Legacy 3
GENEROUS'S POV
Isinara ko ang pinto ng Makalabas ng Kwarto ko Si Mommy at Daddy. Napapailing nalang ako sa Sweetness nila. Pagkatapos akong bigyan ng gamot ni Gandalf at ilang Healers ay naglaan ng Oras si Mom at Dad para magkakwentuhan kami. Para kahit papano ay matabunan ang nangyaring gulo kanina sa Academy.
Haayy., Buti Pa sila Immortal. Magkasama habang buhay, paano kaya ako ? Pag tumanda ako Sila mukha paring bata. Ang Daya naman kasi eh.
Nalulungkot ako sa tuwing sumasagi sa isip ko ang bagay na yan. Yung Bang Ako ay Tatanda tapos sila Hindi. Tapos Yung mga magiging apo nila sa tuhod at talamapakan mamatay na sila hindi parin. See? Ang Unfair dibá? Pero anong magagawa ko? Yun ang Kapalaran namin eh.
Idagdag pa ang kondisiyon ko na hindi maintindihan. Pinili ko nalang tanggapin kaysa isipin ang mga maaring mangyari.
Naglakad ako palapit sa Veranda. Hinila ko ang Sliding door. At Isinara ko rin ng makalabas ako ng Tuluyan. Itinali ko ang buhok ko at Binuhat ko ang Laylayan ng damit ko. Isa sa mga ayoko sa pagiging prinsesa ang ganito. Laging mahaba ang Suot kapag nasa kaharian. Inayos ko ang Gloves. Siniguro na Hindi siya matatanggal. Binigyan ako ng gamot ni Gandalf. Base sa narinig ko ay Maaring akong magtanggal ng gloves hanggat may bisa pa ang gamot. Isang linggo. Sa loob ng isang linggo ay maari kong tanggalin ang Gloves na ito?
Pinagmasdan ko ang Gloves na suot ko at dahan dahan kong tinanggal ang nasa kaliwa. Bahala na. Kailangan kong subukan. Kaya walang pagadadalawang isip na hinawakan ko ang paso na nakapatong sa terrace. Napapikit ako at hinintay na maging abo ito pero laking gulat ko ng hindi ito nalusaw.
Napangiti ako at mabilis na tinanggal ang nasa kanan. Malaya kong nahahawakan ang mga bagay na hindi ito nalulusaw.
Nilingon ko ulit ang loob ng kwarto ko. Saglit lang ako kaya siguro naman hindi ako hahanapin ni Mom and Dad. Huminga ako ng Malalim at Saka Lumipad pataas.
"Bakit parang ang bigat ng Laylayan ng Damit ko?" Sabi ko sa sarili ko. Nagkibit balikat nalang ako at Pumunta sa Gubat kung saan naroon ang lagusan. Ibinulsa ko ang Gloves.
Mediyo malayo na ito sa Palasyo. Ang sabi sa akin ni Mom, dati raw ay Malapit lang ito. Pero noong matapos ang ikapitong digmaan ay Nabago ang lokasyon nito. Kaya ayan! Mediyo malayo ang nilipad ko.
Paglapag na paglapag ng mga paa ko sa Damuhan ay Napangiti ako. Sa wakas nandito na naman ako. Konting tyaga lang Talaga at makikita ko nanaman siya. Siguradong hahanapin ako ni Zee. Bahala na. Basta gusto ko lang maging pasaway bago ako tuluyang manirahan sa Academy. At sa tantiya ko ay makakabalik ako bago mag umaga
Agad akong tumakbo palapit sa lagusan. Kinakabahan na naman ako. Ewan ko ba kung bakit pero lagi akong Excited kapag pupunta ako dun. Hahakbang na sana ako para pumasok sa portal-
"San ka Pupunta Mahal na Prinsesa? Ha? Saan ka pupunta Mahal na Prinsesa?" Napatalon ako sa gulat ng marinig ko ang matinis na boses ni Gandalf. Ang kulit niya talaga. Isa din siya sa dahilan kung bakit madalas uminit ang ulo ko. Siguro nga , totoong mana ako kay dad. Mabilis uminit ulo niya sa kakulitan ng isang io.
"A-Ahm., " Napakamot ako. Lagot na! Ang daldal pa naman nito.
"Waahh!! Aalis ka? Aalis ka? Lalayas ka na ba mahal na Prinsesa? Lalayas ka na ba mahal na Prinsesa?" Napahilamos ako sa mukha gamit ang palad ko. Lalayas? Anong lalayas? "Kung iniisip mo na pabigat ka, naku naku, hindi po. Hindi po talaga."
"Ano bang sinasabi mo Gandalf? Hindi ako lalayas. Mamamasyal lang ako." Palusot ko. Lumuhod ako para mas maging malapit sa kanya. Nakakangalay yumuko ano! Ang liit kasi niya.
"Eh Bakit diyan? Bakit Diyan? Eh Mahal na Prinsesa, portal po yan. Portal po. Papunta sa Mortal World, Papunta po yan sa Mortal World." Wooohhh! Ang Kulit!! Kung itali ko nalang kaya ito dito sa may puno tapos lagyan ko ng spell para hindi magsumbong? O kaya tanggalan ko ng boses. Kaso malalagot ako kay Daddy pag ginawa ko yun. Inhale exhale. Napa Face-palm nalang ako.
"Mamasyal lang nga ako. Dito lang ako. Hindi ako papasok diyan. Kilala mo naman si Dad diba? He doesn't want me to visit that world." paliwanag ko sa kanya. "Kaya bumalik ka na dun. Babalik na din ako. And, that's an Order," Sabi ko.
Napayuko siya at napakamot sa Ulo.
"Okay ka na ba? Okay ka na? Di ba po sabi ng Reyna magpahinga ka? Sabi niya, kailangan mo ng pahinga." Binaliktad lang ang mga sinasabi pero iisa parin ang ibig sabihin.
"Huwag makulit gandalf. Please." Sabi ko at nagpipigil na mainis. Nanlaki ang mata niya at natakot. Pansin ko na natakot siya. Alam naman niya ang sitwasyon ko eh. Baka nakita niya ang pagtingkad ng mata ko. Natakot ko pa yata.
"Haist! Madaya ka naman Mahala na Prinsesa. Madaya! Hmmp!" Tapos nag walk out na siya.
Huh? Wow nag-inarte. Attitude tong bubwit na to.
Sinundan ko siya ng tingin at Saka ako bumalik sa harap ng Portal ng masiguro kong Wala na siya, Kaya naman pala Ang bigat ng Gown ko kanina eh.
Pupunta ako ng Mortal World, gusto ko lang naman Makita yung Lalaking yun eh. Bukas Ay Pupunta na ako sa Academy dahil may pasok na ulit. Bago man lang sana ako Mamalagi sa Academy ay Makikila ko yung Lalaking yun. Kahit pangalan niya lang.
*FLASHBACK* (10 years ago)
Nakasakay ako sa isang Pegasus na kulay puti at ganun din si Mom and Dad. Nasa iisang Pegasus sila at ako sa isa pa. Halos magkapantay lang kami ng lipad. Hindi nila sinabi kung saan kami pupunta basta isinama nila ako.
"Do you think may mahahanap tayong sagot doon?" Dinig kong tanong ni Mom. Obviously, she's talking to Daddy.
"Hindi natin malalaman ang sagot kung hindi ntin susubukan. Matagal na nating naikot ang buong Genovia sa paghahanap ng sagot. Maybe sa Mortal World ay may makuha tayo." Nanlaki ang mata ko sa narinig kong sabi ni Dad.
"Pupunta tayo sa Mortal World?" I asked.
Nagkatinginan sila. Ten years old lang ako pero alam ko na kung ano ang nangyayari sa paligid ko. I know I was Cursed, I know I'm the heiress of Aether. And I know that I destroy things. What I do not know is, Why they keep on telling me The opposite? I mean, ginagawa nila akong bata. Hindi nila sinasabi ng straight to the point ang kondisyon ko.
Basta sabi lang nila--
"Princess don't remove your gLoves."
"Just trust Daddy and Mommy okay?"
Puro ganyan lang. Pero hindi ko nalang pinansin. Basta sabi ni Dad magtiwala ako sa kanila, kaya magtitiwala ako.
Hindi nila sinagot ang tanong ko hanggang sa makarating kami sa isang gubat. Binuhat ako ni Dad para makababa sa Pegasus. Tahimik na pinag-arAlan ko ang buong lugar. Maraming Puno na malalaki at mga lumilipad na creatures. Pero sigurado akong hindi ito ang Magical Forest. Magical forest is more beautiful anD huge, unlike this one.
"Bilisan na natin." Mom Said. Kaya nalipat ang tingin ko sa kanya.
Hinawakan nila ako ni Dad sa magkabilang kamay. They both stared at me kaya nagpalipat lipat ang tingin ko sa kanila. Napakunot noo ako. I don't Get their point. I can't read their thoughts. And I hate it because I know They're reading mine.
Mom bend down para maging magkapantay kami.
"Listen Princess," she started. Nakinig naman ako kasi sabi niya makinig ako. "Pupunta tayo sa Mortal World. May hinahanap kami ng Dad mo. Tayo. May hinahanap tayo And I want you to behave. Don't talk to strangers and stay close with us. That World is Much differ from ours." Sunod sunod na tango ang ginawa ko.
"Hindi tayo magtatagal dun. Just stay close with Daddy. Okay?" I nodded when Dad tapped my Shoulders. "Let's go."
I feel nervous and curious but the half of me feels excited. My heart is beating so Fast. I don't know why but I'm pretty sure It' s new. Hindi ganito ang kaba ko noong unang beses na humawak ako ng Bow and arrow. Hindi ganito ang kaba ko noong unang araw ko sa Primary. At hindi ganito ang kaba ko noong unang beses na malaman ko ang tunay na sitwasyon ko.
I ignored the feeling until we reach the Portal behind the huge tree. Mas dumoble ang kaba ko. Hinigpitan ko ang hawak kay Mom and Dad. hanggang sa makapasok kami sa Portal. Napapikit ako sandali at pagdilat ng mga mata ko ay nasa gubat parin ako, pero ibang gubat na. Parang lumiit ang mga puno at d**o? Parang hindi ganun kaliwanag? Mediyo madilim at masiyadong maliit.
"I miss this world." Sabi ni mom. She miss this world?
"Why Mommy? You've been here?" I asked.
"Sort of," she answered.
"She grew up Here." Dad said and patted my head.
I gasped. For real?
Gusto ko pa sana magtanong pero bigla nalang nag-chant ng spell si Mom. Sa isang iglap ay biglang nagbago ang suot ni Mom at Dad. Pag tingin ko sa suot ko ay Ganun din. Far different from the clothes we're wearing a couple of minutes ago.
Ganito ba Manamit ang mga tao dito? Strange.
Isa lang ang hindi nagbago sa suot ko. Yung Gloves. I released a deep breath. These Gloves sucks.
Nagsimula kaming maglakad palabas ng Gubat. Hindi ko alam kung saan kami pupunta basta alam kong safe ako dahil kasama ko ang Mommy't Daddy. Paglabas na paglabas namin ng gubat ay isang mahabang kalsada ang bumungd sa amin. Sa kabilang banda ay kakahuyan pa rin.
"Nawawala ho ba kayo? O naligaw?" bahagya akong nagulat nga may magsalita sa likuran namin. Biglang Bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa takot.
Isang matandang lalaki na may sumbrero at may dalang mga kahoy sa balikat ang Nagtanong. Hinigpitan ko ang hawak sa kamay ni Daddy. At itinago ko sa likuran ko ang isa kong kamay. What if malaman niya na hindi kami taga dito? Baka kung anong gawin niya sa amin. Lalo pa at may dala siyang patalim sa gilid ng bewang niya. (Itak po) bawal gumamit ng ability.
Lumapit si Mom sa Old man.
"Mukha naman po kayong mayayaman, kaya sigurado akong nawawala kayo." The old man said and put down the logs on the ground.
"Ah Oho. Magtatanong lang po sana kami, saan ho dito may pwedeng masakyan papuntang Metro Manila." Sabi ni Mom.
"Naku Ineng. Madalang na may dumaang Sasakyan sa Highway na ito. Ang mabuti pa'y Lakarin niyo ang kahabaan ng Highway na ito. Mga tatlong kilometro ang Layo sa Bayan. Pagdating niyo sa bayan, sigurado maraming Sasakyan doon na Byaheng Maynila." Mahabang paliwanag ng Old man.
"Ganun ho ba? Naku baka ho Mapagod ang Anak namin. Wala ho bang ibang Paraan?" Tanong ulit ni Mom. Habang nakikipagusap si Mom sa matandang lalaki ay Lumuhod naman si Dad sa Harap ko.
Napatingin sa aming dalawa ni Daddy ang Matanda. Nalipat ang Tingin ko kay Dad ng senyasan niya akong sumakay sa likod niya. Tahimik na sinunod ko si Dad.
" wala ineng, Sandali, Anak niyo ang batang yan?" Hindi makapaniwalang tanong ng Matandang Lalaki.
"Oho. Bakit ho?" Takhang tanong ni Mom kaya mas lumapit pa kami ni Dad sa kanilang Dalawa,
"Wala naman Ineng, Sige Mauuna na ako." Sabi nito at saka binuhat ang mga kahoy na dala-dala niya kanina lang.
"Maraming Salamat ho." Sagot ni Dad at mabilis na kinuha ang kamay ni Mom at Saka tumalikod "tara na bilis." Bulong ni Dad.
"Sandali." Napahinto si Mom at Dad sa paglalakad ng mabilis at nilingon namin ng sabay ang matanda. "Ingatan niyo ang Bata." Tumayo ang balahibo ko sa braso at mukha. Hindi ko man lubos na maintindihan ang sinabi niya ay kusa nalang na bigla akong kinilabutan.
Mabilis na umalis ang Matanda. Nagkatinginan si Mom at Dad.
"Daddy, I don't like that Old Man. He's Creepy." Bulong ko kay Daddy.
"Me too, Princess." Sabi ni Dad
Nakasakay ako sa likod ni Dad habang naglalakad kami sa napakahabang kalsada. Sa mga Gilid at puro kakahuyan. Wala man lang kahit isang bahay sa lugar na ito.
Hanggang sa nakaulog na ako sa likod ni Dad. Paggising ko ay naglalakad parin kami.
"Malayo pa po ba tayo?" I asked and yawn.
"Malapit na Princess. Pagod ka na ba?" Tanong ni Mommy.
"I should be the one asking you. Nakapasan kaya ako kay Daddy kaya Hindi ako pagod." Ginulo ni Mom ang buhok ko dahil sa naging sagot ko.
Sobrang dami ng tao at maingay na paligid ang nakakuha ng Atensiyon ko. Sa tingin ko ay ito na ang bayan. Ibang iba talaga sa Genovia. Pero tulad sa amin ay palangiti din ang mga tao. Habang abala si Mom sa Pagtatanong sa ibang tao ay Abala ako sa Paglibot ng paningin ko sa buong lugar. Lumapit si Dad sa isang mahabang upuan at ibinaba ako doon. Ang daming malalaking sasakyan ang nasa paligid ang mga taong nag-uusap usap. May mga tunog ng perang pilak at may mga berdeng halaman ang nakalatag sa isang mesa. Mga pagkain? (Gulay=__=)
"Dad, what kind of world is this?" I asked. Tumabi siya sa akin sa upuan habang pareho kaming nakatingin kay mommy na may kinakausap.
"This is world where Mommy had a very Sad life. People she love lied to her. Her friends left her behind and treated her like nothing." He said and faced me. I can sense the eagerness to kill. I saw how he clenched his fist. I'm only ten years old but I've learned too much. Alam ko na galit si Dad. I wonder what happened to mom years ago.
"Pero alam mo ba, marami ding magagandang memories dito?" Biglang nag-switch ang mood ni Daddy. He's smiling now. Even his eyes were smiling.
"Dito kasi, madalas na dinadalaw ko si Mommy mo. Kapag wala siyang maalala, kuntento na ako sa pag sunod sa kanya." Natawa si Dad. Napakunot noo ako. Kinikilig ba siya? Isn't he old enough para kiligin?
Napangiti ako dahil sa ngiti ni Dad.
Pero nawala ang ngiti ko ng biglang madapa sa harap namin ang isang batang lalaki na sa tingin ko ay nagmamadali at dahilan para matisod siya ng paa ko at madapa sa harap namain.
Agad siyang tumayo at nagpagpag ng Tuhod at damit. Hindi ba siya nasaktan? Parang wala lang nangyari.
"You okay kid?" Tanong ni Dad at tinulungan siya magpagpag ng damit niya.
"Yeah I'm Fine. Sorry." He said..
Tinignan ko siya. Mukhang magkasing edad lang kami. He has this gray Eyes and gray hair and a bit of red. Napahawak ako sa dibdib ko. Ang Lakas ng Kabog kaya agad kong inilipat ang atensiyon kay Dad na tulala sa mukha ng batang lalaki.
"Dad?" I called but he didn't respond. "Daddy?"
"Young Master!! Young Master!!" Napalingon ako sa sumigaw sa bandang likuran. May mga tumatakbong lalaki na pare-pareho ang suot.
"I have to go." At naibalik ko ang tingin sa batang lalaki. Walang pasabi na kumaripas siya ng takbo at ang dami niyang nabanggang tao.
Kaya ba siya tumatakbo dahil hinahabol siya ng mga ito?
I shrug my shoulders and ignored the boy. Hinarap ko si Dad at halos mapasinghap ako ng makita ko kung gaano katingkad ang mata niya. Sobrang pula.
Hindi lang yun. Frozen siya. Not literally, but he don't move kahit pa niyugyog ko na ang balikat niya.
"MOMMY! MOMMY!" I shouted. Natataranta ako. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya palit ulit kong tinawag si mom. Una, hindi niya ako marinig pero I tried my best na tawagin siya sa isip ko. Paglingon niya sa pwesto namin ni dad ay agad siyang tumakbo palapit.
"Faciénta ĺiquida." Bulong ni Mom ng makalapit siya sa amin. Sa isang iglap lang biglang napahinga ng malalim si Dad. "What happened?" Tanong ni mom at ikinumpas ng palihim ang kamay. Mediyo humangin sa pwesto namin dahil dun.
"Yung batang lalaki. May iba sa kanya." Sabi ni Dad.
Tumayo agad si dad at Hinawakan ako.
"Batang lalaki?" Takhang tanong ni Mommy.
"Yes mommy. The Guys in Back were chasing him." I said.
"Mukhang hindi na natin kailangan lumayo pa. Where did he go?" Sabi Mom. Ha!? Anong kailangan nila sa Batang yun?
"This way." Sabi ko at tumakbo papunta sa pinuntahan nung Bata. Hindi ko alam kung bakit pero kusang dinala ako ng mga paa ko sa direksiyong pinuntahan nito kanina. Nabitawan ko si Dad at nauna ng Tumakbo.
"GENEROUS!!" Sigaw nilang pareho pero hindi ko pinansin. Sa palagay ko ay may kailangan si Mom and Dad sa Bata kaya't tumatak sa isip ko na kailangan ko siyang mahanap.
Narating ko ang isang Malaking Gate na halatang luma na. Sa taas ay may naka engrave na "San Martin Orphanage" Sinilip ko ang Loob, Napakaraming Bata ang Naglalaro at may tatlong babae na naka-Gray na kasuotan. May talukbong ang ulo nila at tanging mukha lang ang hindi natatakpan ng tela. (Nasa ampunan siya napadpad. May bata at madre) Naka awang ng kaunti ang Gate kaya nagpasya akong pumasok nalang. Itutulak ko na sana ang Gate when Two warm hands Grab mine. Napatingala ako sa dalawang taong Humawak sa kamay ko.
"I told you to stay close to me." Napayuko ako sa tono ng pananalita ni Dad.
"Hindi ko na alam ang gagawin ko kung pati ikaw Mawala." Sabi ni Mom at niyakap ako.
"Sorry." I said. Narinig ko ang buntong hininga ni Dad.
"Just,,, just don't do it again." Tumango ako. Ginulo niya ang buhok ko kaya ngumuso nalang ako.
"Excuse me." Napaayos ng tayo si Mom and Dad ng biglang my magsalita sa likuran namin. Isang Old Lady na naka mahabang suot. She's smiling. "Anong sadya nila!?"
I heard mom cleared her throat.
"May hinahanap po kaming Bata." ngumiti ang babae.
"Mag-aampon ba kayo?" Tanong nung babae.
"Ahh, hindi p-"
"Tuloy muna kayo." Hindi niya pinatapos ang sinasabi ni Mom at binuksan ng malaki ang gate. Sumenyas si Dad kay mom kaya pumaSok siya sa loob. Sumunod kami ni Dad. "Ako nga Pala si Sister Mae. Matagal na ako dito sa San Martin, At dito sa Ampunan ngunit ngayon lang ako nakatagpo ng tulad niyong nais mag-ampon. Hindi ba't parang ang Bata niyo pa." Nauuna sa paglalakad ang babae.
"Thirty three na po kami ng Asawa ko Sister. Sampung taon narin ho ang anak namin." Mediyo natatawang paliwanag ni Mom.
"Ganun ba? Hindi halata sa itsura Mrs.-"
"Dominguez po. Mr. And Mrs. Dominguez." Putol ni Dad dun sa Matandang babae.
"Ahh Mr. And Mrs. Dominguez. Dito tayo." She lead the way. Maya-maya pa ay nakalapit na kami sa Mga Batang naglalaro. May mas maliliit pa kaysa sa akin.
"Maari po ba naming Lapitan ang mga Bata!?" Tanong ni Mom. Ngumiti Si Sister Mae.
Kaya nilapitan namin ang mga bata. Bintawan ako ni Dad. Sabi ko kasi makikipaglaro lang ako. Pumayag naman siya. Pero nang makalapit ako sa bang bata ay walang pumapansin sa akin. Ang iba ay nakatingin lang . Inikot ko ng paningin ang buong lugar. Sa bandang kaliwa ay may mga halaman at doon ay may grupo ng nagkukumpulan na mga batang lalaki.
Lumapit ako ng kaunti dahil parang pamilyar ang isa sa Kanila. Nanlaki ang Mata ko ng makumpirmang siya nga. Yung batang lalaki na may pula ang buhok. Nakangiti siyang nakikipag laro sa ibang bata ng biglang dumako ang tingin niya sa akin at kay daddy na busy sa pakikipag usap sa mga bata. Nanlaki ang Mata niya at biglang kumaripas ng Takbo papunta sa likod ng malaking Bahay.
"Wait!" I said at saka tumakbo rin ako sa direksiyon na pinuntahan niya.
Pagdating ko sa likod ng Bahay ay wala naman siya. Puro damuhan at mga halaman ang naroon. May mga puno rin sa dulo. Naramdaman ko na may palapit mula sa likod ko kaya agad akong humarap. Kaharap ko na ngayon ang Batang lalaki.
"Sino ka!? Bakit mo ako sinusundan? " tanong niya.
"Eh ikaw? Bakit ka hinahabol nung mga lalaking naka-itim?" Balik na tanong ko.
"Mga Body Guards ko sila. Tumakas ako kaya Nila ko hinahabol. Dito muna ako sa ampunan para hindi nila ako mahanap." Sabi niya at naglakad papunta sa dulo kung saan may puno. Ang tahimik ng lugar at sariwa ang hangin.
"Mahahanap ka nila dito." I said and followed him. Umupo siya sa ilalim ng puno kaya umupo din ako.
"Paano mo nasabi?" Tanong niya. Nagkibit balikat ako. Ewan ko. Pero pakiramdam ko mahahanap siya ng mga yun dito.
"Paano mo nagawa yun?" I asked. He looked at me.
"Alin?" He asked.
"Did you hypnotized my Dad earlier?" Tanong ko ulit. Pero kumunot ang noo niya at maya maya pa ay tumawa siya ng Malakas. As in malakas
"Hypnotize? HAHAHAHA...Sorry.. pfft. HAHA." Napangiwi ako dahil sa lakas ng tawa niya. What is wrong with this kid?
Napansin niya siguro na seryoso ako at naririndi sa Boses niya. Kaya tumigil siya sa pagtawa
"Are you serious? Sorry pero hindi ko alam ang sinasabi mo." He said.
"Pero--"
"Hindi ko talaga alam bata." Sabi pa niya. "Ano nga palang pangalan mo?"
"I'm Generous." Sabi ko at in-extend ko ang kamay ko para makipag-shakehands. Pero tinignan niya lang yun at tumingin ulit sa mukha ko. Tapos maya-maya pa ay tumawa ulit siya. Baliw ba siya?
" Bata, wala akong Paki-alam kung Generous ka. Ang tinatanong ko kung anong pangalan mo." Sabi pa niya at nagpigil ng tawa.
Ganito ba talaga ang mga taga rito? Palatawa pero alaM ko na may iba sa tawa niya. Pinagtatawanan niya ako. Bakit? Is he insane?
"Generous. Generous ang pangalan ko." Inirapan ko siya at binawi ko nalang ang kamay ko na nakalahad.
"Mayaman ka din? Why are you wearing those Gloves? May lahi ka ba? Siguro utos ng mommy mo ano? Hay, alam mo ako naiinis ako sa mommy ko. Daming bawal." Sabi niya at binunot yung d**o sa may paanan niya. Madaldal siya. Para siyang si Zee. Sa harap ko lang kasi yun nagiging madaldal.
"Naiinis ka? Eh gusto lang niya ay maging ligtas ka. Kaya may body guards ka. " Hindi ko alam kung bakit ko nasabi iyon. Basta kusang lumabas nalang sa bibig ko.
"Haay, kahit ipaliwanag ko sayo. Hindi mo maiintindihan. Diyan ka na." Tumayo siya at nag-ina ng likod. "Baka hinahanap na ako ng mommy ko." Tapos nagakad na siya Palayo.
"Teka!" Lumingon siya sa akin ng nakangiti. "Anong pangalan mo Kuya?"
"Next time! Pag nagkita tayo ulit. Generous." Sabi lang niya. NApakamot ako. Huh? Bakit next time pa? Eh hindi na nga siguro ako makakapunta dito.
Tumayo na rin ako ng mawala siya paningin ko. Ang weird niya pero mukha naman siyang mabait. Napatingin ako sa kamay ko. Buti hindi niya ako kinulit tungkol sa Gloves ko.
I sighed. Eh kung tanggalin ko kaya ito? Bahala na. Hinugot ko ang gloves.
"Kahit dito ba gagana ang kapangyarihan ng isang Genovian?" I asked myself. Dahan dahan kong inilapit ang kamay ko sa puno at ng mahawakan ko ito ay wala pang isang segundo at nalusaw ito.
Haaayyy. Mukhang wala na ngang pag-asa. Kaya isinuot kong muli ang Gloves at nagpasyang bumalik na. Pagbalik ko ay nandoon sina Mom and Dad na kausap yung Sister Mae. Alam kong naramdaman nila ang presence ko kaya sabay silang napalingon sa akin.
Nakita kong nakipag shake hands sila sa Babae at naglakad palapit sa akin.
"Uuwi na tayo." Mom said.
"What?" I asked surprisingly.
"Wala ang hinahanap natin dito. Next time babalik tayo dito. Pero kailangan nating umuwi. Nakagawa na ng lunas si Gandalf." Mom explained. Pero ang bilis naman. Hindi ba pwede mag stay dito?
"Hurry." Dad said.
Agad kming lumabas ng gate at kumaliwa. Pero nahagip ng paningin ko yung bata na nakatingin sa akin. He smiled and wave his right hand. I smiled back.
See you, next time. I said in my mind.
*END OF FLASHBACK*
Noong mga panahong yun na nakaimbento ng gamot si Gandalf ay di na ulit kami naghanap ng Lunas. Nakuntento na ako na may kwintas akong tumutulong na kontrolin ko ang kapangyarihan ko. Pero hindi ko talaga siya makontrol sa tuwing iinit ang ulo ko. Pero ngayon, hindi ko din alam kung bakit biglang sumagi sa isip ko na hanapin ang batang yun. Makikilala niya pa kaya ako? Bahala na.
Lumapit ako sa Portal. Breath in. Breath out. Mom and Dad, please forgive me.
Napapikit ako ng biglang hilahin ako ng portal papasok doon. Mediyo umiikot pa ang paningin ko pero Idinilat ko ng maayos ang mata ko., narito na ako ngayon sa gubat ng Mortal. Tulad ng dati maliit ang puno't halaman dito kumpara sa mundo namin. Ang d**o doon ay sinlaki ng puno nila dito pero I find it cute naman.
Agad akong Nagpalit ng damit gamit ang spell na narinig ko noon kay mommy.. Simple white dress and White shoes. Kinapa ko rin ang tiara ko sa ulo. Wala na din. Ibig sabihin mukhang tao na ako. Buti nalang at alam ko kung paano gawin ang mga bagay na to. Thanks to Moms spell book.
Tinignan ko ang daang nasa harap ko. Eto na. Promise babalik agad ako. Gusto ko lang makilala ang Lalaking yun, yung lalaking nakakuha sa Atensiyon ko ng minsan ay napadpad ako sa mundong ito. Aalamin ko lang ang pangalan niya at babalik agad ako.
Hindi ko din alam kung makilala ko pa siya. After 10 years. Ha ! Pero sige susubukan ko parin. Basta ang tangin palatndaan ko ay ang grayish hair niya na may pula. At ang mata niyang gray. Isang malaking kalokohan ang naiisip ko pero sabi ng puso ko ay dapat kong gawin ito.
Nagsimula na akong paglakad. Hhmmm. Paano ba lumabas sa gubat na ito?