siya at tinupad niya ang kanyang pangako sa akin na magagawa niya akong bigyan ng oras na samahan. Pero sa pagkakataong ito ay mag-isa lang ako na pumunta ng store. Nasa Kompanya kasi si Travis kaya hindi ko na siya inistorbo pa sa trabaho. Halos ilang linggo na rin ang nakalipas. Kaya nasa stage na ako ng paglilihi. May mga pagkain ako na gustong kainin ngayon na sobrang hanapin sa palengke o kahit saan na bilihan. I want an strawberry, pero gusto ko sinasawsaw ito sa ketchup. Gusto ko rin kumain ng pechay tuwing gabi, pero yung pechay na may kalamansi. Sarap na sarap ako kapag ganyan

