Chapter 5

3892 Words
HERA'S POV Pagkatapos ko magwala sa Academy ay sapilitan akong inuwi ni Clyde dito sa Aither. Ano na kayang nangyari sa Anak namin? Ano bang pumasok sa Utak niya at naisipan niyang Tumawid sa Kabilang mundo? Gustuhin ko man ay Hindi ko magawang Bumalik sa Mundong iyon. Look at Me, how can I bring back my Princess if I look like an 18 year old Model Na Minsan ng nakilala sa Mortal World.  "Kumain ka na." He said.  Hindi ko siya nilingon pero alam kong may nakasunod sa likuran niya, mga servants na may Dalang Pagkain. Gabi na pero hindi ko Magawang kumain.  "I'll take a rest." Sabi ko at Nahiga sa Kama at tinalikuran ko siya.  Nrinig ko ang pagbukas at sara ng pinto. Marahil ay Lumabas na ang servant. Naramdaman ko ang paglubog ng Kama kaya alam kong tumabi siya sa akin. "Sa tingin mo ba matutuwa si Princess na nakikita kang ganyan?" Bakit kung umasta siya parang hindi siya nag-aalala. Parang wala siya anak na nawawala. "You even ignored the Food." Napabangon ako at naupo.  "Paano ako Kakain!?" Mediyo napataas ang ono ng pananalita ko pero wala akong paki alam. Masakit para sa isang ina ang mawalay sa kanyang anak. Lalo pa sa kalagayan niya. "Hindi mo man lang alam kung kumain na ba siya. Nasaan siya. Ligtas ba siya? Baka kung napano na siya." Nanlumo ako sa mga naiisip ko. Ayaw ko man isipin pero hindi ko maiwasan. Lalo pa't bumabalik parin sa alaala ko ang nangyari 20 years ago. "She's smart. Alam niya ang gagawin niya. Hindi siya gagawa ng mga hakbang na ikasasama niya." Hinawakan niya ako sa makabilang balikat. "She thinks the way you think. The two of you we're the same. What you need to do is to trust her cause I do."  "Hindi ko lang kayang isipin na Pati siya ay Mawala sa atin. Hindi ko na kaya ang Isa pa. Tama na ang isa. Ayoko na. Ikamamatay ko na pag nawalan ulit ako ng mahal ko." Sabi ko. Hindi ko na kayang pigilan ang Luha ko kaya tuloy tuloy ito sa pgbuhos. Maya maya pa ay Narinig ko na ang malalakas na kulog at kidlat, kasunod nun ay ang pagbuhos ng malakas na ulan. "Young Go will Find her. Aside From Our Daughter, we need to trust That Young Go." Niyakap niya ako at hinimas ang likod ko. Pero bahagya akong kumalas sa yakap niya at tinignan ko siya. Zee Go? "Zee Go?" I asked. He nodded. "You think He can Bring Home Generous?"  "You think I'll sacrifice if I don't love you?" Napakunot noo ako. Bakit napunta doon ang topic? Siyempre nag sakripisyo siya kasi mahal niya ako. Khit Alam niyang mAs malaking Responsibilidad ang haharapin namin ay ginawa niya parin para maging immortal kami. Para mabuhay ako. 50/50 chance but he Took the risk. "What do you think about France Go's Son?" Out of nowhere na tanong ko. Humupa na ang luha ko at naliwanagan ako sa paliwanag niya.  "Is a Good Young Man. I know how He cares To our Princess. He doesn't speak often nor Talk to Anyone, maliban sa Mga Kasamahan niya. Sa Mga kaibigan lang nila siya sumasama. And I can Read his eyes. The way he Look at Our Princess, I know it's meaning." Ipinilig niya ang ulo ko sa balikat niya habang naglalakad kami palapit sa Veranda. Mediyo humupa na ang ulan. "Zee Is Like you. Masungit Daw sabi ni Generous. Hindi Palangiti, at Bihira magsalita. Pero may isang Lamang siya sayo." I paused. Nagtatakhang tinignan niya ako Sa mata. "He's wierd. I mean, palagi siyang wala at bigla nalang lilitaw kapag kailangan." "So, we're not the same." He said. Ngumuso nalang ako.  Hanggang ngayon ay palaisipan sa amin kung sino ng lifetime guardian ni GEnerous. Nabantayan ba siya nito? O mayroon ba siyang Lifetime guardian? Walang sinabi ang Propesiya, dahil hanggang ngayon ay wala paring laman ang Propesiya. Kaya ganun nalang ang takot ko sa maaring mangyari. Walang nagbabantay sa kanya. Oo, nandito ang elemental guardians niya at iba pang guarians. Pero alam kong isa lang ang kayang magligtas sa kanya. Matagal ng sumagi sa isip ko si Zee Go. Pero ayoko umasa sa walang kasiguraduhan. Ayoko na. Nawalan na ako noon. 20 years ago, at ipinagdarasal ko na sana huwag ng maulit ngayon. Huwag si Gnerous.  Generous, please be Safe. GENEROUS'S POV Hindi ko alam kung nasaang lugar na ako. Hindi ko alam kung anong Klaseng lugar Ng Napuntahan ko. Konti lang ang Alam ko tungkol sa mundong ito. Ang natatandaan ko lang ay kung paano makisalamuha tulad ng tinuro ni mommy.  Ang alam ko lang ay nasa lugar ako na puro matataas na gusali. Dito ako binaba ng Taxing Sinakyan ko kanina. Oo, taxi. Hindi ako bobo para hindi malamang taxi yun. Sabi ko dalhin niya ako sa Metro Manila. Ung ang lugar na binanggit ni Mom dati kaya yun lang ang naisip kong Sabihin doon sa Kutsero. (Tanga driver tawag dun.) Inilibot ko ang paningin ko. Maganda pala dito. Sobrang taas ng mga gusali dito at puro salamin. Mula dito sa kinatatayuan ko ay namamanghang pinagmamasdan ko ito. Nakatayo ako malapit sa isang poste na may tatlong ilaw na nagpapalit palitan ng kulay. Pula, berde at dilaw. May mga katabi akong mortal na nakatayo din. Maya-maya pa ay sabay sabay silaNg tumaWid ng biglang mahing kulay pula ang ilaw ng poste. Hinintay ko munang mauna silang tumawid. Naghintay ako ng ilang sandali hanggang sa lahat ay makatawid na. Ayoko makisabay sa kanila. They're all staring at me like they were wondering who am I.  May mga bumubulong pa ng. "Mukha siyang artista." "Baka model. "Mala anghel ang mukha e." Hanggang makatawid sila ay nakatingin parin sa akin ang iba. Yumuko nalang ako at saka tumawid din. Mahaba ang tinawiran ko kaya halos ako nalang ang mag-isang tumawid. I hate attention. Even in Academy, I hate being an attention seeker. Parang ang dating ay ako an napapansin nila. Napapansin ang Mga Flaws ko. Nakayuko lang ako at tahimik na naglakad hanggang sa mediyo naging maingay ang paligid. May malalakas na tunog na nanggagaling sa sasakyang pang lupa nila.  ''Miss Bilisan mo! Naka Go na." May isang lalaki na nagsalita. Hindi ko nalang pinansin dahil Hindi ko sure kung ako ang sinSabihan. Malay ko ba kung May kausap pala. "Ganda! Bilisan mo."  "Miss! Miss!" Halos nasa kalagtinaan na ako ng napakalawak na Tawiran ng biglan... "Miss Na naka Puti. Bilisan mong tumawid." Saka lang ako nag-angat ng tingin dahil alam kong ako lang ang nakaputi. Tumingin ako sa harap ko. Lahat ng nandun ay may sinasabi. May mga sumesenyas na bilisan ko raw. I wonder why, kay Tumingin ako sa side ko. Pero wala na, huli na. "MISS!!" Isang malakas na sigaw ang narinig ko bago ko maramdaman ang likod ko na nakalapat sa mainit na Kalsada, "Call 911!" "Oh my god! Tulungan niyo yung babae.!"  "Ambulanysa, tumawag na kayo ng ambulansya." "Dugo. Puro dugo." Ilan lang iyan sa mga narinig ko, ramdam ko na marami na ang nakapalibot sa akin. Unti unting bumigat ang talukap ng mga mata ko at tuluyan akong dinalaw ng Antok. "Tumawid raw yan, naka go na."  "Ay oo nga raw. Mukhang wala raw sa sarili kay nasagasaan." "Wala bang ID yan?" "Wala raw. Walang nakakakkilala sa kanya." "Sayang, maganda pa naman tapos magpapakamatay lang. Naku, kung ako biniyayaan ng diyos ng ganyang mukha di ko muna gugustuhin mamatay. Mag-artista muna ako." Nagising ako dahil sa ingay ng boses ng dalawang babae sa Tabi ko. Unti-unti kong idinilat an mata ko at isang napakaliwanag na lugar ang nasilayan ko. Puting kisame. "S-Sino kayo? N-Na-nasaan ako?" Pinilit kong sabihin iyon dahil hirap ako na Magsalita. Parang ang bigat ng Katawan ko. Ang bigat ng pakiramdam ko.  "Gisinga ka na pala. Anong Pangalan niyo Miss?" Sabi ng Isang babaeng naka kulay puti din. Dalawa sila at nakatayo sa magkabilang gilid ko. Tinignan ko lang siya. Bakit niya tinatanong ang Pangalan ko? "Miss, kailangan namin ang Pangalan mo para sa Record ng Ospital. Huwag ka mag-alala,sinagot na ng nakabangga sayo ang bills mo dito." Nakangiting sabi nito.  "Sandali, tatawagin ko si Doc."sabi nung isa at saka umalis. Muli ay sinulyapan ko ang kumausap sakin kanina. "I'm Generous Firro." Sandali siyang napa-isip. Kaya sumagot na agad ako. "Generous talaga ang Pangalan ko."  "Ahh Okay." Sabi lang niya at nagsulat. "Anong lugar Po ba ito?" Lalong kumunot ang noo niya, "San ba nanggaling ang babaeng to?" May binubulong siya, sobrang hina pero rinig ko parin dahil ability ko iyon. "Nasa Ospital ka. Dinala ka dito nung nakabangga sayo para magamot ka."  Napabalikwas ako ng bangon. Anong ginamot? Wala namang masakit sa akin. Mabigat lang ang pakiramdam ko at kaya naman pala, kasi ang daming nakakabit na kung ano-ano sa akin.  "Teka lang po Miss. Huwag kayong gagalaw, makakasama sa iniyo." Pilit niya akong Pinapahiga. Ano ba!? May sapak ba siya?  "Okay lang ako. I need to go." May hinahanap pa ako. Sayang ang Oras. Siguradong nag-aalala na si Mom at Dad. Kailangan ko ng makabalik doon. Baka nag aalala na rin ang mga kaibigan ko. Si Irish. Lalo na si Zee. Kahit ang sungit sungit nun sakin alam ko na Mag-aalala yun. Baka pagalitan na ako nun. Umupo ako at tinanggal ko ang mga nakakabit sa kamay ko. Medio masakit ng hilahin ko ito at nakita kong dumugo iyon. Pero ininda ko lang. "Miss, sige na po. Sumunod na po kayo. Humiga lang po kayo. Makakasama sa iniyo.'' Pinipigilan niya ako at Paulit-ulit niya akong pinapahiga. Naku naman. Hindi niya ba alam na magagalit na ang mga magulang ko? Hindi niya kilala ang Mommy ko. Takot kaya ako pag nagagalit yun. "Aalis na ako!" Sunod na hinablot ko ay ang nakakabit sa leeg ko. Ano ba naman to!? Ano bang ginagawa nila sa akin. Tapos kinapa ko ang ulo ko. May nakabendang tela. Sa inis ko ay agad kong hinabot iyon. Ginamot ba ako o gusto nila akong patayin sa dami ng nakakabit na kung ano ano sa akin.  "Ma'am. Huminahon kayo." "Ano ba kasi ito? Ano tong mga to? Hindi ko kailangan ng mga yan. Kailangan ko ng umalis. Naiintindihan mo ba?!" Singhal ko sa kanya. Napatingin ako sa suot ko. Hindi ito ang damit ko ah. Aba't sumusobra na siya. Pati ba naman damit ko. Tumayo ako at tumalon sa higaan. Itinulak ko siya at saka tumakbo palapit sa pinto . Paglinon ko sa kanya ay nakita kong lumapit siya sa may kama at pinindot yung kulay pulang bilog doon. "I need an assistance room number 5418. Asap!" Pagkatapos niyang sabihin yun ay tumakbo siya papunta sa akin.   Hinabol niya ako at Nahawakan niya ako sa magkabilang braso at hinihila niya ako pabalik sa maliit na kamang yun. Sa inis ko ay buong lakas kong binawi ang braso ko t mabilis na hinarap ko siya. Naitulak ko siyang ng mahina, pero nakakalimutan ko na wala ako sa genovia. Dahil ang mahinang tulak ko sa kanya ay mediyo malakas. Dahilan yun para tumilapon siya at tumama sa dingding.  Naptakip ako ng bibig. Sh*t! Ang tanga, umiral nanaman ang pagiging mainitin ng ulo ko. Agad akong lumapit dun sa babae ng marealize ko ang nagawa ko. Paglapit na paglapit ko sa kanya ay agad ko siyang tinapik sa pisngi dahil nawalan siya ng malay. Hala!  Nag-isip ako ng gaggawin. Pabalik balik akong naglakad sa harap ng nakahandusay na babae. Bakit kasi nagkanda letche-letche na. Napatigil ako sa pagpapabalik balik ng marinig ko ang maraming yabag ng paa. Sa tantiya ko ay nasa Apat sila at dito papunta sa silid na ito.  Mabilis na dumako ang tingin ko sa paggalaw ng doorknob kaya agad na gumana ang reflexes ko. Lumipad ako at dumikit ng husto sa kisame. Saktong pagpasok ng tatlong Nakaputing lalaki at isang lalaki na naka itim na long sleeves ay nasa itaas na ako. Light Goddess, please guide me. Mula dito ay nakikita ko kung paano nila Pinagtulungang buhatin ang babae. Napahinga ako ng maluwag ng gumalaw ito at dumilat. Nasapo nito ang ulo at likod. "Nurse, nasan yung Babae?" Tanong nung Lalaking naka black.  "Umalis na ho Sir. Nagmamadali ho, pero may iba sa babaeng yun Sir. Girlfriend ho ba ninyo?" Tanong nung babaeng tinawag na 'nurse'. Ang ibang lalaking naka-puti ay naging abala sa Pag aayos ng mga nasira kong gamit kanina. I feel guilty for that. Nakasira nanaman ako. "Ha!? Bakit mo pina-alis? " galit na tanong nung laking naka itim. "Ako ang nakabangga sa kanya. Baka mamaya magsumbong pa sa pulis yun. O kaya ay mapahamak sa daan." Nakatalikod ito kaya hindi ko makita ang mukha niya. Pero Yung buhok niya ay parang tulad ng buhok nung batang nakausap ko noon. May kaunting gray at Red. Tinignan ko aang iba pang lalaki. May kulay din ang buhok nila. Baka hindi siya ang hinahanap ko kya hindi na ako magsasayang ng oras dito. Uuwi mauna ako. Saka ko na hahanapin ang batang yun. Maalilintikan na ako sa Mga magulang ko. "Eh paano ho sir? Siya po ang may gawa nito." Inis na sagot ng babae. Naggulat ang mga lalaking nakaputi. Pati yung naka-itim ay napatingin sa kanya. "Totoo po. Ang lakas nung--" napahinto ang Babae sa pagsasalita ng sa hindi sinasadyang napatingin siya sa dako ko. Nanlaki ang mata niya at di magawang makapagsalita.  Alam kong natatakot siya dahil nanginginig siya. (Ikaw ba naman makakita ng babaeng nakalutang at nasa kisame. Juice colored.)  "Nurse? May problema ba?" --tanong nung naka-itim. "Jade. Huy tinatanong ka ni Sir." "Ayos ka lang ba!?"  Hindi niya pinansin ang mga ito. Nakita kong ituturo na niya dapat ako pero bigla nalang siya nawalan ng malay. Nataranta ako dahil nataranta din sila. Ng Alam kong lilingon sila sa direksion ko ay hindi na ako nagdalawang isip na Subukang magteleport. Bahala na.  Napunta ako sa Isang Lugar kung saan napakaraming sasakyang pang lupa. What? In all of the places bakit dito? Wala naman akong alam dito. Paano palabas dito? Naglakad-lakad ako. Hanggang sa may nakita akong Sign board sa bandang itaas. "Parking Lot" . Yun ang nakalagay. So nasa Parking lot ako? Paano lumabas dito? Nag-ikot ikot pa ako sandali. Hanggang sa tumapat ako sa isang itim na Sasakyan. Nakita ko ang Repleksiyon ko. Ano tong suot ko? Parang ang luwag masiyado at nakapaa lang ako. Plus dumudugo pa pala ang kamay ko. Patay! Hindi matutuwa ang mom pag umuwi ako na ganitong itsura ko.  Magcha-chant na nsana ako ng spell para magkapag bihis ng pang tao kaso may narinig akong palapit. Napa ayos ako ng tayo at naglakad paalis. Ng biglang may humawak sa wrist ko. Buti nalang at sumagi agad sa isip ko ang nagawa ko sa babae kanina kaya napigilan ko ang sarili ko na ibalibag ang Humawak sa Wrist ko. "Miss." Nilingon ko an lalaki. Base sa suot ng lalaki ay kapareho ng lalaking na itim kanina. "Ikaw nga. Bakit umalis ka kaagad? Buti at nakita kita. Sorry sa nangyari."  Natulala ako sa Kulay ng mga mata niya ng di sinasadyang napatingin ako doon. Pamilyar. At dumagdag pa na ang lakas ng t***k ng puso ko. Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa wrist ko napatingin rin siya dun kaya binitawa niya. Sabay sabi ng sorry. "Okay lang. Sige alis na ako." Sabi ko. Paalis na ako pero pinigilan niya ako. Ano nanaman ba? "TekA lang Miss. Ayos ka na ba talaga? Bumalik na tayo sa loob baka mapano ka pa." Nginitian ko lang siya. Mabait naman siya. Yun nga lang hindi palangiti.  "Ayos na ako." Pero sa tingin ko ay hindi siya kumbinsido sa sagot ko. Buti at naalala ko ang kalagayan ko. "Pero kailangan ko ng tulong." Nahihiya kong tugon. "Tell me." "Hindi ako makakauwi sa amin ng ganito." Itinuro ko ang Suot ko.  "Sige, kung ayaw mo bumalik dun sumama ka nalang sa akin." Sabi niya. Kinabahan ako. Anong tumatakbo sa isip niya? Hirap naman basahin ng isip ng isang to. "Saan?" Tanong ko.  "Sa Mall." Sabi nito at sinenyasa akong lumapit. Kahit nagaalangan ako ay lumapit ako. Kaya k namang protektahan ang sarili ko kung sakali. Binuksan niya ang pinto ng sasakyan at sumenyas ulit siya kaya pumasok ako sa loob.  "Mall? Saan yun?" Umikot siya sa kabila at pumasok sa kabilang pinto.  ''Sa Mall. Baka Pati Mall hindi mo Alam," he said sarcastically. Patay na! Anong sasabihin ko? "A-alam ko. I mean, anong gagawin natin sa Mall?" Sige, kunwari nalang alam ko para hindi siya makahalata. Mukha pa namang matalino at Maayos. Gwapo kasi siya at Matangkad. Anong konek? Ewan. "Diba sabi mo Hindi ka makakauwi ng Ganyan?" Nagulat ako sa tono ng pananalita niya. Naiinis ba siya? Akala ko ba willing siyang tulungan ako. "Ibibili kita ng gamit." Tapos bumubulong bulong pa siya. Napayuko nalang ako. Eh malay ko ba sa pinagsasabi niya. Kita ko sa pheriperal vission ko na napapakamot siya sa gilid ng kilay niya.  Natahimik ako. Makalipas ang ilang minuto ay Siya na ang unang nagsalita. "Sorry. Taga saan ka nga pala?" Anong isasagot ko? Hindi naman niya alam ang Genovia. Plus wala akong kaalam-alam dito. Tumingin ako sa labas at nag-isip. "Okay fine, sorry. Mainit lang ang ulo ko dahil di ako nakapasok sa School." "Sorry." Sabi ko. Feeeling ko tuloy kasalanan ko pa.  Huminto ang sinasakyan namin. I examine the surroundings. Ang daming tao. Puro gusali nanaman at May mga taong maraming dalang supot.  "No It's okay. Next time mag-iingat ka na." Sabi niya at ngumiti ng bahagya. Isang simpleng ngiti na nakadagdag pang lalo sa kagwapuhan niya. Natauhan ako ng bumaba siya sa sasakyan. "Dito ka lang. I'll be Back." Tumango ako at saka niya isinara ang pinto. Sumandal nalang ako sa Sandalan ng Upuan. Sunod sunod na buntong hininga ang ginagawa ko. Ano ba itong Problemang pinasok ko? Nangangapa ako sa mga bagay bagay dito. Hindi ko alam kung ano ang paraan ng pamumuhay dito. Ayon sa nakikita ko halos pareho lang, halos lang. Pero mas gusto ko parin sa Genovia.  Isinandal ko ang ulo ko sa salamin bintana. Hayy.. kamusta na kaya si Mom? Si Dad. For sure Mapapagalitan ako ni Dad dahil pinag alala ko sila ni Mom. Si Irish kaya at ang iba? Ano kayang nangyari sa first day ng pasukan sa Academy? Si Zee? Naku Lagot! Si Zee. Hindi ko pa siya nakakausap mula noong Orientation.  Napahilamos ako. Susungitan nanaman ako nun. Haaay.. Kamusta na kaya siya? Si Zee? Sino Ba si Zee? Siya Lang naman ang kababata naming Silent type of guy. Thunder User. At isang malakAs na Wizard. As in. Halos Kapantay niya sa Lakas kaming mga Elemental User. Siya ang nagiisang Anak ni Tito France at Tita emmy. Hindi ko nga maintindihan kung bakit Ang sungit niya. He's a hot and cold type of guy. Laging banko ang expression ng mukha. Parang si Dad minsan. Pero Mas malala yun kay Daddy. Si Dad mild lang ang kasungitan. Siya? Sobra talaga. Hindi naman ganun si tito France o Tita Emmy. Hindi naman sila wirdo. Yung anak nila oo. Natawa ako ng Maalala ko nanaman noong 18th birhday ko. Dumating siya na Basang basa. Pero nakapoker face lang siya habang isinasayaw ako. The way he greeted me is so Cold. Para bang may Tuod na nagsabing "Happy birthday, Princess" pero pagktapos niya sabihin yun ay ngumiti siya. Yun ang pinakamagandang regalo na nakuha ko. Ang ngiti niya. Hindi ko napapansin na nakangiti na pala ako kaya Bumuntong hininga nalang ako. Uuwi na talaga ako. Masiyado yata akong nawindang sa pagiisip kay Zee sungit dahil sa Dumaang lalaki sa di Kalayuan. Inaninag ko ng mabuti ang lalaki. Kamukhang kamukha ni Zee. Mediyo magulo ang buhok nito. Naka pants siya na Black at Black Shirt. Nakita ko na may naka-ipit na stick sa Likod niya.  Napabalikwas ako at napakurap. Baka namamalikmata lang ako. Pero pagdilat ko ay Zee talaga ang nakikita ko na tumatawid. Yung stick na yun ay wand. Siya nga hindi ako maaring Magkamali!  Sinubukan kong buksan ang Pinto pero di ko mabuksan. Paano ba to buksan? Ilang ulit ko pang sinubukan. Pero ayaw. Palayo ng palayo si Zee kaya naalarma ako. Naisip ko na sirain ang pinto kaso naisip ko din na baka magtaka ang mga tao. Sinubukan kong tawagin si Zee pero hindi siya lumilingon. Pinapalo ko na ang harap ng sasakyan pero hindi niya ako marinig.  Hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. Ibinagsak ko ang likod sa sandalan. Inhale exhale lang Generous. Relax. Mag-isip ka. Mag-isip ka muna. Impossibleng pumunta si Zee dito. Bakit naman siya pupunta dito. At kung umasta siya para siyang tao. Yung kilos niya ay parang tao din. Impossible talaga. Baka naman kamukha niya lang yun. Pupunta siya dito kung inutusan siyang hanapin ako. Baka kalat na ang balita na wala ako sa Genovia. Ugghh!  Nahampas ko ang Patungan na nasa harap ko dahil sa inis. Kasalanan ko to eh. "May Problema ba?" Nagulat ako ng bumukas ang pinto at magsalita ang lalaki. "Wala." Sabi ko at ngumiti. Inabot niya sa akin ang Supot na hawak niya. Ngumiti lang siya at sumakay na. Tinignan ko ang laman ng supot.  "Thank you." Sabi ko. "Nah, tara muna. Magbihis ka." Sabi ulit nito at saka inaandar ang sasakyan. Ano? Saan ako magbibihis? Sa loob nitong sasakyan niya? "Mediyo malayo ang bahay namin. Pero dun ka lang pwede makapagbihis. Don't worry tUtulungan nalang kita makauwi sa iniyo. Pero baka bukas na dahil gumagabi na." Ano!? Bukas? Hindi pwede! Gusto ko man umangal pero hindi ko magawa. Ang pangit ng timing. Malas na nga ako. Mas minalas pa ako sa kagagahan ko. Nanahimik nalang ako at ipinilig ko ang ulo ko sa gilid.  Inaantok na ako. Tutal sabi niya ay matulog muna ako kaya mabuti pa ay matulog na muna ako. -- Idinilat ko ang mata ko at bumangon. Nagunat-unat ako. Mukhang napasarap ang tulog ko. Pinagmasdam ko ang paligid. Kawarto? Mediyo maliit sa kwarto ko pero magaNda.pink Ng kulay nito at May chandelier din. Napatingin ako sa suot ko. Puting dress nanaman? Ito yung nasa supot na binigay sa akin nung lalaki--hindi ko pa pala alam ang pangalan niya. TUluyan akong bumangon. Pagdungaw ko sa sahig ay may isang pares na ng sapatos doon kaya isinuot ko. Tumayo ako at humarap sa salamin na nakita ko. Inayos ko ang buhok ko. Buti hindi niya naitanong kung bakit ganito ang kulay ng buhok ko dahil pagnagkataon ay hindi ko alam ang isasagot. Habang inaayos ko ang buhok ko ay napansin ko ang kamay ko na Nakabenda. Tinignan ko ito. Ito yung kamay ko na dumugo kanina. Ginamot niya rin siguro. Napangiti ako. Kahit may pagka mainitin ang ulo niya ay mabait din pala. Paglabas ko ng kwarto ay iginala ko muna ang mata ko. Dalawang mahabang hallway ang nasa magkabila ko. "Okay Mom. Take care. Bye." Dumungaw ko sa may Railing ng marinig ko ang boses nung lalaki. Nakita ko siyang kakababa lang ng isang gamit mula sa tenga niya. Sakto naman na napatingala siya sa pwesto ko. Ngumiti siya bago magsalita. "Good Evening. Gising ka na pala. Tara dito." Itinuro niya ang hagdan. Tumango lang ako at sinundan ang Itinuro niyang direksiyo. Bumaba ako sa hagdan. Inabot niya ang kamay Ko ng marating ko ang huling baitang. "Thank you." Pumunta kami sa kaLiwang bahagi ng kabahayan. At hindi naman ako bobo para hindi malaman na dining area ito. Sa mahabang Mesa ay May nakahandang pagkain. Natakam ako sa adobo. Si mommy kasi nagluluto ng adobo. Iginya niya ako para umupo. Pagkaupo ko ay umupo narin siya. "Kamusta na ang pakiramdam mo?" Tanong niya habang kumakain kami. Ang mga servants niya ay nasa gilid namin. Kaya awkward. Nagtataka siguro sila kung sino ako.  "Ayos lang. Salamat nga pala." I said. Ngumiti siya saka sumubo ng pagkain. "Siya nga pala. Anong pangalan mo? Kanina pa tayo magkasama ni hindi ko man lang alam ang pangalan ng taong kasama ko." Natawa siya ng bahagya kaya nahihiyang ngumiti ako. "Clein. Clein Davis." Binitiwan niya ang Kubyertos at inilahad ang kamay. "And you?"  "I'm Generous." Saka ko tinanggap ang alok niyang pakikipag kamay. Binitawan ko rin agad ng mapansin kong mediyo tumawa siya at napailing. Ang weird niya.  "Miss, wala naman akong Paki-alam kung Generous ka. Ang tinatanong ko kung anong pangalan mo." tapos tumawa na siya. Tawang hindi malakas pero hindi ganun kahina. Dahil sa sinabi niya ay biglang tumibok ang puso ko ng malakas. Isang tao palang ang bukod tanging natawa sa pangalan ko. Napatitig ako sa kanya. At sa pagkakataong ito ay nanumbalik sa isip ko ang sinabi ng Batang yun dati. " Bata, wala akong Paki-alam kung Generous ka. Ang tinatanong ko kung anong pangalan mo." 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD