CHAPTER 5
CHAPTER 5 (PAMAMAHIYA KAY SHIENA)
SHIENA's POV:
SA PAG-ALIS ni Travis ay inasikaso ko na rin ang sarili ko. Malapit na kasi ang oras ng paglilinis at hindi ako pwedeng ma-late...
Dahil janitress ang trabaho ko ay naka-uniform ako na pang-janitress. Hindi ko naman ikinahihiya ang aking trabaho, dahil alam kong pera rin naman ang magiging sukli nito. And I love my job, kahit na maraming feeling boss sa Kompanya.
Kasi ang totoo, yung ibang nagtatrabaho roon ay akala mo sila ang may-ari ng Company. Hindi nila alam na boyfriend ako ng CEO pero kung umasta sila, ay parang gusto nilang tapak-tapakan ang aking pagkatao.
Nang makapag-apply na ako ng konting powder sa mukha at liptint ay lumabas na ako sa bahay para tumungo na sa paradahan ng jeep. Buti na lang at isang tao na lang ang hinihintay ni driver at aandar na 'yong sasakyan. Kaya saktong pagsakay ko ay umandar na nga ang jeep. Medyo siksikan talaga rito, na hahantong na sa punto na isang pisngi mo na lang ang makakaupo. Para akong naging palaman sa lagay kong ito dahil napapagitnaan ako ng dalawang matabang tao. Pero keri lang, ang mahalaga ay nakakahinga pa. Kasalanan din naman ng driver minsan dahil ang akala niya ay pare-pareho lang ang size ng mga tao.
Almost 15 minutes din ang siyang tinagal ko sa biyahe bago ako nakarating sa Kompanya.
Kaya lang nasa hallway pa lang ako ay muntik na akong sagasaan ng magandang kotse na pagmamay-ari mismo ni Mrs. Arellano.
Nandito pala siya... Akala ko pa naman ay hindi na siya aaligid-aligid dito dahil si Travis na ang siyang nagpapatakbo ng Kompanya. Pero tila malakas ang pang-amoy niya, na ako ang babaeng kinahuhumalingan ng anak niya. Ramdam ko kaagad ito dahil halata namang pinag-iinitan niya ako.
Bumaba naman siya sa sasakyan at ako pa itong pinagsalitaan ng masama.
"Ang janitress ay hindi dapat pumapasok ng ganitong oras... Dinaig mo pa ang tagapagmana ng Kompanya sa inaasta mo... Ano nga ba ulit ang pangalan mo?" tanong nito nang lapitan ako.
"Sorry ho Ma'am... Hindi pa naman po ako late. Kung tutuusin ay meron pa po akong five minutes na natitira, kaya hindi ho masasabing late ang pagdating ko," magalang na turan ko sa Ginang.
Gusto ko lang na klaruhin at linawin sa kanya na may oras ang paglilinis ko. Kaya hindi niya pwedeng pagsalitaan ako ng ganyan.
Tinaasan naman niya ako ng kilay na tila hindi niya nagustuhan ang inasal ko. Masyado nga yata ako naging palaban.
"Tinatanong ko ang pangalan mo kung sino ka. Huwag mo akong sagutin ng ganyan dahil isang hamak na janitress ka lamang dito. Siniswelduhan kita at nang dahil sa akin ay meron ka pang nakakain," wika niya hudyat para magsintinginan sa amin ang mga tao.
Wala naman akong ginagawang masama, sadyang mainit lang talaga ang ulo nito pagdating sa akin.
"Shiena ho Ma'am. Shiena po ang pangalan ko... At tama ho kayo, malaki ang naitulong niyo sa akin dahil yung pagiging janitress ko po rito ay ang dahilan kung bakit nabubuhay pa ako... Hindi ko rin naman ho ikakahiya na isang hamak na janitress lang ako rito sa Kompanya niyo, marangal naman pong trabaho 'yon diba? Kung hindi dahil sa aming mga janitress, ay sigurado ako na magiging mabaho at marumi ang Kompanya niyo Ma'am," pahayag ko sa Ginang at wala na akong pakialam kung alisin niya ako rito sa trabaho.
Kuhang-kuha niya rin lang naman ang atensyon ng mga tao kaya para saan pa? Hiyang-hiya na ako sa pinagsasabi niya.
"Ang kapal naman ng mukha mo na sumagot sa akin ng ganyan... Ano bang ipinaglalaban mo sa buhay? Hindi ko alam kung saan ka humuhugot ng tapang para pagsalitaan ang isang tulad ko na nagpapasweldo sa dukhang kagaya mo... Ngayon pa lamang ay sinasabi ko na ayoko nang makita pa ang pagmumukha mo. Hindi mo na kailangan pang tumapak dyan sa loob ng Kompanya, dahil kapag ginawa mo iyan, kakasuhan kita," madiin na turan niya na talagang tinakot pa ako.
Ngumiti naman ako at pinakita ko sa kanya na hindi ako apekto kung alisin niya ako sa trabaho. Kung tutuusin, siya itong may kasalanan. Halata namang gumagawa siya ng dahilan para magalit siya sa akin.
"Huwag ho kayong mag-alala Ma'am... Kahit na janitress ako at ganitong tao sa paningin niyo ay marunong naman po akong umintindi... Kaya hindi niyo na ako kailangan pa na ulitin iyang sinabi mo dahil talaga namang aalis na ako sa Kompanya niyo. Hindi ko rin naman kayang manatili dito, kung ugaling hayop ang may-ari nitong Kompanya," huling litanya ko.
Sa halip na papasok ay paatras akong naglakad upang makalayo lamang sa Kompanya.
Pero bago ako tuluyang makaalis ay pinahabol siyang salita sa akin.
"Alam kong malapit ang loob niyo sa isat-isa ng anak kong si Travis. Pero huwag kang magkakamali na magsumbong sa kanya sa pagsisante ko sa'yo dahil mahirap akong magalit Shiena... Pinapaalalahanan lang kita dahil baka pagsisihan mo ang lahat kapag ako binangga mo ako," saad nito.
Hindi na lamang ako nagsalita dahil mas pinili kong huwag nang patulan ang matanda. Ayoko rin namang aksayahin ang aking oras sa kanya. Dahil wala naman akong panalo kapag mayaman ang naging kalaban mo. Kayang-kaya niyang bayaran ng pera ang mga taong nakasaksi na siya yung nanguna, para baliktarin lang ako.
Pero sa totoo lang, hindi ko alam kung saan ako ngayon maghahanap ng trabaho. Wala pa akong sapat na kaalaman sa ibang bagay. Tanging paglilinis lang ang alam ko. Hindi naman ako nakapagtapos ng pag-aaral kaya mahihirapan akong makapasok sa trabaho.
Gustuhin ko mang lapitan si Travis ay naunahan na ako ng hiya. Hindi ako pwedeng umasa na lang sa kanya. Dahil baka lalo lang ako pag-initan ni Mrs. Arellano at iisipin niya ngang piniperahan ko ang anak niya. Kaya kailangan na magpursige ako at magpatuloy na walang inaasahan. Papatunayan ko kay Mrs. Arellano na kaya kong buhayin ang sarili ko na hindi umaasa sa pera ng iba.
Napadpad muli ako sa Mall. Sa Mall kung saan, pinili kong umupo para magpahinga. Masyadong malayo ang nilakad ko. Hindi ako pwedeng mag-aksaya ngayon ng pera dahil wala pa akong nahahanap na trabahong pagkakakitaan ko.
Sa Mall ako dumiretso dahil may aircon dito at masasabi kong nakakarelax din na pumasok sa ganitong building.
Kaso sa pagkakataong ito ay nakita ko na naman ang babaeng nagbigay sa akin ng regalo. Ang babaeng nakilala ko lang din sa Mall at ang may-ari mismo nito.
"Hi, it nice to see you again... Ikaw yung babae kahapon diba?" tanong niya upang masiguro kung ako nga iyon.
Sa sobrang intriga niya sa akin ay nagawa niya akong lapitan.
"Oo, ako nga... Nice to see you too," nakangiting tugon ko.
Nakakahiya. Sa ganitong postura niya pa ako nakita. Hindi man lang ako nagpalit ng damit at nakapag-janitress pa talaga.
"Nakakatuwa naman at nagkita ulit tayo... Kaso mukhang hindi maganda ang awra ng mukha mo ngayon. I mean, you look so sad, do you have a problem ba? Pwede mo namang sabihin sa akin, if you have a problem... Malay mo matulungan kita," wika niya kasabay nang pagtabi nito sa akin.
Hindi man lang siya nandiri na tabihan ako. Wala siyang kaarte-arte sa katawan. Halatang may mabuti nga siyang kalooban na lalong nagpapaganda sa kanya.
"Ako? Wala... Maliit na problema lang naman kaya hindi mo na kailangan na alamin. Makakaya ko naman na solusyunan ito. Saka, nakakahiya naman sa'yo kung sasabihin ko ang problema ko... Hindi naman tayo magkaano-ano at hindi mo pa ako kilala," turan ko sa dalaga.
Muli siyang napangiti kasabay nang paglahad niya ng kamay upang magpakilala siya sa akin.
"Wala namang kaso sa akin kung hindi kita kilala. Kagaya nang sinabi ko sa'yo kahapon, I see myself to you... Anyway, I am Andrea. Ayan ang pangalan ko... Ikaw? Your name is?" tanong niya habang hinihintay ang sagot ko.
"Shiena..." nahihiyang pakilala ko.
"Ang ganda ng name mo. Kasing ganda mo... You know what, I can be your friend. Mapili kasi ako sa kaibigan. I always make sure na magiging good influence ang kakaibiganin ko. At nakikita ko 'yon sa'yo, ang bait mong tao. Napakasimple mo pa," pahayag nito sa akin.
Buong buhay ko ay ngayon ko lang naranasan ang makatanggap ng ganitong komplimento galing sa isang tao na mayaman. Hindi siya katulad ni Mrs. Arellano na masyadong mapagmaliit sa mga katulad kong mahirap.
"Nakakataba naman ng puso ang sinasabi mo Ms. Andrea... Pero nahihiya ho talaga ako na maging kaibigan niyo, hindi ho kasi ako katulad niyo na ma-pera at hindi rin ako sosyal," pagiging tapat ko sa babae.
"Oh come on Shiena, alisin mo nga sa mindset mo ang ganyan... Hindi naman porket ganyan ang estado mo sa buhay ay hindi ka na pwedeng magkaroon ng kaibigan na kagaya ko... Hindi naman sukatan iyang pagdating sa friendship diba? Unless, ayaw mo ako maging kaibigan," wika nito kung kaya't mabilis akong napasalita.
"Hindi naman sa gano'n, gusto kong maging kaibigan ka. Sadyang naninibago lang siguro ako sa ngayon," pagdedesisyon ko.
"Kung gano'n, starting today, you are now my friend. Ayos ba?" hirit nito na ikinangiti at tango ko naman.
Yung kabadtripan ko kay Mrs. Arellano ay siya namang ikinatuwa ko sa new friend ko na si Ms. Andrea. She has a pure and soft heart na alam ko na magiging maganda ang samahan namin.
"So do you mind if you share your problem? Magkaibigan na tayo Shiena kaya huwag ka na sanang mahiya pa sa akin," sambit niya kung kaya't napakamot na lamang ako sa aking batok.
Ilang segundo ay bigla na lamang ako napaamin.
"Natanggal kasi ako sa trabaho... Actually, sa araw mismo na ito ay tinanggal ako... Isa akong janitress sa isang Kompanya. At ayoko nang banggitin pa kung anong kompanya 'yon dahil kahit papaano ay malaki rin naman ang utang na loob ko sa kanila. Kaya heto, malungkot ako pero kakayanin naman... Hindi pa naman huli ang lahat para maghanap ng work," saad ko sa dalagang katabi ko.
"Napakaliit nga talaga ng problema mo Shiena. Trabaho lang pala ang kailangan mo para sumaya ka... Gusto mo ba na mag-apply dito sa Mall? I will hire you agad.. Pwede ka maging sales lady dito, kung gugustuhin mo," she said again.
"Naku Ms. Andrea, kahit taga-linis ako ng Mall ay tatanggapin ko ang trabahong iyan dahil d'yan naman ako sanay," tugon ko sa babae.
"Then it's your choice. Kung saan ka komportable na magtrabaho ay ikaw ang bahala. Bibigyan kita ng slot para sa gano'n hindi ka na malungkot... The important is, paghihirapan mo naman ang lahat at alam kong mapagkakatiwalaan ka... So cheer up, my friend... Nandito lang ako for you," malambing na saad nito upang hindi ako panghinaan ng loob.
Ang swerte ko naman at nagkaroon ako ng kaibigan na katulad ni Ms. Andrea. Nasisiyahan tuloy ang aking puso.