NAKABALIK NA KAMI ni Dante sa camp. Naka-piggy back ako sa kanya dahil sumasakit ang mga paa ko at may galos pa ako. Agad na lumapit sa amin si Ma'am ng makita kami na nakabalik.
"Naku, Anna, ayos ka lang?" tanong niya sa akin kaya tumango ako, "Mabuti at nakita mo siya, Mr. Dante?" baling niya kay Dante.
"Kailangan na malinis ang galos niya. Ako na ang bahala sa kanya at pwede na kayong matulog." sabi ni Dante.
Tumango si Ma'am. Inupo ako ni Dante sa isang bato at tumingin siya kay Dex.
"Nasaan ang dala nating first aid kit?" tanong niya kay Dex.
"Nasa bag. Saglit, kukunin ko." umalis si Dex.
Napahinga ng malalim si Dante at hinawakan ang braso ko tila sinusuri ang galos ko. Nakayuko ako dahil rinig ko ang mga bulungan ng mga kaklase ko. Lalo na nila Amy. Nakakalungkot dahil imbes na ibigay nila sa akin ay awa ay puro malisya pa ang sinasabi nila sa pag-aasikaso sa akin ni Dante.
"Anna.." napalingon ako ng marinig ang boses ni Darrel, "Ayos ka lang?" tanong niya.
Tumango ako at ngumiti rito, "Oo."
Napahinga siya ng malalim at tumango. Hindi na siya nagsalita pa ng makabalik na si Dex dala ang first aid kit.
Ginamot ni Dante ang sugat ko at lahat ay nagtungo na sa tent nila. Nang matapos akong gamutin ay tinignan ako ni Dante.
"Kumain muna tayo dahil alam ko na gutom ka na." aniya.
Tumango ako. Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa harap ko at sinundan ko siya ng tingin na lumapit sa lamesa para kumuha ng pagkain.
"Mabuti at nahanap ka kaagad ni Boss. Bakit kasi nahiwalay ka pa sa mga kaklase mo?" Si Dex.
"Sabi kasi nila Amy ay maghiwahiwalay daw kami para madaling mahanap ang red note.." tugon ko.
"Ang bilis mo naman palang magtiwala. Tila inisahan ka ng mga kaklase mo." sabi niya.
Napanguso ako at napayakap sa binti ko dahil tama siya. Mabilis nga akong magtiwala dahil wala naman akong masamang iniisip sa kapwa ko. Pero kabaliktaran naman nila Amy na masama ang iniisip sa kin.
"Alalang-alala si Boss ng makita na hindi ka pa bumabalik. Sinigawan nga niya si Ma'am dahil sa activity ng ginawa nito ay nawala ka pa daw." balita niya.
Napamaang ako, "Ano? Talagang ginawa niya 'yon? Grabe naman siya." bulalas ko.
Natawa at ngumisi si Dex bago humalukipkip, "Hindi mo pa siya masyadong kilala. Magagalit siya kahit sino pa ang kaharap niya basta may ginawang mali.. At bigtime 'yang si Boss kaya walang sino man ang kayang kumalaban sa kanya." sabi niya.
Bigtime? Sobrang yaman ba ni Dante? Sabagay, ang kotse nga niya ay milyon, milyon ang halaga. Pero hindi halata kay Dante. Para kasing simple lang siya at walang pakialam kung ano ba ang inaapakan o inuupuan niya.
"Dex, matulog ka na." sabi ni Dante ng makabalik na siya at may dalang plato.
Ngumiti si Dex at kumindat sa akin kaya naguluhan ako. Naglakad na ito patungo sa malaking tent. Tumingin ako kay Dante na naupo sa tabi ko at nilahad ang isang plato kaya kinuha ko.
Hindi ako nagugutom pero kakain pa rin ako para magkaroon ng lakas hanggang bukas. Sa takot ko kanina ay wala akong gutom na naramdaman. Gulay ang ulam kaya kumain ako.
"Pagkatapos mo d'yan ay doon ka matulog sa tent na katabi ng akin." aniya mula sa katahimikan habang kumakain kami.
"Huh? Ginawa mo ako ng tent?" tanong ko.
"Yeah." tugon niya habang kumakain.
Nahiya naman ako dahil parang nakaasa lang ako sa kanya ngayon imbes na dapat ay hindi ako umaasa sa iba.
"Thank you, Dante." sabi ko at piling ko ay namula ang pisngi ko sa hiya.
Tumingin siya sa akin kaya hindi ako makatingin at sa food ko lang pinokus ang mata ko.
"Next time hindi na pwede ang thank you lang. I want more than that." sabi niya.
Napatingin ako sa kanya kaya tumitig siya sa akin, "Ano naman 'yon?" tanong ko.
Ngumiti siya, "Hindi mo pa malalaman sa ngayon." sabi niya.
Ngumuso ako dahil pabitin naman siya masyado. Natawa siya kaya hindi ko na siya pinansin at kumain na lang ako ng kumain hanggang mabusog ko.
Mabilis rin niyang tinapos ang pagkain niya at lumapit na kami sa tent na sinasabi niya. Meron ngang tent na dalawa at magkatabi pa. Tinuro niya ang tutulugan ko at binuksan niya ang zipper nito. Bitbit ko ang bag ko at nilagay ko sa loob ang bag ko. Naupo ako at pumasok sa tent, pero nakalitaw sa labas ang paa ko dahil huhubarin ko pa ang sapatos ko.
Nakatayo pa rin si Dante sa tapat ng tent ko habang nakahawak sa bubong ng tent. Lumuhod ang isang tuhod niya at humawak siya sa paa ko kaya natigilan ako.
"A-ako na." pigil ko dahil tutulungan pa niya ako na maghubad ng sapatos. Pero hindi siya huminto at hinubad sa paa ko ang sapatos ko.
"Tiyak na sasakit ang mga paa mo bukas dahil sa nangyaring paglalakad mo ng malayo mula rito. Hilutin ko para hindi sumakit bukas." aniya.
"Huh? Pero.."
Nilagay niya sa hita niya ang binti ko at hinilot ang paa ko. Na-relax naman ang paa ko kaya hindi na ako nakatanggi pa.. Ang sarap niyang maghilot.
Napatingin siya sa akin kaya tumingin ako sa kanya. Nailang naman ako kaya nagbaba ako ng tingin dahil kapag titignan ko siya ngayon sa mga mata niya ay kumakabog ang dibdib ko.
Nang matapos siya sa paghilot ay pinatong ko sa sapatos ko ang paa kong may nakasuot pa rin na medyas.
"Thank you ulit."
Matapos kong sabihin iyon ay umusod ako ng upo paatras at pinasok ko ang mga paa ko sa loob ng tent. Nakatingin siya sa akin kaya hinawakan ko na ang zipper ng tent. Sinara ko ito at nakikita ko pa rin si Dante dahil malinaw ang tela ng tent.
Napahawak ako sa tent habang nakatingin sa kanya. Napalunok ako at napatitig sa kanya ng ilapat niya ang kamay niya sa kamay ko na ang harang lamang sa pagitan ng kamay namin ay ang tent. Napakuno't noo ako ng buksan niya ang zipper ng tent ko.
"Good night." aniya habang nakatingin sa akin ng malalim. Tumango ako rito.
"Good night." tugon ko.
Nakatitig pa rin siya sa akin ng malalim at nanlaki ang mata ko ng ipasok niya ang kalahating katawan niya kaya napaatras ako. Lumapit ang mukha niya sa akin kaya napatukod ang mga kamay ko sa sahig.
Nanlalaki pa rin ang mga mata ko at halos mahigit ko ang hininga ko ng lumapat ang labi niya sa labi ko.. Mariin niya akong hinalikan at pagkatapos ay bumitaw na rin siya. Natulala ako habang siya ay napangiti.
"Good night again, babe." sabi niya uli.
Matapos niyang sabihin iyon ay nilabas na niya ang katawan sa loob ng tent ko at sinara ang zipper nito. Natulala ako at hindi makagalaw habang nakahawak sa labi ko.
Tatlong beses na niya ako nahalikan ngayong araw lang na ito. At kapag ginagawa niya iyon ay kinakabahan ako na para bang kinukuha pa niya ang lakas ko.
Nahiga ako at ginawang unan ang bag ko. Nakatingin ako sa bubong ng tent habang iniisip kung bakit niya ako hinalikan? May gusto ba siya sa akin? Umiling ako. Masyado siyang matanda para sa akin. Ayoko ng ganoon. Mali. Mali na hinayaan ko siya na halikan ako.
Napatakip ako ng mukha dahil hindi matanggal sa isip ko ang bawat halik niya. Ano ba 'tong nangyayari? Parang napaka-weird ng nangyayari sa akin simula ng makilala ko si Dante.
Pero napatigil ako at naisip si Darrel. Naguguluhan ako kung bakit siya umiiwas sa akin? Pero kanina ay alam ko naman na nag-aalala siya. May nagawa ba ako para iwasan niya?
Napahinga ako ng malalim at naupo. Hindi ako makatulog kaya marahang gumapang ako palapit sa pinakapinto ng camping tent ko at binuksan ng dahan, dahan ang zipper. Lumabas ako at sinuot ang rubber shoes ko.
Tatayo sana ako pero napaupo ako uli sa gulat ng biglang sumulpot si Dante sa harap ko.
"Saan ka pupunta?" tanong niya ng seryoso. Binabantayan ba niya ako? Akala ko nakapasok na siya sa tent niya at natutulog na.
"H-huh? S-sa.." kinabahan ako na hindi ko alam kung bakit. Nakakakaba ang tingin niya na seryoso.
"Bumalik ka sa loob at matulog ka na." utos niya.
Nang hindi ko siya sinunod ay napaatras ako ng bigla niyang ipasok ang kalahati ng katawan niya. Napahiga uli ako at napahawak naman sa dibdib niya dahil tuluyan siyang pumasok. Sinara niya ang zipper kaya lalo akong kinabahan.
"A-anong ginagawa mo? L-lumabas ka nga." nauutal ako at kinakabahan dahil ang lapit niya.
Tumingin siya sa akin at napahinga siya ng malalim. Nahiga siya sa tabi ko kaya agad akong napatalikod.
"Matulog ka na at hindi ako aalis rito hanggang hindi ka nakakatulog." aniya.
"Bakit mo ba ako pinipilit? Hindi pa nga ako makatulog." sabi ko habang nakatalikod pa rin sa kanya.
"I need to make sure that you don't do anything. Baka mapahamak ka na naman habang tulog ako." sabi niya.
Natigilan ako. Napaharap ako sa kanya kaya napatingin siya sa akin habang nakatihaya siya ng higa.
"Bakit mo naman kailangan na siguraduhin? Bakit inaalala mo pa ako?" tanong ko.
Umiwas siya ng tingin at inunan niya ang isang braso niya habang nakatingin sa bubong ng tent. Akala ko hindi agad siya tutugon sa sinabi ko dahil pumikit siya.
"Kapag nalaman mo ay sigurado na hindi ka p'wedeng makatanggi sa gusto ko. Kaya hindi ko sasabihin sa 'yo ngayon. Tsaka na kapag nasa tamang oras at panahon na." malalim na sabi niya.
Hindi ko siya maunawaan. Dumilat siya at tumagilid ng higa paharap sa akin. Nabigla ako ng ilusot niya ang braso niya sa leeg ko at hinila ako palapit sa kanya.
"M-mister.." napahawak ako sa dibdib niya ng yakapin niya ako bigla.
"Sleep now, babe." aniya at hinalikan ako sa ulo. Para namang dinuyan ako ng sinabi niya at halik sa ulo ko. Natahimik ako at parang naging panatag ang kalooban ko habang nasa bisig niya. Pumikit ako at hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako habang nasa bisig ni Dante.
KINABUKASAN, NAGISING AKO na mag-isa at wala na si Dante sa tabi ko. Napahawak ako sa jacket na ginawang pang kumot sa akin. Jacket ito ni Dante. Naupo ako at pagtingin ko sa labas ay maliwanag na. Inayos ko muna ang buhok ko at salamin ko sa mata. Binuksan ko ang bag ko at kinuha ang pamalit ko. Tumingin ako sa pinaka-pinto ng tent. Baka may makakita habang nagbibihis ako?Kaya kinuha ko ang jacket ni Dante at inipit ko sa bakal ng bubong ng tent. Nang panatag ako na hindi na masisilipan ay mabilis kong hinubad ang suot kong white t-shirt. Kinuha ko ang t-shirt kong pink at sinuot. Nang matapos sa pang itaas ay binaba ko ang jogging pants ko at hinubad. Kinuha ko ang short ko na ang haba ay hanggang tuhod. Sinuot ko ito sa mga paa ko pero halos matigilan ako ng biglang bumukas ang zipper ng pinto. Nagkatinginan kami ni Dante ng hawiin niya ang jacket niya at nakita ko na nabigla din siya at napatingin sa mga hita ko.
"Sorry." agad niyang binitawan ang jacket niya at sinara ang zipper ng tent kaya napasuot tuloy agad ako sa short ko habang parang nag-iinit ang buong mukha ko ng makita niya na naka-panty lang ako.
Gusto kong tumili dahil sa gulat pero naisip ko bigla na baka makagawa ako ng eskandalo. Hiyang-hiya ako at si Dante naman ay tumitig pa sa hita ko bago niya ma-realize na naninilip siya.
Hindi ko tuloy alam kung lalabas pa ba ako ng tent. Nakakahiya! Napatakip ako ng mukha ko dahil hindi ko alam ang gagawin ko.
Siya na nga ang unang nakakuha ng kiss ko, tapos siya pa ang unang makakakita na nakagano'n lang ang ayos ko. Nakakainis! Bakit bigla, bigla niyang binubuksan ang pinto ng tent?
Kinuha ko ang tooth brush at tooth paste ko sa bag. Maging ang towel. Humugot ako ng maraming lakas ng loob dahil wala akong choice kundi lumabas dahil baka hindi ako makakain kung mahuhuli ako sa paggayak. Last day na namin, kaya dapat ay sulitin ko na ang last day ng field trip namin na wala namang kabuluhan na nangyari sa akin.
Lumabas ako ng tent na bitbit ang tooth brush at tooth paste ko, habang nakasampay sa balikat ko ang towel. Napatingin ako kay Dante na kasama si Dex at isa nilang kasama. Napatingin siya sa akin kaya agad akong umiwas ng tingin at nagmadali na tumungo sa lalagyan ng tubig. Kumuha ako ng basong plastick at kumuha ako ng tubig. Medyo lumayo ako at pinatong ko muna sa isang bato ang basong tubig. Nang malagyan ko ng tooth paste ang tooth brush ay kinuha ko ang baso. Uminom ako ng kaunti at nagmumog ako. Nag-toothbrush na rin ako pagkaraan.
Nang matapos ako ay nagmumog ako at dinura sa lupa. Nabigla ako ng may magpunas ng bibig ko gamit ang towel. Lumingon ako sa taong iyon at nakita ko si Dante. Agad ko siyang pinigilan at napatalikod ako sa kanya.
Ano bang ginagawa niya?
"Pagkatapos mo d'yan ay kakain na. Pinagtabi kita." aniya at narinig ko ang palayo niyang yapak.
Napahinga ako ng malalim dahil bakit kinakabahan ako kapag lumalapit siya ngayon. Hindi ko rin maintindihan ang kinikilos niya. Umiling ako at naglakad na ako paalis sa pinagsipilyuhan ko. Napatingin ako kay Darrel at napatingin siya sa akin. Malungkot na ngumiti ako at napayukong naglakad pabalik sa tent ko.
Nalulungkot ako dahil akala ko ay may kaibigan na akong maituturing, pero parang ganoon din pala si Darrel. Siguro kaya niya ako iniiwasan ngayon dahil boring akong kasama.
Inayos ko ang bag ko at lumabas ako ng tent ko. Nakapila na ang mga kaklase ko para kumuha ng breakfast food nila.
Pumila ako at gaya nung tanghalian kahapon ay kay Dante ang linya ko. Nang ako na ay may binigay siya sa aking styro at milk na nakalagay sa isang plastick cup habang naka-seal ito ng plastick kung saan nakatatak ang product ng company na gumawa.
Graciano's Milk.
Nang makuha ko ang food ko ay naghanap ako ng pwesto. May kanya, kanyang upuan ang mga kaklase ko. Ang iba ay nakaupo sa blanket. Tinungo ko na lang ang tent ko at binuksan ang zipper. Naupo ako habang nakalabas ang mga paa ko. Pinatong ko sa kandungan ko ang styro at nilapag ko sa lupa ang milk habang may nakasaping tissue.
Nang buksan ko ang styro ay napangiti ako dahil sinangag na kanin, sunny side-up egg, at hotdog na mainit-init pa. Kinuha ko ang plastick spoon and fork at nagsimula na akong kumain.
"Class! Pagkatapos niyo d'yan ay naisipan ko na pwede niyo nang sulitin ang huling araw natin dito. Kung may dala kayong panligo ay maligo kayo. Pero 'wag na 'wag lalayo sa pangpang dahil ako ang mananagot kapag may nangyari sa inyong hindi maganda." anunsyo ni Ma'am.
Nagsigawan sa tuwa ang mga kaklase ko kaya napangiti ako at na-excite din dahil ma-e-enjoy ko ang huling araw namin rito. Binilisan ko ang pagkain at nang mabusog na ako ay pumasok ako sa tent ko para magpalit ng pang swimming ko.
Isang short na white at two piece bra na pink. Kinuha ko ang towel ko at extra flip tops. Nang handa na ako ay lumabas na ako ng tent. Kaunti na lang ang kaklase ko nagbibihis at mga girls ang karaniwang naiwan. Napatingin sa akin sila Amy at umirap. Naka-two piece sila at hindi man lang nag-short. Hindi ko na pinansin ang pag-irap nila at sumunod na lang ako sa kanila.
Napangiti ako ng makita ang beach. Maputi ang buhangin at maasul ang dagat. Kita din ang buhangin na natabunan ng tubig. Ang linaw ng tubig kaya kitang-kita ang ilalim. May mga coconut tree din at mga cottage.
May mga sun-lounger at doon ko nilapag ang towel ko. Naupo muna ako at pinagmasdan ang mga kaklase ko na masaya sa kanilang pagtatampisaw.
Napatingin ako kay Darrel at tumatawa siya habang nakikipagbasaan sa mga kaklase naming lalake. Sila Amy ay nagbilad sa araw habang nakahiga sa towel nila na nakalapag sa buhangin.
Hinubad ko ang flip tops ko at tumayo na ako. Hindi ako p'wedeng magbabad ng mukha sa tubig dahil nakasuot ako ng salamin. Kung malinaw lang sana ang mata ko ay baka nakakalangoy ako.
Lumakad ako patungo sa dagat at medyo malayo sa mga kaklase ko. Binabad ko ang mga paa ko sa tubig at napangiti ako dahil ang sarap sa pakiramdam ng malamig na tubig.
Humakbang pa ako ng kaunti hanggang sa baywang ko na ang taas ng tubig. Naglaro lang ako sa tubig at binasa ko ang balikat ko.
"Class! D'yan lang kayo sa ibabaw, ha?!" paalalahanan ni Ma'am.
Napatingin ako kay Ma'am Catibay at nakasuot siya ng swimsuit niya. In ferness ang sexy ni Ma'am. Napatingin ako kela Dante at napansin ko na napapatingin ang mga kaklase kong babae kela Dante dahil naka-topless sila habang naka-swimming short.
Mas malaki ang katawan ni Dante na parang katawan ni Vin Diesel. Moreno siya at matangkad. Medyo ma-panga din siya na bagay sa kaniya dahil seryoso ang tabas ng mukha niya. Makapal ang kilay at medyo maangas ang mata. Ang ilong niya ay malalaki ang buto at matangos. Ang labi ay manipis at parang laging nakangisi. Ang nakakaagaw pansin talaga sa kanya ay buhok niya na blonde brown habang medyo may kahabaan. Para siyang si Brat pitt ang itsura.
May tattoo pala siya sa isang braso at malapit sa balikat niya. Isang bulaklak na kulay green ang kulay na may itim. At ang tingin ko ay ang tigas ng mga guhit sa tiyan niya. Sabagay, kapag hahawakan niya ako ay tigas ng mga muscle niya.
Umiwas na nga lang ako ng tingin dahil hindi ko namalayan na napatitig na pala ako sa kanya. Parang nag-init ang pisngi ko at umiling-iling ako.
Napatingin uli ako kela Dante at kita ko na kausap niya si Ma'am. Ngiting-ngiti si Ma'am at parang may crush siguro si Ma'am kay Dante. Sabagay, single si Ma'am kaya pwede sila ni Dante dahil magkaedad lang sila.
"Anna.."
Napatingin ako kay Darrel at napakamot siya sa ulo niya. Nakasando at short siya. Medyo may kapayatan siya pero sakto lang para sa edad niya.
"Ang ganda mo. Bagay sa 'yo ang swimsuit mo." papuri niya.
Para naman akong namula sa sinabi niya kaya napayuko dahil baka makita niya na nag-blush ako.
"A-ah, thank you." nautal pa ako. Kainis!
"Sorry kung hindi kita pinapansin. Kasi. . . nagseselos lang naman ako." sabi niya.
Napatingin ako sa kanya dahil hindi ko marinig ang sinabi niya 'yung huli.
"Ano?"
Ngumiti siya at huminga ng malalim, "M-may namamagitan ba sa inyo ni Sir Dante?" tanong niya.
Napamaang ako sa sinabi niya at agad akong umiling, "Wala no! Tsaka, bakit naman merong namamagitan sa amin? E, ang tanda no'n para sa akin."
Napangiti siya at napabuga ng hangin. Saglit siyang natahimik kaya sinilip ko ang mukha niya.
"Kasi, s-sa. . ." aniya.
"Sa?" ulit ko dahil hindi ko siya maintindihan at kung bakit hindi niya masabi. Tumingin siya sa akin at medyo lumapit pa.
"Anna, gusto kong sabihin sa 'yo na..." humawak siya sa kamay ko at tumingin sa akin ng seryoso. Ibubuka palang sana niya ang bibig niya ng manlaki ang mata ko ng sumulpot ang mukha ni Dante sa harap ko at sinakop ang labi ko habang nakatingin si Darrel na nagulat din.
Agad kong tinulak si Dante at napahawak ako sa labi ko habang hindi alam ang gagawin. Hinalikan niya ako na maraming nakakakita. At worst doon ay dahil kaharap namin si Darrel.
Tumingin sa akin si Dante ng seryoso at ngumisi siya bago tumingin kay Darrel.
"She's taken, bata." hindi ko narinig ang sinabi ni Dante kay Darrel dahil binulong lang niya iyon kay Darrel.
Hinawakan ako ni Dante sa pulso at hinila. Nagpumiglas ako pero masyado siyang malakas. Lumapit siya sa sun-lounger kung saan ko nilapag ang towel at flip tops ko. Kinuha niya iyon at pinasuot sa akin ang flip tops ko.
"Miss Katelyn, mauna na kami at isasabay ko na si Anna." sabi niya kay Ma'am.
Natulala lang si Ma'am at napatango na lang habang hindi siya makapaniwalang nakatingin sa amin. Hinila ako ni Dante kahit todo ang piglas ko.
"Ano ba! Let me go!" sigaw ko.
Huminto kami sa tapat ng tent ko at binalabal niya sa akin ang towel ko. Binuksan niya ang tent ko at kinuha ang bag ko. Kinuha niya rin ang jacket niya na hindi ko pa naisasauli sa kanya.
Sinuot niya sa akin ang jacket pero inalis ko lang iyon. Inagaw ko sa kanya ang bag ko at tatalikuran ko sana siya ng bigla niya akong pangkuin.
"Dex, ikaw na ang bahala sa ibang gamit. At sumama ka kela Miss Katelyn pauwi." bilin niya kay Dex.
"Sure, Boss." ngumiti si Dex.
"Ano ba! Ibaba mo nga ako!" nagpupumiglas ako para ibaba niya pero mas inayos niya lang ako ng buhat sa balikat niya.
Nang makalayo kami sa camping area ay nagulat ako ng makita ang kotse niya na nakaabang na sa highway. Binaba niya ako sa tapat ng pinto ng passenger seat.
"Get in." sabi niya nang mabuksan niya ang pinto ng kotse. Wala akong choice kundi sumakay. Sinara niya agad ang pinto at napayuko na lang ako dahil naguguluhan na ako. Tiyak na pag-uusapan ako ng mga kaklase ko. Naiinis ako kay Dante. Gusto kong maiyak dahil nakita ni Darrel na hinalikan ako ni Dante.
Pumasok si Dante at nagsuot ng t-shirt. Pagkatapos ay kinabitan niya ako ng seatbelt. Hindi ako umimik at gusto ko na lang ay umuwi.
Mabilis niyang pinatakbo ang sasakyan habang tahimik lang ako sa buong byahe. Ilang oras din bago kami makarating sa bahay ko. Agad kong binuksan ang pinto at maglalakad na sana ako palapit sa gate ng pigilan niya ako. Hinawi ko ang kamay niya at nabigla siya ng makitang umiiyak ako.
"I don't want to see you anymore." pagkasabi ko no'n ay naglakad na ako palayo sa kaniya. Agad akong pumasok sa gate at napasandal ako doon.
Pinunasan ko ang luha ko dahil gulong-gulo na ako. Narinig ko ang pag-alis ng sasakyan niya kaya natulala ako.
Tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko sa bag ko. Pagtingin ko ay pangalan ni Dante ang nakarehistro.
Dante:
See you again, Babe. You can't stop me anymore. Lalo pa ngayon na hindi ko na mapipigilan ang sarili ko sa 'yo.
Ano ba! Tigilan mo na ako! Hindi na kita maintindihan!
Gusto kong isigaw iyon sa cellphone pero tanging utak ko lang ang nagsasabi no'n.
I'm confused!