CHAPTER 6 SHIENA's POV: "I'm glad to be your friend Ms. Andrea... Salamat ulit sa tulong mo. Pag-iigihan ko talaga ang trabaho ko rito... Pakiramdam ko tuloy ay isa kang anghel na pinababa dito sa langit para sa aming mahihirap," saad ko sa dalaga na ngayon ay ganap ko ng kaibigan. Sino bang mag-aakala na ang isang tulad ko ay makakakilala ng mabait na tao... Noon, ang tingin ko sa mayayaman ay matapobre. Yung tipong ayaw nila dumampi ang kamay nila sa mga mahihirap na kagaya ko. But because of Andrea, she proves me na hindi lahat nang mayaman ay masama ang ugali. There's a lot of people pa rin pala na may mabubuting puso. "Ako rin Shiena... Kinagagalak kong makilala ka at gusto kong makilala ka pa nang lubusan... Anytime, nandito lang ako para sa'yo. At sana, bumisita ka rin minsan

