Chapter 5

1777 Words
Pikit mata akong napalunok, kasabay nang magiliw kong pagsasayaw sa salin ng malanding musika habang maharot na gumigiling sa isang pole na naroon sa gitna ng entablado. Samantala ay hindi na halos magkandamayaw ang mga kalalakihan na nakasasaksi sa angking alindog ng naturingang Magdalena at walang iba iyon kung 'di ako. Ngayon pa lang ay humihingi na ako ng tawad kay Inay. Pasensya na dahil ito lang talaga ang magagawa ko, ito lang ang alam kong paraan para makalikom ng pera. Gustuhin ko mang pumasok pa sa ibang larangan, katulad ng tindera sa palengke o sa karinderya ngunit nag-aalangan ako dahil matagal bago ako makaipon doon. Barya-barya, kulang pa iyon sa panggastos ko sa dalawang kapatid pati na rin sa sarili ko. Wala pa roon ang bill ni Inay sa Hospital kaya hindi iyon sapat. "Strip! Strip! Strip!" sigaw ng mga kalalakihang naroon, animo'y sa mga oras na iyon ay nagkakasundo sila. "More! More! More!" Sa bawat sigaw nila ay siya rin namang sunod ko. Kagat pa ang pang-ibabang labi na hinubad ko ang suot kong kumikinang na dress habang patuloy pa rin ang pag-ikot sa pole. Nang tuluyan nang bumagsak ang damit ko ay halos mabingi ako sa lakas ng mga hiyawan na para bang iyon na ang nagsisilbing musika sa pandinig ko kaya patuloy lang ako sa ginagawa. Mas ginalingan ko pa nga ang paggiling dahilan para ang ilan sa mga manonood ay maglabas ng pera at ibinabato sa harapan ko. Rason iyon nang labis kong pagkatuwa. Tanging ang itim na bra at panty na lamang ang suot ko pero wala roon ang atensyon ko, dahil sa mga oras na 'yon ay nakakita na ako ng main target para sa gabing ito. Tinungo ko ang lalaki at naglakad papunta sa dulo ng entablado saka dahan-dahan na bumaba mula rito. Nang makalapit sa pwesto niya ay gumiling ako sa paraang nang-aakit. Tuwang-tuwa naman ang lalaki at mababakas pa sa mukha niya ang pagkasabik. Mayamaya pa ay hinawakan nito ang baywang ko saka iginiya ako paupo sa kandungan nito. Doon ko ginawa ang lap dance na mas nagpahiyaw sa mga manonood. Eksperto akong gumalaw doon habang hawak ang lalaki sa magkabilaan nitong balikat bilang suporta. Bukod sa lap dance ay magaling din akong mag-twerk, iyon din yata ang rason kung bakit karamihan sa nagiging customer ko ay binabalikan ako nang paulit-ulit. Walang emosyon na tinitigan ko iyong lalaki. Mukhang mayaman, base na rin sa suot nitong black tuxedo. Kung ito ang magte-take out sa akin, malamang na malaki ang ibibigay nito. Kailangan ko nga lang mas galingan para mas malaki rin ang maibigay sa akin. Kasabihan nga namin sa ganitong trabaho; mas maganda ang performance— mas malaki ang kita. Sa ganoong paraan, hindi na ako kailanman babalik pa sa ganitong uri ng trabaho. Hindi ko na hahayaan ang sarili na ibigay ang katawan sa kung sinu-sino, kapalit lang ang malaking pera. "See you later, honey," malanding bulong ko sa lalaki dahilan para mapangisi siya. Ilang minuto rin siguro akong nagsayaw sa harapan nito bago ako tumayo. Akmang aakyat na sana ako sa entablado nang makarinig ako ng mga sigawan. Nilingon ko ang entrance kung saan naroon ang mga pulis dahilan para magkagulo ang lahat. Halos lumuwa naman ang dalawang mata ko at alistong kinuha ang dress na siyang hinubad ko kanina. Nagawa ko pang pulutin paisa-isa ang mga pera na nagkalat sa sahig bago tuluyang tumakbo patungong back stage. Ngunit hindi pa man ako nakakapasok sa loob nang may humablot sa akin mula sa likuran. Walang alinlangan na binuhat ako nito na parang sako ng bigas saka dinala sa labas kung saan naroon ang isang mobile car. Laman noon ang ilang mga babae na kasama ko sa loob ng bar. Kaniya-kaniya silang takip ng mukha at katulad ko ay ganoon pa rin ang mga saplot nila. Mabilis akong kumawala sa kung sino man ang lalaking nagbubuhat sa akin pero huli na dahil naibagsak na ako nito sa bakanteng upuan. Marahas akong nag-angat ng ulo para makita ang mukha ng lalaki dahil handa ko na itong bulyawan at sakalin. Kalaunan nang mapatigil nang bumungad sa mukha ko ang sobrang lapit na mukha nito. Halos matigil pa sa ere ang paghinga ko dahilan para kapusin ako ng hininga. Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatitig sa pulis na nasa harapan ko, hindi maitatangging may itsura ito. Sobrang gwapo, tangina... pero teka nga, parang namumukhaan ko siya? Nagkita na ba kami dati? Mabilis akong umiling saka walang habas na sinampal ang lalaking pulis rason para matinag ito sa katititig sa akin. Mabuti na lang talaga at kaya kong kontrolin ang sarili. Gulat naman na napatigalgal sa akin ang lalaki, hawak pa ang pisnging sinampal ko. Napalunok ako nang makita ang pag-igting ng perpekto niyang panga. "Saan niyo ba kami dadalhin, ha?" malakas na sigaw ko bago pa man siya magsalita. "Saan pa nga ba? Sa prisinto, ineng!" balik sigaw sa akin ng isang pulis na nasa gilid ng lalaking bumuhat sa akin kanina. At ang kapal, siya ba ang kausap ko? "Anong prisinto? Anak ng tupa! Ibaba niyo nga ako! Kailangan ko nang umuwi!" bulyaw ko ulit. Nagpumilit akong makawala roon ngunit sa sobrang lakas nila ay hindi ako pinayagan na makatakas o kahit ang makababa man lang. Marahas pa na itinulak ako ng isang lalaki papasok sa loob ng sasakyan saka naupo sa tabi ko. Kasunod nito ay iyong lalaki na naupo sa kabilang side kung saan panay ang tingin sa akin. Umirap ako, saka ko naman namalayan na umaandar na pala iyong sasakyan. Hindi pa rin ako matigil sa kasisigaw buong biyahe na paulit-ulit namang sinasaway ng mga pulis pero wala akong pakialam. Kailangan ko na talagang umuwi. Kalaunan nang mapagod ay mariin na lamang akong napapikit, kung kailan kailangan ko ng pera ay saka pa ako mabubulilyaso. Nagtiis na lang din kasi ako sa pipitsuging bar na iyon na matatagpuan sa gilid lang ng kalsada. Malay ko bang mare-raid iyon sa gabing ito? Kung nagkataon naman na alam ko ay hahayaan ko ba ang sarili na pumasok doon? Syempre hindi. Habang umuusad ang sasakyan ay hindi pa rin matigil ang pagmumura ko. Ano ba namang buhay 'to? Gusto kong maiyak ngunit malaki ang pagpipigil ko sa sarili. Huwag muna ngayon dahil paniguradong pagtatawanan lang ako ng mga pulis na naroon. Hindi nagtagal nang tumigil ang sasakyan saka isa-isa kaming pinababa at iginiya papasok ng prisinto. Tangkang tatakbo ako palayo nang hilahin na naman ako ng pulis na iyon. Nanggagalaiti na tumitig ako rito na mariin ding nakatingin sa mukha ko. Putragis! Hila nang hila, ah? Close ba kami? Napalatak ako sa hangin bago ito inirapan. "Ano ba? Bitawan mo nga ako! Kaya kong maglakad mag-isa!" Pinanlakihan ko ito ng mata ngunit hindi pa rin natinag ang pulis. Hanggang sa tuluyan na kaming makapasok sa prisinto ay naroon pa rin ang lalaki na mahigpit na nakahawak sa braso ko, tipong ayaw na akong bitawan. Nakagat ko na lamang ang pang-ibabang labi sa sobrang inis. Matapos ilista ang mga pangalan namin sa isang logbook ay isa-isa rin kaming itinulak papasok sa loob ng bakanteng selda. Panghuli akong pumasok dahil hirap kong ibigay sa mga pulis ang totoong pangalan ko. Ayokong magsabi ng kung anong impormasyon patungkol sa buhay ko. Okay na sa akin na kilala lang nila ako bilang Magdalena pero s**t, wala na akong nagawa. Bwisit talaga! Nakakabwisit ang buhay na 'to! Mayamaya lang din nang sa wakas ay bumitaw na rin iyong lalaki. Masama ang tingin na ipinukol ko sa pulis hanggang sa mawala na ito sa paningin ko. Dumausdos ang likuran ko sa dingding na iyon at parang lantang gulay na napaupo sa sahig. Wala sa sariling nasapo ko ang mukha at doon nagsimulang lumabas ang luha na kanina ko pa pinipigilan. Tahimik akong umiiyak ngunit hindi pa rin mawawala ang mga nakatatakas na paghikbi ko dahilan para pagtinginan ako ng mga babaeng kasama ko sa loob. Hindi ko na iyon pinansin at patuloy lang sa pag-iyak. Paulit-ulit kong naitatanong kung anong kamalasan ba ang mayroon ang buhay ko? Bakit ganito? Bakit kailangan maging ganito ang buhay ko? Ilang oras din ang itinagal ko sa loob ng prisinto nang isa-isang dumating ang mga kamag-anak ng mga kasama kong babae. Sinusundo ang mga ito para makauwi na, samantalang ako? Lumabas na ang lahat at tanging ako na lang ang mag-isa pero wala pa ring sumusundo sa akin. Pagak pa akong natawa sa natanto. Sino ba naman ang susundo sa akin, aber? Si Inay? Sana nga ay ganoon. Mas okay pa na sunduin na lang ako ni Inay kaysa sa malamang nasa Hospital ito at walang malay. Mas okay pa na bungangaan ako nito kaysa sa mahimbing itong natutulog sa loob ng Hospital. Sa paghihintay ay hindi ko na namalayan ang oras. Madaling araw na ang inabot ko sa loob ng rehas na iyon at ang katahimikang bumabalot sa paligid ang siyang mas nagpapabaliw sa akin. Kalaunan nang tumingala ako nang mapansin ang isang pares ng sapatos ang tumigil sa harapan ko. Nangunot pa ang noo ko sa nakita. "Wala ka bang pamilya?" bungad sa akin ng pulis na parang hindi ko na yata makakalimutan ang mukha. May maamo kasi itong mukha, pamula sa mga mata nitong mapupungay, ilong na matangos at ang labi nito na nanghihikayat na halikan iyon. Napapikit ako saka marahas na umiling bilang sagot sa pulis. "Paano 'yan? Gusto mo bang manatili muna rito?" pagtatanong ulit nito. Pati ang boses nitong kay sarap pakinggan. Sa isiping iyon ay paulit-ulit na minumura ko ang sarili. Kaagad akong nagmulat saka mabilisang tumayo para magpantay ang mukha naming dalawa. Ngayon ay magkaharap na kami at tanging ang bakal na rehas na iyon ang nagsisilbing harang sa aming dalawa. Labag man sa kalooban ko ay muli ko na naman siyang tinitigan. "Bakit kailangan kong manatili rito, ha?" mahinang saad niya. Pagak pa akong tumawa at umiling sa kawalan. "Hindi ba pwedeng umuwi na lang ako? Pagod na ako. Pagod na pagod na ako, alam mo ba 'yon?" madamdaming pahayag ko. Marahas na pinunasan ko ang luhang nakatakas mula sa mata ko. Napatitig pa sa akin iyong lalaking kaharap ko, tipong tinitimbang pa ang emosyon ko. Iniisip siguro nitong nagpapalusot at nagdadrama lang ako. "Kailangan ako ng nanay ko, nasa Hospital siya ngayon at kailangang maagapan kaagad siya dahil kung hindi, tuluyan na siyang mawawala sa akin. Mayroon akong dalawang kapatid pero sa akin lang din naman sila umaasa..." Hindi ko na alam kung bakit ba ako nagkukwento sa pulis na iyon gayong hindi ko naman siya kilala. At ito ang unang pagkakataon na nag-open ako ng kwento sa isang estranghero. "Pwede ka nang lumabas, iuuwi na kita."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD