Chapter 27

1754 Words

"Saan ka galing, Ate?" bungad ni Benedict nang makapasok ako sa kwarto ni Inay. "Nagbanyo lang." Animo'y lutang na naglakad ako palapit sa mahabang sofa at doon ay pabagsak akong naupo. Sandali ko pang ipinikit ang dalawang mata upang makapagpahinga. Magpahinga sa samu't-saring emosyong lumulukob sa puso at katauhan ko. Napahinga ako nang malalim, hindi pa nagtagal nang makatulog ako sa mismong kinauupuan ko. Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog doon, para akong puyat na puyat dahil sa totoo lang ay hindi naman talaga ako nakatulog nang maayos kagabi. Sa kadahilanang nabitin ako ay hindi na ako dinalaw ng antok sa kagagawan ni Mirko kagabi, na kahit anong pilit kong matulog ay wala pa rin hanggang sa umagahin ako. Kaya kaninang makaalis siya bandang alas singko ay doon lang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD