Chapter 23

1760 Words

Puno ng kakiligan ang puso ko sa mga oras na 'yon kaya wala na akong naging imik. Mag-isa ko ngayong pinapatahimik ang nagwawala kong puso. Sana naman ay may heart insurance si Mirko para kung sakaling atakihin man ako sa puso ay sagot niya lahat ng gagastusin ko sa Hospital, tutal ay kasalanan naman niya ito. Lihim akong napabuntong hininga at masuyo na lamang ipinikit ang dalawang mata habang ninanamnam ang lamig ng simoy ng hangin para sa hapon na iyon. Mas humigpit pa ang pagkakayapos ko sa baywang ni Mirko nang lumiko ang motor pakanan. Kung saan kami papunta ay hindi ko alam, hinayaan ko na lang siya kung saan ako nito balak dalhin. Wala na akong naging pakialam sa paligid, patago ko rin kasing dinadama ang matigas na dibdib ni Mirko na siyang abot palad ko ngayon kahit may suot

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD