Kinabukasan nang magising ako dahil sa masakit na katawan, mabigat ang mga talukap ko na para bang hindi naging sapat ang tulog ko kagabi. Kung sabagay ay alas tres na ako nakatulog. Masyado akong nababagabag ng pagmamahal ko kay Mirko, iyong tipong gusto ko itong balikan sa amin at yakapin pero salamat na lang dahil malaki ang pagpipigil ko sa sarili. Bumuntong hininga ako, kapagkuwan ay umahon na rin sa pagkakahiga ko mula sa kamang iyon. Gaano man kalambot ang kama ay ganoon naman kabigat ang katawan ko na para bang may nakadagan sa akin. Siguro nga ay dala lang ito ng ulan kagabi, hindi rin malabo na baka magkasipon at trangkaso ako. Nang makatayo ay deretso akong nagtungo sa banyo upang ayusin ang sarili. Mabuti nga at kumpleto ang kagamitan dito sa unit, kahit papaano ay may suot

