Eksaktong pitong araw ang lumipas, sa isang linggong iyon ay walang masyadong nangyari. Hindi ganoon ka-exciting para sabihin sa lahat na magdamag lang akong nakakulong sa kwarto. Kung hindi tulog ay malalim ang pag-iisip, hindi naman ako literal na baliw ngunit para bang iyon ang pakiramdam ko. Ayoko nang kausap, o kahit ang makakita ng tao. Wala lang akong choice dahil kasama ko sina Inay, kaya kinailangan kong magpanggap na ayos lang ako. Nabanggit ko pa na binigyan lang ako ni Mirko ng leave kaya ako naririto ngayon. Hindi ko masabi kay Inay na wala na kami ni Mirko, hindi ko alam kung paano uumpisahan at kung saan ko tatapusin. Masakit kasi ako iyong dahilan, ako iyong rason kung bakit kami nagkahiwalay. Mahina ang loob ko, hindi ko ipinaglaban si Mirko, hinayaan kong magwagi si M

