Chapter 24

1741 Words

"Tatlo pa, Manong," sabi ko at kusa na ring kumuha ng tatlong isaw. Mabilis lang kasi na naubos iyong limang stick ng betamax na siyang hawak-hawak ko lang kanina. Samantala ay maang lang na pinapanood ako ni Mirko. Naroon siya sa tabi ko, pauwi na sana kami ngunit nakita ko itong vendor na nagtitinda ng barbeque at iba pang tusok-tusok kaya heto at sandali ko siyang inanyaya. Tutal ay date naman daw namin ito kaya lubusin ko na. Nakaukit pa sa kaniyang labi ang isang masayang ngiti habang panay nguya rin sa kinakain niyang barbeque. "Sarap ko ba?" untag ko, kalaunan nang matawa at mailing. "Masarap ba 'yan?" "Oo, sobrang sarap." Saka naman nito dinilaan ang labi niyang may kaunti pang sauce. "Wew? Tikim," sambit ko at kaagad na tumingkayad upang matikman ang labi niya. "Hmm, sarap."

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD