Patuloy ang pag-iyak ko nang makalabas ako, wala na nga sa akin kung mabasa man ako ng malakas na ulan. Kasabay pa nito ay ang walang humpay na pagkidlat mula sa kalangitan. Hindi ko alam kung saan ang patutunguhan ko, takbo lang ako nang takbo sa kawalan. Kung saan man ako dalhin ng mga paa ko ay bahala na, basta ay makalayo lang ako sa lugar na iyon. Ewan ko, ano nga ba itong pinasok ko? Simula't sapul ay mali naman talaga, na umasa ako kay Mirko, pero sinubukan ko pa rin. Nagbakasakali ako na baka pwede naman tanggapin ng lipunan, na pwede ring magsama ang isang mahirap at isang mayaman. Masyado akong nagpatianod sa bugso ng damdamin ko, sa labis na pagmamahal ko kay Mirko, na sana ay una pa lang, pinigilan ko na ang sarili. Dahil kagaya nga ng sabi ni Madame Sylvia, hindi kami bagay

