CHAPTER 28

1552 Words

HINDI NA MATANDAAN NI Cadence kung ilang oras sila nagkwentuhan ng mga pinsan. Parang mas masaya pa ang mga ito kaysa sa kanya. Si Azariah nga ay napunta na sa kung saan ang imahinasyon. "Basta sa kasal ninyo, ako ang maid of honor!" anito. "Azariah!" "Hoy!" Magkasabay nilang sabi ni Aliona. Tiningnan naman sila nito na may pagtataka. "Bakit?" "Anong kasal sinasabi mo riyan!?" tanong niya. Hindi talaga makapaniwala. "Anong ikaw ang maid of honor? Ako kaya!" Humarap sa kaniya si Aliona. "Di ba? Mas maganda ako sa kaniya kaya dapat ako iyon!" Mas lalong kumunot ang noo ni Cadence. Hindi niya alam kung bakit napunta na roon ang iniisip ng dalawa. Parang masyado pang maaga para doon. Marami pa siyang gustong gawin sa buhay at bata pa sila ni Aga. "Anong ikaw!? Mas maganda ako sa iyo.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD