CHAPTER 20 ANDREA's POV: AKALA ko magiging masaya na ako dahil kinasal na kami ngayon ni Travis. Kaso kahit anong gawin ko ay hindi pa rin talaga maalis sa isipan niya si Shiena... Nagawa niya akong iwan sa America para lang balikan ang babaeng 'yon... Halos ako na nga itong gumawa ng paraan para maikasal lang kami, pero tila hindi pa rin naging sapat ang mga planong ginawa ko. Napatawag naman ako kay Mrs. Arellano upang ibalita sa kanya ang pag-alis ni Travis. Gusto kong sabihin dito na bumalik si Travis ng Manila para lang puntahan si Shiena... Hindi pwedeng magsama sila ulit dahil lalo lang ako na mahihirapan na agawin siya sa babaeng 'yon. Ngayong kasal na kaming dalawa, dapat lang na maging mahigpit na ako. Isang taon lang naman ang kontrata ng aming kasal kaya habang nasa akin p

