Chapter 6

1767 Words
Akalain mo nga't mabuti pa rin ang Diyos at maawain iyong pulis kaya pinalabas ako? Pagak akong natawa sa kawalan saka pa sinipa iyong bato na nakaharang sa dinaraanan ko. Kalaunan nang mapatigil ako sa paglalakad nang mapansin ulit ang isang motor na nakasunod sa akin simula nang lumabas ako sa prisinto na iyon. Marahas akong napahinga nang malalim bago bumagsak ang balikat. Siya namang inis na nilingon ko ito at saktong hinto rin ng motor na iyon sa gilid ko. "Ano pa bang kailangan mo? Kaya kong umuwi nang mag-isa! Hindi mo na ako kailangan sundan!" singhal ko sa lalaki, kulang na lang ay pumutok ang mga ugat sa leeg ko. Nakabihis na ito ng civilian at malamang na nakapag-out na rin siya sa trabaho. Hindi naman siguro ito gawain ng isang matinong pulis sa oras ng trabaho. Tunay ngang mabait rin siya dahil pinahiram pa nga ako nito ng jacket kaya malaya ako ngayong nakapaglalakad sa gilid ng kalsada. Iyon nga lang ay umabot na iyon sa itaas ng tuhod ko, nagmukha tuloy iyong bestida pero bahala na. Wala na akong naging pakialam doon basta ay makauwi ako. "Gusto ko lang malaman kung makakauwi ka ba nang maayos," malamyos na pahayag ng lalaki. Tumingala ako sa kalangitan at nakitang nakasilip na ang araw, ibig sabihin ay umaga na at sobrang liwanag na ng paligid. Wala naman sigurong magtatangka sa akin, ano? Isa pa, sino bang magkakamaling pagnakawan ako? Mas mukha pa akong pulubi kaysa sa mga nakikita ko sa paligid. Anong maibibigay ko gayong ni singkong duling ay wala ako? Kaya ano itong sinasabi ng lalaki na kung makakauwi ba ako nang maayos? Bakit, ano ba sa tingin niya? Hindi ko kayang protektahan ang sarili ko? Pagak akong natawa sa kawalan nang masasabi. Napailing-iling na lang ako saka nakapamulsang nilampasan ang lalaki. Hindi pa man nakalalayo ay naramdaman ko na naman ang presensya ng lalaki na sumasabay sa paglalakad ko. Nakasakay ito sa motor pero mahina at mabagal ang takbo noon na pinapantayan ang bawat hakbang ko. Sa tuwing bibilis ang lakad ko ay ganoon din ang gagawin ng lalaki. Hindi ko mawari kung nang-aasar lang ba ito o literal na wala lang siyang magawa sa buhay? Trip ba ako nito? "Kaya ko ang sarili ko. Kaya kung pwede..." Sandali akong huminto, kapagkuwan ay muli ko na namang hinarap ang lalaki na hanggang ngayon ay hindi ko pa alam ang pangalan bukod sa isa itong pulis pangkalawakan. "Kung pwede lang naman, tantanan mo na ako." Mapang-uyam akong ngumiti sa kaniya, iyong tipong ipinapakitang hindi na ako natutuwa sa presensya niya. "Ihatid na kaya kita?" Imbes na sagutin ako ay iyon pa ang lumabas sa bibig ng pulis. "Interesado ka ba sa akin?" derekta kong tanong habang bulgar na pinakatitigan ang mukha niya. Sa sinabi ko ay napatigalgal sa harapan ko ang lalaki, tila ba hindi makapaniwala na ganoon ako kaprangka. Napalunok ito sa sariling laway. Rason iyon upang bumaba ang atensyon ko sa adams apple nitong nagtataas-baba. Huminga ako nang malalim bago ipinilig ang ulo upang iwaksi ang katotohanang pinagpala ang lalaking ito. Tunay na pulis pangkalawakan, matikas ang pangangatawan. Sa suot niyang simpleng itim na t'shirt ay banat na banat iyon sa kaniya kaya kitang-kita ko ang mga muscles nito. Sa biceps niyang nagsusumiksik sa manggas ng kaniyang damit, sa balikat hanggang sa dibdib nito. At hindi ko pa man nakikita ang tiyan niya ay nabibilang ko na kung ilan ang abs nito. Mayamaya pa nang mahina siyang natawa dahilan para mabalik ang ulirat kong natangay na ng hangin sa sobrang pagpapantasya ko sa kabuuan nito. Kung interesado naman kasi ito sa akin, bakit hindi pa nito sabihin? Willing din naman ako, basta ay may kapalit na pera dahil ako na ang magsasabi— wala ng libre sa panahon ngayon. Mukha rin namang mayaman ang lalaki at kung gusto nga ako nito ay okay lang naman. Hindi na ako lugi kung sakali. Sa katawan nitong pinagpala, idagdag pa ang gwapo niyang mukha. Wow, heaven. Hindi na ako magdadalawang-isip na pumayag pero una at pinaka-importante sa lahat, magkakapresyuhan muna kaming dalawa. Dahil bukod sa kasabihan naming; mas maganda ang performance, mas malaki ang kita— mayroon pang isa na kabaliktaran, nadedepende ang performance sa perang ibibigay. "Bakit sa tingin mo ay magiging interesado ako sa 'yo?" malumanay na balik tanong nito sa akin matapos makabawi. "Bakit nga ba hindi? Tutal naman ay alam mo na kung anong uri ako ng tao, sa kung saan ako nagtatrabaho. Malay ko bang gusto mo pala akong tikman?" taas ang kilay na tanong ko saka pa lumabi. Sa aga kong namulat sa buhay ay ganito na ako lumaki. Matabil ang bibig at dere-deretso kung magbitaw ng salita. Hindi rin naman kataka-taka at laking squatter ako. Sa sinabi kong iyon ay halos masamid ang pulis sa harapan ko. Muli siyang napalunok, makailang beses pang umubo. Kalaunan nang titigan ako nito habang hindi pa rin makapaniwala ang itsura niya. Kunot ang kaniyang noo at may pinaghalong insulto at pagkadismaya ang dalawang pares na mata nito. Ilang segundo pa nang mapailing ito sa kawalan. Ganoon naman talaga 'di ba? Pare-pareho lang ang mga lalaki. Hahabulin lang ako dahil maganda ako. Pinipilahan lang dahil sa sexy kong katawan pero hanggang doon na lang iyon. Tanging paghanga lang sa katawan ko ang kayang ibigay sa akin ng mga kalalakihan, hindi ang pagmamahal dahil sino ba naman ang magmamahal sa katulad kong pakara at malandi? "Ganiyan ka ba talaga mag-isip? Hindi sa lahat ng pagkakataon ay iyon ang habol ng isang lalaki sa babae. Ako na ang nagsasabi sa 'yo, iba-iba kaming mga lalaki. May kaniya-kaniya kaming paraan at diskarte," mababang boses na sambit nito at tuluyan nang nahulas na ang emosyon sa mukha. "So, bakit mo ba kasi ako sinusundan? Ano 'yan, sariling diskarte mo?" taas ang kilay na palatak ko. In the first place, kung ayaw sa akin ng lalaki ay hindi naman siguro ako nito susundan, hindi ba? Ang gulo. Isa pa, hindi na uso ngayon ang gentleman kasi lahat ay fuckboy na. "Kailangan ko lang manigurado na makakauwi ka nang maayos at ligtas." "Pagkatapos ay?" nababagot kong turan, ubos na ang oras ko. "Iyon lang naman. Kapag nakauwi kana ay uuwi na rin ako." Tumaas ang kilay nito na parang tinatantya ang magiging reaksyon ko. Shit! Ngayon ko lang natanto, ang non-sense ng pinag-aawayan namin. Napabuga ako sa hangin. Bakit ba ang kulit ng isang 'to? Saan ba ito pinaglihi at parang daig pa ang babae kung makaputak sa akin ngayon? "Hindi mo ako kilala, kaya para saan pa? Hindi rin naman kita kilala—" "Ako si Mirko Frias, twenty seven years old at isang pulis," pagpuputol nito sa sasabihin ko, "Ngayon ay alam mo na, baka pwede na kitang samahan pauwi?" Bumuka ang bibig ko ngunit ni isang salita ay wala man lang lumabas doon. Hindi ako makapagsalita dahil una sa lahat, naguguluhan na talaga ako sa inaakto ng lalaking 'to na nagngangalang Mirko. Sino ba siya bukod sa Mirko ang pangalan niya? Hay naku. Kung hindi lang siya gwapo ay isusumbong ko ito sa pulis. Nga lang ay pulis din siya. Hindi pa nagtagal nang namalayan ko na lang na naka-angkas na pala ako sa likuran ng motor na iyon habang mahigpit na nakakapit sa balikat nito. Ewan ko kung paano nangyari, bahala na. Mabilis nitong inaarangkada ang motor na para bang may humahabol sa amin dahilan para halos lumabas na sa dibdib ko ang puso ko na walang humpay sa pagririgodon sa kaba at takot. Ilang sandali pa nang huminto iyon sa isang fast food chain. Madalian akong bumaba at parang lasing na naglakad papunta sa gilid, doon ay sumuka ako sa mga halaman. Wala pa akong kain simula kagabi kaya parang binabalatan ang lalamunan ko sa sobrang hapdi. Naging doble rin ang sakit ng ulo ko sa naging biyahe naming iyon. "Okay ka lang?" may pag-aalalang tanong ni Mirko na nasa likuran ko na pala habang marahan na hinahagod ang likod ko. Mariin akong napapikit sa inis, kasabay nang marahas kong pagbuntong hininga. Mayamaya pa ay umayos ako ng tayo, hindi ko na nilingon si Mirko dahil nilampasan ko na ito. Wala na akong masabi sa sobrang inis na nararamdaman ko dahil baka kapag nagsalita pa ako ay hindi ko na makontrol ang sariling bibig, baka kung ano pa ang masabi ko. Kagabi pa ito at talagang namumuro na siya sa akin, hindi ko alam kung sinasadya niya ba iyon o ano pero s**t, ang sarap nitong balatan ng buhay. Grr, gigil niya ako. Kaunti na lang ay masasampal ko na naman ito. Lalo pa akong sumabog sa inis nang hinabol na naman ako ni Mirko, saktong wala ako sa huwisyo kaya tamad akong manampal ngayon. Dagdag pa na kumakalam na ang tiyan ko. Gustuhin ko mang pumasok sa fast food chain na iyon ay hindi ko ginawa. Wala akong pera, putragis. Kung papakainin man ako ng walang bayad ay ayaw kong magkaroon ng utang na loob kay Mirko. Hindi ko pa ito ganoong kilala, ayoko siyang pagkatiwalaan. Iyon ang bagay na matagal ko nang itinatatak sa utak ko, na kahit kailan ay huwag magtitiwala sa kung sino. Bandang huli ay ako lang din ang masasaktan. "Saan ka pupunta? Kumain kaya muna tayo? Alam kong gutom ka na," pahayag ni Mirko. "Sabi nang uuwi na nga ako! Bakit ba ang kulit mo?" Hindi ko na napigilan ang sarili, tuluyan ko na siyang hinarap at pabalibag na tinanggal ang kamay nitong nakahawak sa braso ko. Tiningala ko ito at binigyan ng masamang tingin. "Huwag na huwag mo akong susundan dahil hindi ako makikiming sampalin ka ulit sa pangalawang pagkakataon," matapang na saad ko saka nagmartsa ulit palayo. Sa sobrang dami ng nangyayari ay hindi ko na alam ang gagawin. Hindi ko na alam kung ano pa ang uunahin ko. Gulung-gulo na ako at kaunti na lang ay mababaliw na talaga ako. Sa sobrang dami ng mga dapat kong isipin ay hindi ko na namalayan ang nangyayari sa paligid, ni hindi ko na nagawang marinig ang busina na nanggagaling sa isang kotse. Nanlalabo na ang parehong mata ko dahilan para hindi ko makita ang paparating na disgrasya. Ito na ba ang katapusan ko, huh? Mauuna pa pala akong mamatay kaysa sa mga binubuhay ko. "Victoria!" Boses ni Mirko iyon. Mariing akong napapikit nang maramdaman ang malamig na lupa na siyang pinagbagsakan ko, hindi ko naman maramdaman ang sakit doon dahil walang-wala iyon sa sakit at hirap na pinagdaraanan ko. Ilang minuto pa nang dahan-dahang bumababa ang talukap ko hanggang sa magdilim na buong paligid ko. Okay, I'm out.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD