Nang makalabas sina Benedict at Bryan ay siya namang dating ni Aling Elda na may ilan pang buhat na plastik, hindi lang pala ito namalengke at nag-grocery na rin para sa isang buong linggo nila. "Saan ang punta niyo?" aniya nang makita kami. "Sa hospital, Aling Elda. Bisitahin lang namin si Inay," pahayag ko dahilan para maagap itong tumango. "Ganoon ba? Oh siya, mag-ingat kayo sa daan." Ginulo pa nito ang buhok ng dalawa at tuluyan na ring pumasok sa loob. "Bye, Aling Elda." Nauna na sa paglalakad sina Benedict at Bryan, magkaakbay pa ang dalawa habang kami ni Mirko ay naroon lang sa likuran at tahimik silang sinusundan. Hawak ni Mirko ang magkabilaang balikat ko mula sa likod. Makipot lang kasi ang daan kaya hindi niya ako magawang masabayan sa paglalakad lalo at ang laki ng katawa

