Masakit ang ulo na nagising ako sa isang hindi kilalang lugar. Kaagad na nangunot ang noo ko saka pa dahan-dahan na umahon mula sa pagkakahiga sa isang kama. Maagap ko ring hinilot ang sentido nang manuot ang sakit doon, kapagkuwan ay nilingon ang paligid. Maiging sinuri ng dalawang mata ko ang kabuuan ng kwartong iyon. Simpleng puti at may halong itim na mga muwebles at kagamitan ang naroon. May kalakihan iyon, tanaw ko pa nga rito ang labas mula sa nakabukas na balkonahe. Hindi ko man maramdaman ay nahihinuha ko nang masakit sa balat ang tindi ng sikat ng araw mula sa labas. Mayamaya pa ay nanlaki ang mga mata ko nang may matanto. Tanghali na? Ilang oras ba akong nakatulog? And worst, kaninong kwarto ito? Sa pagmumuni-muni sa katanungang iyon ay naramdaman ko na lang ang pagkalam ng

