bc

One Heart Away

book_age16+
860
FOLLOW
3.1K
READ
sweet
bxg
female lead
friendship
secrets
self discover
teacher
like
intro-logo
Blurb

Nagbago ang buhay ni Purissa nang tulungan ang isang guwapong estranghero na nakahandusay sa kalsada. Dahil kabutihang-loob, kinupkop niya ito ng kanilang pamilya at pinangalanang Kiko. Pati puso niya ay napalapit dito at komportable na siyang maging parte ito ng buhay niya.

But he was no simple stranger. He was Juan Miguel Baltazar Gutierrez and he has a mission to get close to her.

Ano ang magagawa ng nararamdaman niya rito kung sa simula pa lang ay hindi na dapat siya nahulog?

How can you fight for your love if the one you love is one heart away?

"Take a step closer, and you're mine."

Is she going to step back?

chap-preview
Free preview
Chapter 1: The Waves of a Good Heart
"Uuwi ka palang?" Tumaas ang tingin ni Purissa kay Luca. Sa pag-angat ng ulo niya ay nakasalubong niya ang mga mata nitong nag-aalala. Hindi niya mapigilan na may maliit na ngiti ang sumilay sa kanyang labi lalo na nang hindi inaalis ang tingin sa kanya na sumubo ito ng kanin sa bibig. "Ikaw nga, kumakain palang ng lunch," komento niya habang may ngiti sa labi pero ilang sandali lang ay naglaho ito. Since they were young, they already took care, and looked up to each other. Once one of them gets sick, the other one will do its best to make the sick one feel good. "Matigas din ang ulo mo, Luca-Luca. Hindi ba ay sinabihan na kita na huwag kang magpapalipas ng gutom? Ikaw lang yata ang Chief, at isang may-ari ng isang restaurant na ganyan," pagpapatuloy niya sa pagsasalita, sa pagkakataon na 'to nakakatakot na ang tono niya. Napalunok si Luca ng kinakain nang wala sa oras, hindi dahil sa pagka-tense kundi dahil sa gusto niyang tumawa. "Huwag ako, Purissa. Ikaw 'tong uuwi ng gabi nang gutom. Ala-una palang sa hapon dito sa Italy habang d'yan alas siyete na ng gabi." They were each other's bully but it only took one rainy afternoon to make them tied and unbreakable. "Sabi ko nga, hindi ako kailanman mananalo sa 'yo pagdating sa mga argumento, Mr. Luca Palermo Parisi. " She unconsciously pouted her lips. With a sight of her, Luca flutters his eyelashes. He could not contain his emotions. If only he's not screen away from her, he will pinch her nose. "Pero kahit saang anggulo panalo ka sa puso niya, Bestie," pagsingit ng isang boses. Nakataas ang kanan na kilay na nilingon nii Purissa ang katabi niyang teacher table. Naroon ang kanyang nag-iisang babaeng kaibigan na nakaupo mismo sa lamesa nito habang yakap ang nakatiklop na laptop. The way Aimee sways her legs, Purissa knows her girl best friend is starting to think of playful things. "Nagiging hangin talaga ako kapag nag-uusap kayo ni Loka," mapang-asar nitong saad, nilabas pa ang dila para mas asarin sila. "It's not Loka, it's Luca, Aimee," naiiling na pagtatama ni Luca sa babae. Imbes na makinig kay Luca ay tumawa lang nang sobrang lakas si Aimee. Narinig na naman kasi niya ang Italian accent ng lalaki. Idadaan na lang niya sa pagtawa ang pagkakilig. Kung hindi lang talaga sobrang malapit si Luca sa best friend niyang si Purissa ay hindi niya pipigilan ang pagka-crush niya rito. Kumbaga, Aimee hobbies are to appreciates God's gift. Hanggang lihim na kilig at tanaw lang siya sa mga mukhang tila ay obra na perpektong inukit. Nagkibit-balikat na lang si Purissa sa asaran at kulitan ng dalawang tao na mahalaga sa kanya. Muling niyang tinuon ang pansin sa kanyang laptop. "Hey, I'll call you later. Uuwi na muna kami." Tumango si Luca sa kanya, at binigyan siya ng isang matamis na ngiti. "Ingat kayo." Matapos makapagpaalam ay sinara na ni Purissa ang kanyang laptop at ito ay pinasok niya sa kanyang bag. Nang humarap siya sa pintuan ng opisina ay naghihintay na si Aimee sa kanya sa labas. "Let's go, Bestie?" Inabot nito ang kamay sa kanya na hinawakan naman niya. Magkahawak kamay ang dalawa na tinahak ang palabas sa La Purisima National High School kung saan pareho silang dalawa na nagtuturo ng asignaturang Filipino sa mga Junior High Student. May kalayuan palang sila ay tanaw na tanaw na nila ang Security Guard. Labas na ang mga ngipin na inaabangan sila nito "Mga Ma'am, nagabihan na naman po kayo. Ang sisipag niyo talaga. Sana all ay katulad niyo," bibong pagbati nito sa kanila. Sa narinig ay mahinang hinampas ni Aimee ang braso ng Security Guard. "Ikaw po talaga, Manong Gacilio." Nawala ang ngiti ni Aimee nang marinig ang pagkulo ng tyan ng kausap. "Hindi na naman ho ba kayo kumain?" may pag-aalala niyang tanong sa matanda. Napukaw ang atensyon ni Purissa sa kanyang narinig. Natunaw ang kanyang puso nang umiwas ng tingin sa kanila ang matandang lalaki, at pumeke ito ng tawa upang itago ang totoong nararamdaman. "Kinakailangan kasi ni Bunso ng pambili ng project niya kaya yung allowance ko sana para sa pagkain ay pinadala ko na sa kanila." Napakagat ng pang-ibaibang labi si Purissa, at si Aimee naman ay napayuko ang ulo. Alam nila ang kwento ng buhay ng masayahing security guard na nasa harapan nila. Malaki man ang pangangatawan nito ay lingid sa kaalaman ng iba na may sakit itong iniinda. May sakit ito ngunit hindi ito nagpapatinag, ayon dito ay mas mahalaga na kumayod sa buhay para may ipakain at ipaaral sa limang anak nito. "M–May extra money po ako rito." Ang mabigat na atmospera ay naputol nang sa kauna-unahang pagkakataon simula kanina ay nagsalita na si Purissa. She often finds it hard to express herself properly. That's why she prefers to be silent most of the time, not until it's needed for her to talk. Inabot niya ang isang nakatuping papel na pera kay Manong Gacilio. Sa ginawa niya ay saglit na napatulala ang matanda. "Maliit na halaga lang po 'yan pero sana po ay makatulong," she said gently, analyzing if she's in the right tone and it didn't sound insensitive. Manong Gacilio's eyes flicker in hesitance. "Ma'am, huwag na po," pagtanggi ni Manong Gacilio. Nahihiyang umiling pa ito upang suportahan ang sinabi. "Pinaghirapan niyo po 'yan, eh." For Manong Gacilio, the kindness they are showing is enough. He knows that the two are doing their best to sustain their family needs, and for him it's not okay to use someone's fruit of hard work. As long as he is alive, there's always a chance for him to work without taking someone's kindness. "Manong, kunin niyo na po," pangkukumbinsi ni Aimee. "Minsan lang naman po maging mabait si Purissa," mapagbirong dugtong pa nito. Kung malakas ang paninindigan ni Manong Gacilio ay mas malakas ang kay Purissa. Nang hindi pa gumalaw ang matandang lalaki ay kumalas si Purissa sa pagkakahawak sa kanya ni Aimee. Si Purissa mismo ang naglagay ng pera sa bulsa ng matanda. "Mahirap po tanggihan ang blessing." She tilted her head as she suppressed her mouth to curve upward yet she couldn't hide the twinkle of her eyes when Mang Gacilio scratched his neck. "Maraming salamat, Ma'am," maluha-luhang anito. Pinatong ni Purissa ang kanyang kamay sa braso ng matanda, at tinapik ito. "Kumain kayo nang tama sa oras para maging mas malakas po kayo." "Tama po ang kaibigan ko, Manong. Bukas po ng umaga, pagdadalhan kita ng agahan na gawa ni Nanay," segunda ni Aimee. Ang kamay ni Aimee ay muling pumulupot sa braso ng matalik na kaibigan. Marami pang naging bilin ang dalawang dalaga bago ang mga ito nagpatuloy sa paglalakad. Iniwan ng magkaibigan na nakangiti nang mag-isa si Manong Gacilio na tinatatak sa isipan ang kabutihan ng dalawa. Hindi niya rin nilubayan ng tingin ang dalawa hanggang sa mawala na ang mga ito. Nawa'y makahanap kayo ng mga taong makakapagpasaya sa inyo. "Paano ba 'yan, Bestie. Ito na ang bahay ko." Malungkot na napabuntonghininga si Aimee. Alam niyang magkikita pa naman sila ng kaibigan niya bukas pero hindi niya lang talaga mapigilan na makaramdam ng puwang sa kanyang puso. Masaya kasi siya kapag kasama niya ang kaibigan, tila ba may mahika kay Purissa na awtomatikong nagpapaliwanag sa buhay niya. First year high school palang silang dalawa ay magkasangga na sila. Magmula noon ay hindi na silang dalawa mapaghiwalay, turingan na kasi nila ay parang magkapatid. Ginulo ni Purissa ang buhok ni Aimee na nagpawala sa simangot ng huli. "Magpapadala ako ng mensahe kapag nakauwi na ako. Huwag kang magpupuyat." Purissa's voice was gentle as breeze, it's comfortable enough to make Aimee feel that she's in the right friendship. Lumalapat pa lang ang kamay ni Aimee sa gate nilang gawa sa kawayan ay may tao nang bumukas nito mula sa loob. "Narito ka na naman?" hindi makapaniwalang bulalas ni Aimee nang ang mukha ng pinsan ni Purissa ang tumambad sa kanila. "The one and only," preskong sagot ni Kon. Kinuha pa nito ang kamay ni Aimee at iaangat sana para halikan ang likod ng palad pero bago pa yun mangyari ay tumikhim na si Purissa. "Maiwan ko na kayo, Aimee…" May nagbabanta na sinulyapan niya ang pinsan. "At Constantino." "Okay na sa akin ang Kon, Pinsan." Hindi na nag-abala pang sumagot si Purissa sa pinsan niya, alam niyang hahaba lang ang usapan. Humarap siya sa kanyang paroonan. Sandali niyang tinaas ang kamay bilang pamamaalam bago mag-isang naglakad sa gitna ng may kadiliman na daan. Hindi katulad ng bahay nila Aimee ay sobrang layo pa ang bahay nila Purissa. Nagkataon lang talaga na kailangan niya pang daanan ang bahay ng isa sa mga estudyante niya para kumustahin ito kaya naman ay hindi na muna siya nagpasundo sa ama niya. May kalakasan ang hangin at ang langit ay sobrang liwanag kaya hindi maramdaman ni Purissa ang pagod sa paglalakad. Nalilibang din siyang panoorin ang pagsunod sa kanya ng buwan. Ngunit hindi pa rin niya maitanggi ang umuusbong na kaba sa dibdib niya, paunti-unti na rin kasing nauubos ang mga tao at mga bahay na nadadaanan niya. Alam niyang mas mapanganib ang gabi kasya sa umaga. Sa gabi ay maraming nangyayari at sikretong tinatago. Konting tiis na lang, Purissa. Lampasan mo lang ang bakanteng lote at nasa bahay ka na ng estudyante mo, pagpapalakas niya sa sarili. "Mama!" napasigaw siya sa gulat nang biglang may tumalon na palaka sa nilalakaran niya. Pagak siyang natawa sa sariling katangahan. "Ikaw naman, mahal kong sarili. Palaka lang naman pala—" "Ma'am?" Lihim siyang napangiwi nang mula sa isang gate ay lumabas ang estudyante niya. Nagtatakang bumaba ang tingin ng binatilyo sa lupa kung saan siya nakatingin kanina. "May nahulog ka po ba?" Her student asked worriedly. Bahagya siyang umiling at may ngiti na lumapit sa binatilyo. Nang makalapit ay Inangat niya ang kanyang kamay at dinampi ito sa noo ng kanyang mag-aaral. "Dapat hindi mo na ako sinalubong dito sa labas. Sobrang init mo pa, oh." MAKALIPAS ANG HIGIT isang oras na pananatili sa bahay ng kanyang estudyante ay nagpaalam na si Purissa na uuwi. Bago siya lumabas ay tinawagan na muna niya ang Papa niya na sunduin na siya. Gusto pa sana siyang samahan sa labas ng Lola ng binatilyo pero tinanggihan na niya ito. Hindi nakatiis si Purissa na tumayo lang sa tapat ng bahay ng kanyang estudyante. Nakita na lang niya ang sarili na naglalakad pasalubong sa daan kung saan manggagaling ang Papa niya. Hindi pa man siya kalayuan sa pinanggalingan ay napatigil siya sa kanyang kinatatayuan. Ang kanyang mga mata ay natigil sa isang parte ng daan kung saan hindi inaabot ng street light ngunit sapat na ang buwan para mapagtanto niya kung anong meron doon. Sa pagkakataon na ito ay hindi siya napasigaw sa pagkabigla. Umawang lang ang kanyang mga labi, at para bang naparalisa ang kanyang katawan. Sa paghampas ng ihip ng hangin ay ang pagtibok ng puso niya nang sobrang bilis. Hindi niya na makontrol ang mga sariling kamay na nanginginig sa takot. Sa unang beses sa buhay niya ay nakakita siya ng duguan at nakahandusay na tao. Hindi niya sigurado kung mabuting tao ba ito. Nakapangdududa na makakita ng duguan na tao sa gilid ng daan. Hindi siya isinilang kahapon para isipin na lahat tao ay hindi masama. May mga tao na may masamang motibo anuman ang itsura nito. She sighed deeply. Lakas loob na hinakbang niya ang kanyang mga paa at tinuwid ang tingin sa daanan. Ang kailangan niya lang gawin ay umaktong wala siyang nakita hanggang sa malampasan niya na ito. Siguro naman, may iba pang tao na makakakita sa lalaki. Napalunok siya sa sariling laway nang sa wakas ay nalampasan niya na ito subalit ang lahat na inipon niyang lakas ay napawi nang umungol ang lalaki sa sakit. "Buhay pa siya…" naiusal niya sa sarili. And with fear in her eyes, she turned her head once again. "What am I going to do?"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Ex, My Client (TAGALOG/TAGLISH)

read
416.2K
bc

Her Innocent Slave (R-18) (Erotic Island Series #3)

read
537.5K
bc

Unexpected Romance

read
38.7K
bc

Oasis (Boy Next Door 1)

read
2.9M
bc

Flame Of Lust (R-18) (Erotic Island Series #2)

read
445.6K
bc

My Secretary, Sex-etary [Lee Saunders]

read
273.9K
bc

Their Desire (Super SPG)

read
967.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook