CHAPTER 4

4052 Words
Legacy 4 HERA'S POV "Gandalf Halika." Tawag ko kay Gandalf na Palakad-lakad lang sa Labas ng Kwarto namin ni Clyde. "B-bakit po Queen? Bakit po? May kailangan ho kayo? May kailangan kayo?" Napahilamos ako ng palad ko sa mukha ko. Hanggang ngayon doble-doble parin siya magsalita. Di nga baluktot ang dila, pulit-ulit naman. "Bakit parang Hindi ka mapakali?" Tanong ko at saka isinara ang pinto. "Sumunod ka sa akin." Utos ko. SUmunod naman siya at tahimik na nilalaro ang kamay. Ang wierd nitong dwendeng to. "Saan po tayo Pupunta Mahal na Reyna? Ha? Saan po Tayo pupunta?" Tanong niya. Napakunot noo akong napahinto sa paglalakad at dahilan para Sumubsob ang mukha niya sa Binti ko. "Waahhh,,ang sakit! Waahh!! Masakit. Huhu." Hay naku! Hirap kausap ang mga tulad niya. "Bakit nandiyan ka kasi sa likuran. Sorry." Sabi ko. Yumuko ako para tignan kung nasaktan ba ang noo niya. "Eh Kasi po Sabi niyo Sumunod ako. Diba? Diba po sabi niyo Sumunod ako?" "Oo na. Oo na." Ay peste. Pati ako nahawa na. "Samahan mo ako. Gisingin natin si Generous." Sabi ko nalang saka naglakad. Sumunod nalang siya. Pag-akyat na pag-akyat namin ay agad akong kumatok sa Pinto. Kumatok ulit ako ng walang nagbukas. Inulit ko pa ng ilang beses kaya nagtaa na ako kung bakit walang sumasagot. "Generous?" I called as I enter her Room. Tahimik sa PagpSok palang. Dumiretso ako sa loob at nakasunod naman si Gandalf. "Princess?" Maayos ang kama niya. Kaya pumunta ako sa banyo pero wala siya. Bigla akong nakaramdam ng kaba. I decided to enter her walk in closet. Pero wala rin siya doon. "Nasaan si Generous? Ginising na ba siya ni Clyde?" Tanong ko kay Gandalf. "Hindi ko po alam. Hindi ko po alam." Napabuntong hininga nalang ako at Lumabas. Baka kumakain na sa Baba. Pagbabang pagbaba ko ay nakasalubong ko sa kalagitnaa ng Hagdan si Clyde. "Goodmorning Wife." Bati niya. Inabot niya ang kamay ko para alalaya ko sa paglalakad pababa ng Hagdan. "Where's Princess?" I asked. Nagtatakang tinignan niya ako. "Hindi kaya nauna na sa Academy?" He said. Oo nga, hindi ko naisip yun. Maybe she Got excited on her first day. Pero parang imposible. Hindi naing excited yun tuwing first day of Class. "Don't worry, baka nandun na. Let's go? Male-late na tayo." Tumango ako, baka nga nauna. Sana, dahil iba ang sinasabi ng puso ko. IRISH'S POV "Good morning!" I said cheerfully when I saw Mommy and Daddy na naka abang sa pinto ng Kwarto ko. "Good morning. Ready for school?" Tanong ni Mommy kong oh so beautiful and gorgeous. Wait what? Beautiful na gorgeous pa? Hay.. sama ng effect sa akin ng Pagiging exited pumasok. (Conyo. Mana sa nanay.) "Yes, yes, yes." I said t saka umakbay sa kanilang dalawa. "Ang hyper mo na naman. Mana ka talaga sa Mommy mong panget." Sabi ni Dad na napapangiwi pa dahil sa lakas ng pagbasak ng braso ko sa leeg niya ng akbayan ko siya. "Huh! True. Sa akin nagmana yan. Beautiful eh." Sabat ni Mommy. Kasalukuyan kaming pababa ng pagkahaba-habang hagdan. At nagtatalo nanaman sila. Alam ko na din kung saan papunta ang usapan nila. 43 years old na sila pero kung magbangayan at maglambingan akala mo Teenagers. Aba! Tanggap ko pa if Tita Hera and tito Clyde will act like these. Bagay sa kanila kasi Hindi nagbago ang itsura nila. Eh Ng mga magulang ko? My gosh, may rinkles na at mediyo tumanda na cheesy pa din. Anyway highway, sasakit lang ang Ulo ko sa Pamomroblema sa mga magulang kong isip bata. Kahit ganyan sila, I'm proud to say that they are a Great King and Queen of Air KingDom. "Sa akin pala nagmana anak natin. Panget ka." Sagot ni Dad. "Huh! Ikaw. I don't know nga kung ano ang nagustuhan ko sayo 25 years ago." Napapailing nalang ako sa sagot ni Mom. Gosh, Even Tita Sirene told me na Patay na patay si Mom kay Dad noon. "Wow. Eh inlove ka nga sa akin noon. Lalo na noong 18 palang tayo. Ikaw unang umamin." Naiimagine niyo ba itsura nila? Okay ganito. Naakbayan ko sila. Pababa kami ng hagdan tapos nagbabangayan sila at ang topic wayback 18 years old pa sila. 25 years ago. Tapos ako palipat lipat ang tingin sa kanila. "Aba! Ang kapal--" sasagot sana si Mommy ng sumingit na ako. "Tama na Ma. Okay. Mana ako sa iniyong dalawa okay? At Paalis na ako oh, ngayon pa ba kayo magbabangayan? Ipapabaon niyo sa akin yung ingay at asaran niyo na labas pasok sa tenga ko. Gosh, I better go na agad." I said. Natahimik sila at saka bumelat sa isa't isa. Napa facepalm nalang ako. Wala ng pag asang maging normal ang Magulang ko. Gods and Goddesses of Air and Earth. What did I do? Bakit sakit sa ulo ang Parents ko!? Umalis ako sa pagitan nila at nauna ng lumabas sa Palasyo. Maya-maya pa ay nakasunod na sila. Magka-angkla ang braso. "Sorry na baby. Bati na kami ni Mommy." Sabi ni Dad at hinalikan pa si Mommy sa Harap ko. My Gosh. "Ingat ka doon ha? Don't worry I'll visit you There often. At Isa pa Lagi namang andun si Daddy mo Every month." Sabi ni Mom. Lumapit siya sa akin at Inayos ang buhok ko. Oo, every month bibisita dun ang ilang head ng committee. Isa Si Dad dun. Ang Head ng Committe ay Si Tito Clyde, Dad, tito Shannon, Tito France, Tito Calyx at Tito Kier. Silang anim ang nagpapatakbo sa Academy at pinumumunuan yun ni Tito Clyde. He's The king eh. Hindi na napaghiwalay ang mga yan mula noong Maka-graduate sila sa Tertiary. Ang cute nga ng Lovestory ng Bawat isa sa kanila. And speaking of, Ngayong taon ay Sila Tito arvie padin ang mga magiging Headmasters namin. Magaling magturo si Tito Arvie at Tita Rim. Yun nga lang, sana namana nalang ni Arin ang pagiging tahimik ni Tita. Tulad kahapon. Hayy,, How's Generous na Kaya? May Headmasters din kaming Triplets. Si Headmaster Lavi, headmaster Vince at Headmaster Emmy. Wizards silang tatlo at sila ang teacher namin sa Wizardry. Si Tita Emmy ang napangasawa ni Tito France, At si Zee na Crush ng Buong Academy ang Anak nila. Speaking of Zee, Kahapon pa ako kinukulit nun na puntahan namin si Gen sa Aither. Si Headmaster Roomie naman, ang oh so Gwapong headmaster at Pinaka Bata sa Lahat ang Paborito ko. Haha. Crush ko talaga yun kahit ang sungit sungit. I don't know kung kanino siya nagmana. Kay Tita Ayu ba o Tito Jiro. Tapos Isa pa itong Anak ni Master Kit. (Kit yoon Min. Remember) Si Headmaster Hansie Min. Matanda siya ng isang taon kay Kuya roomie pero Crush ng Karamihan. Plus may mga kaibigan ka pang makukulit at masayang kasama. Kahit na royalties kami at anak ng mga Headmasters ang iba sa amin ay nakikisalamuha kami sa Iba. So, Who the hell ang hindi ma-e-excite pumasok? Gosh. "Ingat din po kayo. Mamimiss ko yung kakulitan niyo." Sabi ko at niyakap sila pareho. Actually, I think Were Over reacting. Hello,, hindi ganun kalayo ang Academy. Isang lipad lang nandun na. OA lang talaga ang pamilya ko. Pasensiya na. "Hindi ka ba magpapa-alam sa Kapatid mo?" Tanong Ni Daddy. Napakagat Labi ako. Patay. Biglang pumarada sa Harap ko ang Karwahe. Sasakay na sana ako. Bahala siya. She Always Fight with me. "Grabe ka Ate! Hindi mo man lang ako Ginising. Lalayas ka without Telling me?" Muntik na akong matawa sa Itsura ni Erina. Halos magkanda tisod siya at bitbit ang laylayan ng damit niya. Tapos yung tiara niya, tabingi pa. "Nah,, we'll se each other naman sa Academy pag may Event." I said. Oo nga, lagi namang nandun ang mga Primary at silang secondary kapag may event sa Academy eh. "Kahit na. Basta dapat sa Birthday ko Nandito ka. Okay?" Lumapit siya sa akin. Napatingin ako kay Mom at Dad na Magkaakbay. Mediyo malayo sa amin ni Erin. "Sabihin mo munang Mas Mas Maganda ako." I said and Grin. "Psh. Oo na! Mas maganda ka na. Mas maganda ka kay Mommy. Kasi Mas maganda ako Sayo. Belat!" Sabi niya at saka Tumakbo palapit kay Mom. Hahabulin ko pa sana kaso nginitian niya pa ako ng nakakaloko. Tapos nag wave na siya ng kamay. I rolled my eyes at saka sumakay sa Karwahe. Good thing na nasa dorm na ang mga Things ko kahapon pa. Less Hassle. I waved my Hands as The Pegasus start Flying. Noong nasa himpapawid na kami ay dumungaw ulit ako sa bintana. Nakatingala parin sila dito. Hindi ganun katagal ang Byahe kaya nakarating kami agad sa Academy. Marami ng pakalat kalat na Estudyante. Paglapag na paglapag ng Karwahe ay Bumaba agad ako ng Maaninag ko ang likuran ni Loran at Orwen. Maraming Abala sa pagtesting ng mga kapangyarihan nila, halos busy ang Karamihan. "Hey! Lovebirds!" Tawag ko sa kanila. Agad naman silang lumingon sa akin kaya mabilis akong lumipad papunta sa kanila. Pagdating ko sa tabi nila ay Agad naman silang nakipag beso. "Aga niyo ah." Sabi ko at sinabayan silang Maglakad. "We're not. Late ka lang." Sabi ni Loran at nag flip ng Hair. Gosh! I used to do that. Bakit niya ginagaya? "Tss,, Oo na, sige na." sabi ko and I rolled my Eyes. "Nasaan na Kaya yung Iba?" Loran asked. Tahimik lang Si Orwen na nakapamulsang Naglalakad. "Nandiyan lang yan sa tabi tabi, susulpot nalang yang mga yan." Sagot ni Orwen. I shrug my shoulders, sa bagay. Patuloy lang kami sa Pag-ku-kwentuhan ng masalubong namin si Kieth at Andrea. Halatang naiinis si Andrea dahil nakakunot ang noo nito. What's their problem nanaman ba? "Baby,, sige na oh." I almost boost into laughter dahil mas lalong sumimangot si Andrea at sunod ay nag poker face. "Quit on calling me Baby Kieth. I am not. Get Lost." Oohhhh. Bakit kapag si Kieth ang kausap mahaba ang Lumalabas na salita sa bibig nitong si Andrea. "Bakit ba ang sungit mo sa akin? Kila Ate Gen di naman. Hmmp. Unfair." Fvck! Did he pout? "Nagtatalo sila. Hay, di ba nagsasawang mangulit yang si Kieth kay Andrea? Kahapon pa yan ah." Komento ni Loran. "Pag mahal mo. Di ka magsasawa. Kahit pa makulitan siya kukulitin mo siya. Kahit ayaw ka niya makita at makausap Di ka lalayo sa kanya. Kasi nga kapag mahal mo, pagti-tiyagaan mo. Tatanggapin mo yung ugali niya, yung pagsusungit at ang pangtataboy niya." Nagkatinginan kami ni Loran after magsalita ni Orwen. Sabay kaming napatawa ni Loran at Isang Masamang tingin ang nakuha namin mula kay orwen. Pero napatigil kami dahil seryoso nga siya sa sinasabi niya. Humugot amp! Natahimik kami until Andrea nd Kieth Came along. "Ano na namang problema niyo?" Ako na ang first na nag-ask ng Question sa Dlawang Bata. "Ate Irish." Tawag ni Kieth. Tinaasan ko siya ng Kilay pero Hinawakan niya ako sa braso aT hinila palayo ng kaunti sa kanila. "Excuse us." "Yan tayo eh, What do you need?" I Asked at nag cross arms ako. Napakamot siya at nahihiyang ngumiti. "Ate, tulungan mo ako. Pilitin mo naman si Baby ko na Sumama sa kin sa Revenhill Sa weekend." "Ayun,,, " sabi ko. May kailangan. Dapat pinangalanan to ni Tito Janlo ng John Michael. "Ate, please." Pinagsaklob niya ang dalawang palad at nagpaawa. Papayag na sana ako ng biglang Mapansin ko na May aninong dumaan sa amin at alam kong mula sa itaas iyon. Napanganga kami pareho ng mapansin ang Napakalaking Fire Dragon na Dumaan at sa likod nito ay nakasakay ang King and Queen. Tumingin ako sa paligid. Lahat ay napatingin sa kanila. Nagkatinginan kami nila Loran. Nakapagtataka kasi sobrang bilis ng Lipad ng Fire Dragon. Umikot pa ito sa Itaas namin bago huminto. "Orwen, Loran. Hanapin niyo sina Shirron at Arvie. Lalo na si Zee. " sabi ko. Agad na tumango sila. At umalis. "Andrea." Tawag ko kay Andrea. Lumapit siya sa amin ni Kieth at Sabay sabay kaming lumipad pataas. "May Problema po ba?" Agad na nakuha ni Shirron ang atensiyon nmin. Saktong pagdating niya ay kaharap na namin ag Hari at Reyna. "Alam niyo ba kung nasaan Si Generous?" Umiling ako sa naging tanong ni Tita Hera. Bakit? "Wala ang presensiya niya sa buong Aither, at sigurado akong wala siya dito. I can't feel her Presence." I gasped. No We all gAsped. Saan naman pupunta si Generous? "Did She Even Went here? Is there anyone who noticed her?" Tanong ni tIto Clyde sa Mga estudyanteng nasa ibaba. Karamihan ay sumagot ng hindi nila nakita. At umiling ang iba. "Ang Mabuti pa po ay Hanapin na natin siya." Sabat ko. "ROOMIE!" Malakas na sigaw ni Tita Hera, biglang Lumitaw sa Harap namin ang nakalutang na si Headmaster Roomie. Bilis ng Teleportation skill. "Queen. King." He said and Bowed as a Respect. "You called?" "Gather All the Students. Start the Class Immediateley. You're Incharge." Mabilis na tugon ni Tita Hera."Sasama sa akin Ang Elemental Users." "What's going on? Is there Something Wrong." Nagtatakang tanong ni Kuya Roomie. "The Princess Is Missing. We can't detect her Pressence. So We need you to Be incharge. Tell Everyone That Generous is Nowhere to be found. Move the Orientation again Tomorrow." Napapanganga nalang ako sa Mag-asawa. Ang Galing talaga nila Mamuno. Alam nila ang gagawin sa kahit anong sitwasyon. Kinikilabutan ako sa nakikita ko. Siguro kung si Mommy at Daddy yan, uunahin pa nilang mataranta kaysa sa Pagplano ng Gagawin. Pero sila hindi. Nag-iisip sila ng maayos sa kabila ng pagkawala ni Generous. Pero alam kong sobrang nag-aalala na si Tita dahil nanginginig ang kamay niya. "I'll help." Kontra ni Kuya Roomie, "No. Stay Here. Conduct a meeting with the Committee. If you can, Continue the Orientation then, do it. Ask Shannon for a Help. He knew what to do." Walang nagawa si Kuya ng Magdesisiyon na si Tita. What a Great rulers. They're Amazing. Ngayon ko lang nakita na Magbigay ng instruction ang Hari at Reyna ng Harapan. Mabilis sila mag-isip tulad ni Gen. "Move." Pagkasabi nun ng King ay Agad na nag bow si Headmaster at biglang nawala. Tinignan ko ang kapwa ko elemental Users. Lahat sila Tahimik at Halata ang pagkamangha sa mukha ni kieth at Andrea. "The Four of you." Dun ko lang nailipat ang tingin sa Reyna. "You're Coming With Us." Tumango ako. "Alright!! Adventure time." Excited na Pahayag ni Shirron. "This is not An Adventure Young Man." Napalunok ako sa Tono ng Reyna. Masiyado silang Seryoso. Napayuko si Shirron kaya Kinurot ko siya ng Palihim. Dumaing naman siya, wala kasi sa Timing sumegwey. The Situation is So Damn Serious kaya. "Young Firro, Accompany the Young Mirearth." Utos ng reyna. "And you Young Aquina, come with Young Windrox." Pagkasabi nun ng Hari ay Agad kaming nagsitanguan. Great. Si Shirron ang Magkasama at Kieth. And Andrea will be my Partner. Thank goodness. "Let's go." Haays,, iba talaga mag-alala ang isang ina. Mabilis mag-isip at Gumgawa agad ng Paraan. I think she's Great Mother. Hindi man siya mukhang Ina but Trust me, the way She Thinks? She is A Great Mother. Aalis na sana kaming Amin ng Biglang dumating ang Hinihingal na Si Zee and Arin. Zee Is Flying and Arin is flying with the carpet. "Sasama ako sa Paghahanap." Sabi ni zee. Seryoso siya. "Ako Rin po." Singit ni Arin. Nagtinginan ang Hari at Reyna. Para bang Their having a Conversation in their Minds. "Okay. You Work Together." Nag Apir ang Dalawa kaya napa-irap ako. Huh! Best buddy huh? Kahapon lang badtrip tong si Go kay Khan ah. Let see. Baka dumating ang araw na Kayo din ng mgiging magkaaway. Haayys, nevermind. Nagpasya na kaming umalis. Naghiwahiwalay kami. According to the asigned Pair ay Kanya kanya kaming Hanap Kay Generous. Para mas madalian kami ni Andrea ay Inilabas ko ang Air Falcon ko. Hindi pa siya Gaanong bihasa sa Pagpapalabas ng Mga Elemental Guardians niya dahil ito ang unang araw nila sa Tertiary. Hindi iyon naituro sa kanila sa Secondary eh. So back to the topic, Pumunta kami sa mga lugar na Pwedeng puntahan ni Generous. Halos magdadalawang oras na kaming naghahanap at nagtatanong tanong pero Walang Generous. Wala sa Revenhill o sa mga gubat. Mediyo napapagod na rin kami sa kakasakay at baba sa Air Falcon sa tuwing magtatanong kami. Hanggang mapadpad kami sa Wizard City. Lumapag kami Malapit sa Tindahan ng mga Spellbook and Wizardry Stuffs. "Do you think She's here?" Tanong ng silent type pretty kid na kasama ko. "Hmm. Not sure but Walang masama if mag ask tayo. Kaya Tara na." Hinawakan ko ang kamay niya at isinama siya sa loob. Naisip ko kasi na there is a posibility na She Went Here. Madalas kami dito pag weekends dahil nag-aaral siya ng mga spells and Hexes. Knowing her? She loves Reading books and the whole history of Genovia.Dun siya bumabawi. She Doesn't like her Power kaya Mas gusto niya mag aral ng hexes and Spells. Pagpasok na pagpasok palang ay Puro Agiw at Alikabok ang Sumlubong sa amin. Gosh, if my time ako I swear, I'll make this store more presentable. Puro agiw ang Ceiling at Puro alikabok ang Mga Libro dito. Isang Matandang Wizard ang Bantay dito. At hindi ko alam kung bakit gustong gusto ni Gen na tumatambay dito pag walang pasok. "Master Zong?" Tawag ko habang hinahawi ang mga naglalambiting Agiw. Masiyadong Tahimik ang Tindahan at Walang Kahit sino ang nasa loob. "Master!? Yooohhooo." "Anybody?" Tulad ko, nag echo lang din ang boses ni Andrea sa buong tindahan. Napansin ko ag isang pigurin ng Isang nakasalamin na Wizard. Hindi ito ganun kalaki. Nakapatong ito sa isang Lumang poste na hanggang bewang ang taas. Naka extend ang kamay nito at nakaturo sa north ang wand. Sa wand ay may lumalabas na kulay green na water. Huh? Parang ngayong ko lang to nakita dito? Wizard Fountain? Lalapitan sana namin ng Biglang may umubo sa Bandang likuran. At dun ay may Makapal na alikabok na nagmukhang usok dahil sa kapal at biglang lumitaw si Master Zong. Aba! Kahit ako mauubo sa alikabok na yan. "Ikaw Pala Air Princess. At.." napahinto siya at tumingin kay Andrea. "Water princess, tama ba?" Tumango si Andrea. "Kung ang ipinunta niyo dito ay ang paghahanap sa nawawalang Aither Princess, wala siya dito." Sabi niya at hinipan ang librong hawak niya. Naubo kami pareho ni Andrea. Putek! "Paano niyo ho nalaman na Hinahanap namin ang--" hindi niya ako pinatapos sa pagtatanong. "Nanggaling na dito ang Reyna." Napanganga kami ni Andrea. "Alam niya na rin kung saan hahanapin ang Prinsesa." "Saan po namin makikita ang Prinsesa?" Andrea aked. Matagal bago kami sinagot ni Master. Yumuko siya at pag-angat ng ulo niya ay biglang umilaw ang mga mata niya. "Sa lugar kung saan nagsimula ang lahat. Sa lugar kung saan Makikita ang kasagutan sa Katangungan wala pa ring kalinawan. Sa Lugar kung saan Matagal ng nAkatago ang Multo ng Nakalipas. " Pagkatapos ay bumalik sa dati ang kulay ng mata niya. "Paano ho nalaman ng Reyna.?" Naunahan pa ako magtanong ng batang AquinA. Tumalikod si Master Zong at pumunta sa offfice table niya. Pinagpagan niya ang ibabaw nito at isang tumpok na alikabok ang humalo sa hangin kaya agad kong hinawi. "Sa Fountain. Dahil diyan sa Fountain na yan." Napalingon kami ng sabay sa fountain. At saka mabilis na tumakbo. Pagdungaw na pagdungaw namin sa berdeng tubig. Pinakita nito ang Hinahanap namin. Kausap niya si Gandalf sa gubat. Alam ko ang gubat na ito. Ito Ang gubat na kumukonekta sa kabilang mundo. Pag-alis ni Gandalf ay umalis din si Generous, sunod na ipinakita ang pagpasok niya sa isang lagusan at ang huli ay ang pagiiba ng kanya kasuotan at pag iba ng timpla ng paligid. Napatakip ako ng bibig. "Mauna na po kami Master." Paalam ko at agad kong hinigit si Andrea palabas ng Tindahan. "Sakay. Bilis." Pagsakay na pagsakay namin ay kumaripas ng lipad ang Air Falcon ko. "Fvck! Hindi pwede to." I hissed Halatang kabado ang kasama ko. I understand how she feels. This is her first time na sumama sa ganitong on the spot na mission. Unplanned. To think na first day nila ni Kieth at sigurado akong kinakabahan na din ang isang yun. Pagbalik namin sa grounds ng Academy ay Nandun na Sina Arin at Zee. Pati Sina Loran at Orwen ay Narinig kong panay ang tanong. Paglapag namin ay pinaglaho ko ang Air Falcon at sa mismong oras ding yun ay Lumapag sa harap namin ang Napakalaking Fire Dragon. Nanlilisik ang Mata ng Queen ng bumaba siya. Sobrang kulay pilak ito. Hawak ng King ang Kamay niya at pinapakalma siya nito. Sunod na bumaba si Gandalf. Si Gandalf? "Huwaaahh.. Mahal na Reyna. Mahal na Reyna. Patawad po. Sorry po. Sasabihin ko na po sana. Kanina po. Sasabihin ko na dapat." Totoo ba itong nakikita ko? Umiiyak si Gandalf. "Bakit mo siya hinayaang Umalis? If something happened to her. I swear, you'll be thrown into Dwarf city Once and For All." Pati ako ay hindi makapagalita, hearing The Kings Angry voice gives me shiver. Nagpa-balik balik na lakad ang Queen. Hindi maPakLi at Pansin na sobrang nag-aalala siya. Ang Hari naman ay Kinakalma siya. Gosh, kanina lang ay sobrang kalmado niya. Pero ngayon nakakatakot na siya. Walang nagsasalita at walang may lakas ng loob na magtanong. Hanggang sa Dumating si Shirron at Kieth. Kieth was about to ask pero sinenyasan ko siya na Manahimik. Tumabi siya sa akin at Bumulong. "Balita?" "Nasa Mortal World si Gene--" "WHAT!?" Napatakip ako ng ears. At napatingin ako sa mga kasama ko. Patay! "Is there a Problem Young Firro?" Waahhh.. Nakakatakot na ang mag-asawang to. "W-wala po." Kung wala kami sa sitwasyon ganito baka humagalpak ako ng tawa. Dahil sa itsura ni Shirron. He looks like a idiot. Deym! Ang putla ng mukha. "Gandalf. Find the way how to bring her Back. Alam mong hindi ako pwedeng pumunta sa mundong yun lalo pa't hindi kami tumanda. Get my point?" Tumango yung maliit na nilalang. "As soon as possible. If you fail, you'll be punished." Napalunok ako ng laway. Ibang iba si Tita Hera. Generous! Umuwi ka na. Utang na loob. "Zee! Saan ka pupunta?" I glanced at Loran when She Shouted. And the next thing I knew at Mabilis na lumipad si Zee Palayo. "Pupuntahan ko siya!" What the heck!? Baliw ba siya? "He's Insane." I said at saka lumipad din para sundan siya. Pero humarang sa harap ko ang Hari na Nakalutang din. "Let him be." Napanganga ako. Wala na siyang ibang sinabi at Bumalik sa baba. I don't get the point. Mapapahamak si Zee doon. Normal people are cruel. Pagbaba ko ay Naka-alis na ang Mag-asawang Royalties. Kasama nila si Gandalf at sinalubong sila ni Headmaster Roomie. Marami na rin palang nanonood at nakikinig na estudyante sa amin. Bulung-bulungan na rin ang pagkawala ni Gen. Lalo na ang issue na ngayon lang nila nakitang ganun umasta ang Hari aT Reyna. Ako din. Ngayon ko lang sila nakitang ganyan. At mas pipiliin ko sa susunod na magtago nalang kaysa makita silang ganito. Sobrang nakakatakot. Maswerte si Gen. She has a Parents Like These two Noble King and Queen. Napatingin ako sa direksiyon na pinuntahan ni Zee. Sana lang mahanap niya si Generous. Sana, dahil hindi ko na kayang Humarap sa kanila. Mata palang ni Tita hera. Nakakatakot na. Tahimik kaming pito na umalis doon. Sabay sabay na kaming naglakad papunta sa Building namin. Bukod sa tahimik, lahat ay nag aalala. Ang ilan sa amin ay napapabuntong hininga pa. At isa na ako dun. First day palang, marami ng nangyari. "What if sumunod tayo sa Mortal--" sinamaan ko ng tingin si Loran. "Baliw ka na ba.?" I asked. "Hindi na papayag ang Committee." Tama, may point si Shirron dun. "Eh anong gagawin natin?" Tanong ni Kieth. "Plan. We need a concrete plan." "Tumatalino ka yata Arin." Puna ko. "Kasi nga, kapag mahal mo---" hindi ko na Pinatapos si Orwen. Lahat napatingin sa kanya. Bakit? Lagi nalang kasi siyang bumabanat ng tungkol sa Love. Napa hands up nalang siya dahil lahat kami ay sinamaan siya ng tingin. Habang Abala kami sa Pag-uusap usap habang naglalakad ay lahaT kami ay napatigil ng umalingawngaw ang boses ng Reyna mula sa Kabilang Building. Ang Lakas, at Sa sobrang laKas ay Yumanig ang Lupa. "Fvck! I can't take this anymore! We need A plan!." Sigaw ni Shirron. Sa palagay ko nga. Kailangan na. Pero biglang sumagi sa isip ko ang Makahulugang sinabi ni Master Zong kanina. "Sa lugar kung saan nagsimula ang lahat. Sa lugar kung saan Makikita ang kasagutan sa Katangungan wala pa ring kalinawan. Sa Lugar kung saan Matagal ng nAkatago ang Multo ng Nakalipas. " "Sagot sa tanong? Pinagmulan ng lahat? Multo ng Nakalipas?" Sabi ko sa sarili. Huminto sa pagyanig ang lupa. At lumapit sa akin si Andrea. "Narinig kita. Anong Nasa isip mo?" Tsismosang bata. "Bakit ikaw? Anong nasa isip mo?" I asked back. Ngumiti lang siya. Ngiting may ibang kahulugan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD